☆*:.。. Zipper .。.:*☆

81 4 1
                                    

"Beeek..Sabihin mo na kasi yung totoo..Sino kasi yung gwapong estranghero na dinadalaw mo sa ospital ha?" Pangungulit sakin ni Kevkev.

Mahigit limang araw naring lumipas na hindi ko dinadalaw si Terrence sa ospital pagkatapos nung eksenang nangyari. Naalala ko tuloy na ang dami ko palang pending na assignments and activity works na kailangang tapusin sa iba't ibang subjects ko.

"Imbestigador? Imbestigador? Mike Enriquez ikaw ba yan? Kung maka usisa ka jan.." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me PO! Grace Poe!" Sarkastiko niyang sambit sa akin.

"Beeekaayy..." Paakyat na kami ng staircase patungo sa room namin ngunit patuloy parin ang pangungulit niya. Lumingon ako sa direksyon niya.

"Talagang di ka titigil diyan?" Sabay tutok ko ng aking matulis na khol eye liner pencil sa tapat niya. Hudyat para huminto na siya sa pangungulit niya sa akin.

"Sasabihin ko rin sa iyo... sa tamang panahon. Kaya't tumigil kana diyan sa pangungulit fuchsia ka!"

"Oh sige.. Basta ah, deal natin yan." Sabay kuha ng eye liner pencil sa kamay ko at tinutok ito sa kanyang mata. May hawak din siyang compact na salamin sa kaliwa niyang kamay at sinimulang guhitan ang kanyang mga mata na parang naglalaro ng connect the dots.

•*• time skip •*•

Nagdidisscuss na yung professor namin, pero kwento lang siya ng kwento, nasa 3rd row line ako nang mapansin ko yung nasa harapan ko na bukas yung zipper niya, yung bulsa niya yun de-zipper kasi, babae yun, pero close naman kami, kaya biniro ko,

"Ui! Bukas zipper mo! :)"

Alam naman niyang nagbibiro lang ako, kaya ngumiti na lang siya at sinabing "Oo nga eh!! :)"

Pero narinig yun ng katabi ko at nag bulong siya
"Ehh yung zipper ko, gusto mong makitang nakabukas??"
Sabay hawak sa zipper niya, at akmang hihilahing pababa, at tiningnan ako.

Siya pala si Reid, gwapo siya kung tutuusin, mabait, pero sadyang maloko, pero yun yung unang pagkakataon na ginanun niya ako.

"Anong mapapala ko kung nakabukas yan?" Sabi ko sa kanya.

"May makikita kang masarap."

"Talaga masarap yan?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Oo, hindi ka malulugi dito, gusto mo?" Pang akit niyang sambit sa akin.

Oo nga pala, wala pa akong ka-expe-experience, kaya nakikisakay na lang ako sakanya. Pero nag-simula na talagang magdiscuss yung professor namin, at dahil mababait kami, nakinig na lang kami, at saka mahirap yung topic na tinuturo niya. Dinedma ko na lamang si Reid pero hindi pa rin yun maalis sa isipan ko. Natameme ako. Kaya di rin yun naka ligtas sa mahiwagang diary ko! Souvenir thought kumbaga.

Habang busy sa pag discuss yung prof namin ay bigla namang sumulpot na parang kabute itong si Dora the Explorer ang negrang lakwatserang si Maam Manaoag at may inabot na maliit na index card kay prof. sabay alis pagkatapos.

Binasa ito saglit ng prof namin at biglang lumingon sa direksyon ng kinauupuan ko. Nakita ko yung pagtataka niya sa mukha sabay sabi

" Keille Torres?"

"Uhm.. Sir.." Bahagya kong itinaas ang kanang kamay ko para makita ito ni sir.

"You're excused. Proceed immediately." Inabot niya yung index card sa akin upang basahin ang nakasaad dito.

PLEASE ALLOW EVERY OFFICIAL CANDITATES FOR MS QUEEN UNIVERSITY TO PROCEED TO THE "TAFH" OR THEATHER ARTS FUNCTION HALL TODAY FOR THE OFFICIAL PHOTO SHOOT.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ni Bekai [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon