☆*:.。. Chicha-rot .。.:*☆

73 4 0
                                    


"Behh.. Bekaiii!!..

Sandawleeh!!..

Huwweeeyyyt!!.. "

hingal na pagsambit ni Kevkev sa akin. Hingal-kabayong habol siya sa akin ngayon.

"Bahala ka jan! Di ko naman sinabing humabol ka sa akin!" Pasigaw ko sa kanya. Talagang nagmamadali ako dahil hinahabol ko ang negrang lakwatserang si Maam Dora the explorer. Parang gusto ko na talagang paniwalaan na siya na nga talaga si Dora the explorer dahil sa isang iglap lang, hindi ko na siya nahahagilap sa radar ng paningin ko.

Napahinto ako sa labas ng college building namin at nasa likod ko narin si Kev. Nakahabol narin sa wakas ang pony.

"Nasan na kaya siya!!??" Kung saan-saan ang pag baling ko, mahanap lang si maam Dora.

"Hindi ito maaari teh!" Pabaling kong sabi ky Kev, pero pahina na baka marinig pa ng ibang dumadaan.

"Ahy, baka naman sinundo na ni Kiko Matsing yung bestfriend niya.. Alam mo naman mga unggoy, naglalambitin sa mga baging at malamang na timing-an si maam Dora kaya sumabay na sa baging express lane. Baka siya na lang ang inaantay ng mga katropa niya sa paglalakbay." Sabi ni Kev na nakapameywang yung kaliwa niyang kamay at pumapaypay naman ang kanang kamay niya sa sarili.

"Tangeh, si Boots yun hindi Kiko Matsing. Yan kasi maling palabas ang pinapanood mo." Paasar ko ky bbf.

"Naku ateng, halika na't tayo'y mag meryenda muna sa canteen dahil nato- tomjones na akesang sa run away bride natin.. melting point ang kagandahan natin sa ngayon, need ko nang mag retouch no!." sabay hila niya sa kamay ko at dumeretso nalang kami patungo sa canteen.

•*• time skip •*•

"Hindi ito pwedeng mangyari sa akin!" Nakatakip ang mga kamay ko sa mukha habang si Kev ay busy sa kinakain niyang cassava cake.

"Naku Bekai, talagang unfair ang mundo ano! Kung kelan naman kasi ako ang buong puso't kaluluwang hinahain ang sarili para sa opportunidad na ganito eh, sila pa itong choosy! Hmpf! Hmpf!" Tinutuhog niya ang cassava ng tinidor na parang kinukulam niya ito.

Kawawang cassava cake.

"Kasalanan kasi ito ni Boy yungib eh! kundi na lang kasi siya ang mag represent sa college natin. Tutal mahilig naman siya pumapel sa lahat ng bagay. if I know, siya talaga ang gustong sumali dito, kunwari pa siya." pagrereklamo ko kay Kev.

" Miss Queen University ang sasalihan ng college natin ateng, hindi Science Fair. Ano na lang ang laban natin sa ibang college kung ang representative natin eh, Kamag anak ng mga taong Java? naku, baka pag experimentuhan lang siya sa show noh!?." tuluyan nang napirat ang cassava cake ni Kev sa kaka tuhog niya.

"At isa pa, di hamak naman ang mga tulad kong diyosa ang higit at karapat dapat sa Miss Queen! Di tulad ng iba diyan, ibinigay na nga, kume-kyeme pa."

"At ako pa ngayon ang pinaparinggan mo?! Halata naman ho, sa akin na gusto ko nang umatras DI-HO-BA??" With emphasis kong sabi ky Kev.

"Bekai, kung ako sayo, wag mo na munang isipin ang sarili mo at maging choosy.. ituloy mo na lang ito dahil susupportahan kita dito. You are not alone in this fight inang mother!" si Kev.

Binatukan ko siya ng tinidor na ginamit niya kanina kaya't napa aray siya nang wala sa oras. Tumayo na ako sa kina uupuan namin ni Kev at nakipila na sa counter para bumili ng lafoosh dahil nakaramdam narin ako ng gutom.

Hmm, parang bet ko mag chicharon ngayon dahil iyon ang unang nakita ng mga mata ko. yung malutong na bagay at balot sa plastic na may mga label na pork at beef.

Sa wakas, after ng ilang dekadang pilahan.

Charlams!

Mga 4 minutes lang talaga. Nakarating narin ako sa tapat ng counter.

"Manang, chicharon nga po? Ito ho." Sabay turo sa pork label na chicha sa glass counter top.
"at softdrink narin. Salamat. "

Dinukot ko sa bulsa ko ang aking coin purse, at in unzipped ito.

Nalaglag ang 1000 pesos folded bill ko!

Charlams!

100 lang talaga. (。-_-。)

I bent down to pick it up ng biglang

"Oh~. " pamilyar na boses ng lalake.

MAY GAD!

Tumama yung pwet ko sa bulge ng lalake sa likuran ko! (°_°)

EEEHHH!!!

Agad kong dinampot ang pera ko at nilingon siya!

"Ay, Chicken!!" napalakas yung tili ko.

Si Gabeson pala!!

Parehong nanlaki ang mga mata namin sa gulat. (Ô.ô)

Grabeh! di ko alam kung sobrang pula na ang mukha ko sa pangyayari!(≧_≦)

"Sorry!" Sabay sabi namin ni Gabeson.

There was an awkward moment of silence after.

May dumaan na gwapong angel, charot!

Akward yung katahimikan.

"Wala kaming chicken. puro pork at beef lang ang chicharon namin dito." Sabat ni Manang sa eksena.

Nagtawanan na lang kami ni Gabe pareho.

"Sorry ah!" nakangisi niyang sabi. Eyen ne nemen eng ngete nyehh...

"Uhm.. A-Ako din.. S-sorry talaga.. Aksidente lang.." Di ko siya kayang tignan sa sobra kong hiya.
(−_−;)

"Hey, Thought I'd recognize you! You're the one whose always sitting at the bench in the corridor heading through the gymnasium pool every morning right?!" Tuwa niyang sambit sakin.

Hanu daw?! He recognize me? Sitting sa corridor bench? At hanu daw?! EVERY MORNING?!
Ibig sabihin pala, everyday niya akong napapansin?!

EHHMEEGGEEEDDDD!!
Mahal na kita!! (≧∇≦)

"I'm Gabeson by the way," sabay abot ng mala gatas niyang kamay sa akin.
"Gabe na lang for short." At ngumiti ne nemen siyehh.. Ehrrm ..

"Yes I know you already ... Kuya Beh.." Wala sa sarili kong pagsabi. Feeling ko parang nag day-off ang kaluluwa ko't nag bakasyon sa venus.

"What d'you say again? How d'you knew me?"

At bumalik na bigla ang rumarampa kong kaluluwa sa planet earth. Kapos sa pamasahe daw.

"Ha? Ah-Eh.." Chicken! Pano ko ito lulusutin? Esep-esep Bekai.

"Sa.. Sa.. ID mo! tama! Jan sa ID ang name mo oh. Aheh~ " tinuro ko agad ang ID niyang nakasabit sa uniform niya na siya namang ikina yuko upang tignan ito.

"Ahh.. Ok. So.. I didn't get your name yet. so.. you are? .. " hinihintay niya ang sagot ko.

I'm still in trance dahil sa ka gwapuhan niya. Pilit kong inaabsorb ang lahat ng kaganapang ito.

"Ahm.. I-I'm.." Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa sigaw ni Kev. Naku, nakalimutan ko palang kasama ko siya ngayon.

"Bekaaiii!!! Sampung taon ka na atang umo order jan! Halika na't aabutan na tayo ng traffic ngayong pauweh, May Gas!!

Tuluyan na akong hinatak ni Kevkev palabas ng canteen. Buti na lang at hawak ko na ang mga pinambili ko, di tuloy ako nakapag paalam kay Gabeson dahil sa bruhilda kong bbf. Pero nung lumingon ako sa kinatatayuan niya kanina, parang may sinabi pa siya habang kumaway siya sa akin pero binasa ko na lang sa mga galaw ng labi niyang masarap halik halikan, dahil hindi ko na marinig sa agwat ng layo namin sa isa't isa:

".. I'll See you again!"

EMEGEEERRRRDDD!!!

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

Di niya talaga ako patutulugin mamayang gabieee dahil mag jo jogging siya sa isipan ko buong magdamag!!

I cannot this!!

Diary ni Bekai [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon