༺༺Chapter 1༻༻

1.2K 22 7
                                    

Pauwi na ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Malas lang dahil wala pala akong dalang payong. Sumilong muna ako sa isang saradong tindahan malapit sa korean restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Hay, malas naman. Gutom na ko eh. Tumila ka na please?" Sinabi ko habang ang dinadamdam ang patak ng ulan.

Hindi rin nagtagal at humina na rin ito kaya tumakbo na lang ako pauwi.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot pagkauwi ko sa bahay. Mag-isa lang kasi ako dito. Naligo muna ako pagkatapos ay kumain ng mami at tinapay.

*tok!tok!tok!*

"Tisay, eto na yung bill ng kuryente at tubig mo" sabi ni Ate Beth na may-ari ng apartment na tinitirhan ko.

Binuksan ko yung pinto para kunin yung bills ko.

"Kain tayo Ate Beth."

"Hindi na, nakapaghapunan na ako. Salamat. Nabasa ka ba ng ulan? Hindi ka na naman nagdala ng payong."

"Ate Beth alam mo naman na tamad akong magdala ng payong. Hehe"

"Magkakasakit ka nyan, tag-ulan na pa naman ngayon."

"Malakas po ang resistensiya ko. Hindi po ako nagkakasakit. Hehe"

"Ikaw bata ka, ang tigas ng ulo mo. Para kang yung anak ko. Hehe oh sya, magpahinga ka na."

"Sa sweldo ko na lang po ito babayaran, ibibigay ko na lang po yung bayad sa inyo."

***

Day off ko bukas kaya pwede akong magpuyat. Hehe habang nanunuod ako ng TV, biglang may narinig ako parang bumagsak sa pintuan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Pagbukas ko ay may nakita akong isang lalaki na nakabulagta at basang-basa dahil sa ulan. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao.

"Tulungan mo ko." Sabi nya at halatang nanghihina sya.

Natakot ako. Sino ba 'to? Mamaya masamang tao pala 'to.

Lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari sa'yo? Sino ka?"

"Tulungan mo ko." Sinabi nya ulit.

"Kaya mo bang tumayo? Tara sa loob."

Learn To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon