༺༺Chapter 14༻༻

447 11 2
                                    

Magdamag akong hindi natulog. Hindi na din ako pumasok sa school. Tinawagan ko sina Anjela at Jiro para sabihin sa kanila ang nangyari.

Jusko! Babagsak na yata ako. Bakit naman ganito?

"Charrise..." tapos niyakap ako ni Jiro. Naiyak na naman ako. "Lakasan mo ang loob mo."

Nalaman na namin na sa dagat bumagsak ang plane na sinakyan nila Chase pero wala pa ding nakikitang survivors hanggang ngayon. Sabi sa news, mahirap magkaroon ng survivors dahil sa lakas ng current, masyado ring mataas ang pagbagsak ng plane nila pero naniniwala pa din akong buhay si Chase. Hindi siya pwedeng mamatay dahil sabi niya babalik siya. At nararamdaman kong buhay pa din siya.

***

Dalawang araw ang nakalipas at may natagpuan na ding mga survivors pero hindi isa dun si Chase. Hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil nafifeel ko na buhay pa siya.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Chase para makibalita.

"Hanapin niyo ang anak ko! Ang laki ng binayad ko sa inyo tas hanggang ngayon hindi niyo pa din nakikita?! Wala kayong kwenta!" Galit na sabi ni Tito Mariano.

Ngayon ko lang nakita na nag-aalala siya sa anak niya. Gusto kong sabihin 'to kay Chase pero nasaan na siya?

(Chase, nasaan ka na ba?)

Naiyak na naman tuloy ako. Inabot naman ni Jiro yung panyo niya. Kasama ko nga din pala siya dito sa bahay nila Chase. Sinabi niya sa akin na tutulong siya sa paghahanap kay Chase. Pumayag naman ako dahil isa siya sa pwede talagang makatulong sa akin. Iilan lang naman kasi ang mga kaibigan ko.

"Thanks Jiro. Sobra."

"Wala yun. Gusto mo bang pumunta sa church?"

Tumango lang ako. Nagpaalam kami sa kanila at nagpunta kami sa church.

Dito sa St. Joseph Cathedral ang isa sa mga memorable places namin ni Chase. Dahil sa church na 'to, tumibay ang relasyon naming dalawa dahil na din sa help ni God.

"God, sobra po akong nagpapasalamat sa inyo dahil nakilala ko si Chase pero sana po 'wag niyo po muna siyang kunin sa amin. Sana po ay buhay pa siya. Sana po ay may tumulong na sa kanya. Wag niyo po siyang papabayaan. Mahal na mahal ko po siya eh. God, marami pa po kaming plans at sana po ay matulungan niyo kami na matupad yun. Hindi po ako ready sa ganito pero kakayanin ko po. Palakasin niyo po ang loob naming lahat. Kailangan po namin kayo. Minsan na po akong nawalan ng minamahal, sana naman po wag sa ganitong paraan niyo siya kunin sa akin. Mahal na mahal ko po si Chase. Sana po ay makabalik na siya sa amin. Thanky you po. I love you so much. Amen."

Pagkatapos kong magdasal, medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Malakas ang pakiramdam ko na buhay pa si Chase, hindi niya ako iiwanan ng basta na lang.

***

One month after...

Itinigil na ang search and rescue operation para sa mga iba pang nawawalang victims ng plane crash. Malabo na daw kasing may makita pang survivors. Nung nalaman ko yun, buong araw akong umiyak. Halos bumaha ng luha sa bahay nila Chase even si Tito Mariano ay naiyak din. Kung nakikita lang sana ni Chase na nag-aalala sa kanya ng pamilya niya lalo na si Tito Mariano.

"Sir, malabo na po talagang magkaroon ng survivor. Lalo na po at mataas ang pinagbagsakan ng eroplano." Sabi nung mama na kasama sa Search and Rescue Team.

"No. Hindi pa patay ang anak ko. Hindi pwedeng mangyari yun." Sabi ni Tita Kristine habang umiiyak.

Gusto kong sumigaw na hindi totoo ang lahat pero walang lumalabas sa bibig ko. Iyak lang ako ng iyak.

Katabi ko si Aunt Kristy at hinahaplos niya ang likod ko.

"Auntie..." at niyakap ko siya. "Hindi pa patay si Chase di ba? Hindi pwede yun sabi niya uuwi siya ng safe eh. Sabi niya magpapakasal pa kami. Nagpromise siya eh. Nagpromise siya."

Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin sina Tito Mariano at nakita ko siya na tumutulo ang luha niya.

"Pag nakauwi na si Chase, hahayaan ko na kayong dalawa." Sabi ni Tito Mariano.

Nabigla ako sa sinabi niya at hindi ko rin alam kung dapat ba akong sumagot. Basta niyakap ko lang si Aunt Kristy.

Kahit itinigil na ang Search and Rescue Operation, patuloy pa din ang family ni Chase sa paghahanap sa kanya. Pumunta kami sa Visayas para hanapin siya. Two weeks kaming nagstay dun para halughugin lahat ng hospitals dun. Nag-file muna ako ng LOA sa school dahil hindi rin naman ako makakapagfocus sa pag-aaral kung ganito ang situation. Mas importante pa din na mahanap namin si Chase.

Negative pa din. Wala pa din kaming balita kay Chase. Two months na siyang nawawala pero I will not give up. Mahahanap din namin siya. Nararamdaman kong buhay pa din siya.

***

After three months...

Susuko na ba ako? Iisipin ko na bang patay si Chase? Hanggang ngayon wala pa din siya eh.

Nandito ako ngayon sa 214 Cafè at tinititigan ang engagement ring namin ni Chase.

Ang sarap balik-balikan lahat ng memories namin dalawa.

"Umiiyak ka na naman." Sabay punas ni Jiro sa luha ko. "Tama na please? Tingnan mo yang sarili mo. Napabayaan mo na. Ang payat-payat mo na. Hindi ka na kumakain ng maayos."

"Jiro, ang hirap."

"Alam ko pero di ba mas maganda kung aalagaan mo yang sarili mo? Paano kung biglang bumalik si Chase tas madatnan ka niyang ganyan? Sa tingin mo ba matutuwa siya?"

Natahimik ako sa sinabi ni Jiro. May point naman siya. Hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko. Dahil din sa sinabi niya, nagkaroon ako ng hope.

Aaminin ko, dumarating na ko sa point na ayoko ng umasa. Three months na siyang nawawala eh pero sa tuwing naaalala ko yung sinabi niya sa akin na hintayin ko siya, dun ako kumakapit. Dahil pag sinabi niyang hintayin ko siya, alam kong dadating siya.

Ngumiti ako kay Jiro.

"Thank you." Sabi ko.

"Eto yung favorite mo. Kumain ka ha. Kung kailangan kitang dalhan ng food sa bahay niyo, gagawin ko basta kumain ka lang. Hindi ka na kasi pretty eh."

Natawa ako sa sinabi niya. Sobra ko bang napabayaan ang sarili ko?

"Eto na kakain na po. Happy?"

"Oo, ganyan kasi dapat." Tapos hinawakan niya yung kamay ko. Nabigla din ako sa ginawa niya. "Cha-Cha, stay strong okay? Uuwi din siya. Ramdam mo naman na babalik siya di ba? Alagaan mo ang sarili mo para pagbalik niya, happy siya. Malulungkot yun pag makita ka niyang ganyan."

Naluha na naman tuloy ako.

"Friend naman eh. Pinapaiyak mo ko. Hehe" pinilit kong tumawa pero may kirot sa puso yung sinabi niya. Natouch kasi ako. Ang bait kasi ni Jiro sa akin at lagi din siyang nanjan para suportahan ako.

"Ewan ko ba sa'yo! Ang babaw masyado ng luha mo. Napakaiyakin mo. Hehe tahan na. Baka isipin ng iba pinapaiyak kita. Hehe"

"Bakit hindi ba? Hehe"

"Hindi. Baliw ka lang. Hehe kumain ka na. Ubusin mo yan ha. Aasikasuhin ko lang yung ibang customers.”

Kahit papaano gumaan din ang loob ko. Salamat kay Jiro dahil lagi siyang nandyan para sa akin. Lagi niyang pinapalakas ang loob ko at lagi niya akong binibigyan ng hope na buhay pa si Chase.

(Chase, kelan ka ba uuwi? Simula ngayon aalagaan ko na ang sarili ko. Excited na kong umuwi ka. Namimiss na kita ng sobra. Mahal na mahal kita Mhine. Kung nasaan ka man, sana okay ka lang. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Ikaw ang forever ko eh.)

***

Learn To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon