☆*:.。. Elevator .。.:*☆

46 4 0
                                    


Pinindot ko na ang up arrow button at inantay na bumukas ang elevator door. Ilang segundo lang bumukas na ito. Walang iba ang nasa loob nito kundi yung magandang nilalang nakatayo na nakasuot ng nursing uniform.

"Tss ganda ko talaga!" Ngiting bati ko sa reflection ko sa loob ng elevator at pumasok na. Pinindot ko yung number 9 na button at inantay na magsara ang pintuan ng elevator.

Nakaramdam akong parang gumagaan ang kinatatayuan ko tanda na umaangat na ang elevator. Kita ko yung number indicator na nag papalit na ng numero. Huminto ito sa 2nd floor at bumukas ang pintuan, ngunit walang tao. Sumilip ako sa labas ngunit wala talagang tao. Kaya isinara ko na lang ito.

Ilang minuto lang, huminto ulit ang elevator at nag bukas. Tinignan ko ang indicator nasa 4th floor. Room corridor lang ang nakikita ko at mga nakasarang mga kwarto, ngunit walang tao.

"Naku naku! Pinagtripan na naman ng mga bata ang elevator.. Mga walang magawa sa kwarto.. Tseh!" At isinara ulit ang pintuan ng elevator.

Nag head set muna ako at nag patugtog sa ipod ni Kevkev na hiniram ko sa kanya kanina bago kami naghiwalay ng pag uwi. Na i set ko ito sa random play at nagsimulang tumunog ang pamilyar na kanta.

Hello - Adele (Paul Damixie Remix)
Bet kong bumirit ngayon kasi mag isa lang ako sa elevator..

Nagsimula nang gumalaw ang elevator. sa indicator screen ako naka tingin at tinignan ko na dere-deretso ang pag akyat nito.

5 ...

6 ...

Nagumpisa akong sumayaw sayaw sa kinatatayuan ko at napapikit ako dahil feel na feel ko yung beat. nakikisabay na pala ako sa pag awit.

"Hello from the other side- I've must have called a thousand times-
To tell you I'm sorry for everything that I've done but when I called you never seem to be home"

7 ...

8 ...

"Hello from the outsiiiiiiideeeee.."
Hindi ko namalayang huminto pala ang elevator kasi nakapikit parin ako at damang dama ko yung awit sabay yugyog ng ulo ko .

Bumukas na pala ang pintuan ng elevator. Di ko mawari kung gaano lumaki yung mata ko sa gulat nang may biglang yumakap na lalake sa akin.

EEEEEHHHHH!(◎_◎;)

Hindi ko maaninag ang itsura niya dahil nakasuot siya ng navy blue na jacket at suot niya pati yung hood nito.

Napaatras ako ng bandang pagilid sa kaliwa ko dahil sa bigat ng pagkasandal niya sa akin.

"Uhhgghhh.." ungol ng lalake.

Ay chicken lang talaga! Yumakap lang siya sa akin ng saglit, umungol pa ang gagi! Tseh lang!
(*`へ'*)

Pilit kong inalis ang pagkayapos ng mga braso niya sa akin. Naalis ko yung hood niya sa ulo at bahagyang tinulak siya para masilayan ko ang itsura niya. Bigla akong nagka palpitations dahil sa kanya.

Juicecolored!!!! ampogeee niya!!! EHMERGEDD!!
☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

Nakapikit siya at pawisin. Hinawi ko ang bangs niya sa mukha. Yung style kasi ng buhok niya is mohawk pero hindi niya ito ginamitan ng hair wax or kung ano man, natural lang, parang bagong ligo style lang siya kaya may bangs kasi pababa yung buhok niya.

Naramdaman ko din na parang naghahabol siya ng hininga, parang hinahapo sa sobrang lalim ng paghinga niya. Hinang hina siya sa lagay niya.

Hinawakan ko yung noo niya at sa bandang leeg.
Naku, mainit siya at talagang mataas ang kanyang lagnat!

Diary ni Bekai [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon