Chapter Seven

12 3 0
                                    

Xyrex's POV

Andaming tao sa Delfi, well inaasahan ko na naman to. Pupunta kasi ngayon dito ang mga magagaling na mga manghuhula at wizards sa aming kaharian upang ipaalam sa amin kung ano ang mangyayari sa hinaharap ngayong nagpakitang muli ang blood moon.

Naglalakad kami ngayon ni Zyveex patungo kina mommy. I can hear and see girls giggling. Pinagtitilian nila ang best friend ko. Tiningnan ko siya pero parang wala lang to sa kanya. Para bang wala siyang naririnig at nagpatuloy lang sa paglalakad nang Hindi lumilingon. He's a few steps ahead of me at may tatlong mga kawal sa aking likod na nakasunod lang sa akin habang tig-a-apat sa magkabilang gilid ko. In other words napapalibutan nila ako. Ayaw ko man ay wala na akong magagawa kasi utos ito ni daddy.

Agad akong umupo pagkarating ko habang si Zyveex naman ay pumunta sa aking likuran. Nakatayo lang siya. Ilang sandali pa nagsimula na ang pagpupulong.

"Masaya ako at nakita ko kayong muli." Pumalakpak ang lahat sa sinabi ni daddy. "Ngayon ang ikalawang araw simula ng nagpakita ang blood moon at ngayon din ay inaasahan nating lahat na malaman ang mangyayari sa hinaharap. Hindi na ako magpapaligoy pa, tunghayan natin ang angkan ng mga magagaling na mga manghuhula at wizzards sa ating kaharian, ang angkan ng Wisian." Pagpapatuloy ni daddy at muling pumalakpak ang lahat. Pumunta naman na ang angkan ng Wisian sa harap at umupo sa pinakadulong mga upuang inilaan para sa kanila.

Tumayo ang isang matandang lalaki, daladala ang kanyang mga gamit. Isinuot niya ang kanyang bag at dinala ang isang bolang kumikinang sa kaliwang kamay at isa namang wand sa kanyang kanang kamay. Pumunta siya sa pinakaunang upuan na may maliit na mesa. Inilagay niya ang kanyang mga gamit doon. Ilang sandali pa iwinagayway niya ang kanyang wand at nag salita. Kung Hindi ako nagkakamali, isang chant ang ginagawa niya dahilan upang magsitahimik ang mga tao at Pinanuod namin siya. Lumutang bigla ang bola at mas kumikinang pa ito ngayon. Ilang sandali pa, muli siyang nagsalita at nag-iba ng kulay ang bola:

We're here today to celebrate an occasion
About another bloodmoon revelation
Also to hear the great news it brings
That's all about the rice's new seedlings

May puting usok na lumabas sa bola at pumalakpak ang lahat ng marinig ang mga katagang iyon at dahil na rin siguro sa pagkamangha, pero tumahimik rin ng nagsalita ulit ang wizard:

But alas the bloodmoon also brings
The thirst of desire from the dark king

Pagkarinig ko nun, halo halong emosyon ang naramdaman ko. Dark king! Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko. Linapitan ako ni Zy upang tanungin kung ano ang problema. Tinignan ko lang siya at ngumiti ako ng bahagya para sabihing wag na siya mag-alala. Tumango siya at bumalik sa kanyang pwesto kanina. Muli kung ibinaling ang aking atensyon sa matandang manghuhula at nakinig ng mabuti sa mga susunod niyang sasabihin. Kahit na ang totoo ay gusto ko nang umuwi sa palasyo ay pinilit ko ang aking sarili na makinig para Hindi magduda si Zy sa akin.

Tinitigan ko ang matandang manghuhula. Kumuha siya sa kanyang bag ng isang kulay berdeng likido at nilagay soon sa bola. Nag iba muli ang kulay nito, at may usok na lumabas. Isang itim na usok. Nabigla ako ng tingnan ako ng matanda. Isang titig ng pagkamuhi. Inilipat ko ang aking paningin dahilan para muli niyang ipagpatuloy ang pagsasalita. This time mas malakas na ang boses niya at rinig na rinig ko ang bawat salitang kanyang binibitawan:

In fifteen days time he will come and take
The kingdom's treasure that awaits in the lake

Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid namin nang makita ang mga imahe na mistulang
nagre-reflect sa bolang crystal. Mas lalong lumakas ang kaba ko dahilan para tumayo ako at makuha ang atensyon ng lahat. Hindi ito maari ang imaheng nakikita ko ngayon, Isa iyong imahe ng lalaki! Ang lalaking nakita ko sa aking panaginip at doon sa sekretong lugar namin ni Zy! Bumalik sa akin ang ala alang iyon. Ang gabing iyon, ang gabing nagpakita siya sa akin! Naalala ko rin ang mga sinabi niya.

"My queen, didn't you know that you were destined to be mine? You are the future Queen of the Dark King." Sabi niya sa akin at mas Lumapit pa.

"I won't take you now with me, but I'll surely go back for you. In fifteen days time My Queen!" Dagdag pa niya na lalong nagbigay ng kaba sa aking dibdib.

"I'll patiently wait for you." Then an amused and evil grinn showed on his face. Wala akong nasabi kahit na isang kataga man lang. Nanginginig ang buo kong katawan at tila nagma-malfunction ang sistema ko dahil sa sinabi niya! I can't hardly breath right now.

Biglang nawala ang lakas ko kaya hinawakan ko agad ang upuan para Hindi matumba. Agad naman akong linapitan muli ni Zyveex upang alalayang tumayo. Feeling ko nanghihina ako. Ayoko nang makinig pang muli sa sasabihin ng manghuhulang ito kasi mas lalo lang akong nagiging hysterical.

"May problem ba Xy?" Pabulong na tanong sa akin ni Zy.

"Masama lang ang pakiramdam ko. I want to go home now." Sagot ko sa tanong niya.

Nagpaalam pa muna ako kina mommy bago kami umalis ni Zy.

Naglalakad na kami pabalik sa karwahe nang makita ako ng matandang manghuhula na nanghula kanina. Linapitan niya kami at sinabing: "Mahal na prinsesa, ang iyong tadhana ay napapalibutan ng kadiliman. Ikaw ang itinakda! Ikaw!" Tinuro turo niya pa ako at umalis. Naiwan akong nakatulala kasama si Zy na nagulat din sa mga narinig niya. Unti unti namang tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ng matanda.

''Hindi maari'' sabi ko sa aking sarili. Kung ganon Hindi pwedeng Hindi totoo yung napanaginipan ko.

Nagtatakang lumapit sakin si Zy. ''Alam mo ba ang tungkol sa sinasabi ng matandang manghuhula?'' Tanong niya sakin.

"Wala eh, baka iba sana yung sasabihan niya pero napagkamalan niya lang ako" sagot ko Kay Zy

"Pero tinawag ka niyang mahal na prinsesa, Kaya I'm sure na Hindi ka nya napagkamalan na iba" pabalik niyang sabi sakin kaya agad ko nalang iniba yung topic.

"Tara uwi nalang tayo" sabi ko na agad din naman niyang sinang-ayunan.

----------------------

Humiga ako sa kama dahil sa pagod. Tinitingnan ko ngayon ang puting dingding sa aking kwarto. Malaking palaisipan parin sa akin ngayon ang panaginip Kong parang totoo at idagdag mo pa ang sinabi sa akin ng matanda.

Tumayo ako at naglibot sa palasyo para malibang ang sarili ko. Ayaw kung isipin ang sinabi ng matanda sa akin. Hindi iyon totoo. Isa iyong malaking pagkakamali!

Napunta ako sa Hardin ng kaharian, maliban sa akin ay wala na akong nakikitang ibang tao. Inilibot ko ang aking paningin sa lugar at sinanghap ang preskong hangin na nagpagaan ng aking kalooban. Medyo bumalik ang aking takot at Pag-aalala nang may maaninag akong anino ng isang lalaki. Lumapit ako sa sulok kung saan ko siya nakita. Pero pagkarating ko roon ay wala na siya..

"Looking for me?" Boses palang niya ay kinilabutan na ako. Alam ko kung sino ang may ari ng boses na ito, ang King of Darkness! Kahit na isang beses lang kaming nagtagpo ay tandang tanda ko ang boses niya. Dahan dahan ko siyang hinarap at Hindi ipinakita ang takot at kabang nararamdaman ko.

"Siguro naman Alam mo na mahal kung Reyna ang mangyayari sa iyong hinaharap?" konting titig nalang niya ang kulang at matutunaw na ako.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko kahit na Alam ko kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.

"In 15 days time" pagdidiin na sabi niya at lumapit sa akin. "You'll be mine!" Bulong niya sa aking tenga.

"I will never be yours!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Hahahahahha" isang baliw na tawa ang isinagot niya sa akin. Alam Kong mangyayari ang araw na iyon kaya kailangan Kong maghanda! Hindi daoat ako matakot sa kanya!

"Xyrex!" Tawag sa akin ni kuya kaya napalingon ako.

"Sinong kausap mo diyan?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Muli kung tinignan ang kinaroroonan ng Hari ng Kadiliman ngunit wala na siya. I sighed in relief, "Wala po kuya." At umalis na ako.

Kailangan kung makita ang matandang manghuhula. Kailangan kung malaman ang mangyayari sa akin!

**********

To be continued

DARK AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon