☆*:.。. Lola Bella .。.:*☆

76 7 0
                                    


Dear Bekai,

Di ko na halos maalis sa isipan ko si Kuya Gabe.
dahil officially, kame na! Charot lang!
Itong araw na ito lang naman ay ang araw na kung saang pinili ako ng college of nursing bilang kinatawan ng Miss Queen University!
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ito, di porke't pinanganak akong Diyosa but dahil alam mo naman, hindi ako ladlad and ayokong mahalata ako nang buong madlang people sa campus. Mahirap din yun no!

Itong araw ding mismo ang pinaka memorable day ko dahil nagka banggaan ang pwet ko sa ano..
Never mind na lang, basta dun eh!
Kay no other than Kuya Gabe himself sa cafeteria kanina!
Pero aksidente lang yun ah..
Pero kinilig ako dun nung nakita ko siya pala talaga yung nasa likuran ko kahit napaka awkward ng scenario namin kanina.

..sigh..

Inilapag ko ang 0.3 G-tech ballpen na gamit ko sa tabi at dinikit ko yung pork label na chicharon sa Diary ko gamit ng mga makukulay na tape na binili ko sa book store kanina na dinaanan namin bago kame tuluyang naka uwi ni Kevkev.

Nag pagulong gulong muna ako sa malambot kong turquoise colored comforter sa bed at nag relax muna habang inuulit ko yung mga eksena kanina sa aking isipan.

Maliit lang ang room ko, sakto lang ito sa laki since ako lang naman mag isa ang natutulog dito. Last year ko lang ito pina ayos sa pamamagitan ng powers ni Lola Bella.

charot! wala siyang powers noh!

since siya leng nemen telege eng mey budget sa aming dalawa, eh nakapag hire si Madam ng professional carpenters.

Madam kasi siya, as in madaming business racket like, may pwesto siya sa market place dun sa meat section; may barter boutique naman sa labas lang ng market area at may ari ng mini grocery store na malapit sa may entrance ng subdivision dito sa amin.

Oh diba, Madam?!

Madam din nemen akesang, as in Madaming boyfriends!

Charlams!

Hindeh, Madaming requirements na kailangang tapusin lang talaga.
F.Y.I. NBSB ako noh!

Minimalist kasi ako pagdating sa pag ayos dito sa room ko.

ibig sabihin. "More is less and less is more".

Di mo pa gets?

Tanungin mo nalang kay mareng Merriam Webster o di kaya kay pareng Google.

But in short, as in short na masikip, di ako masyadong mahilig mag tambak ng maraming gamit sa loob ng room ko. Gusto ko kasi spacious ito at cozy ang ambience. Di yung parang nakakita ka ng abstract in live performance sa kadamihan ng tambak at kalat na mga gamit sa room at maakala mong bodega ng rtw's.

Hindi rin naman ganung ka bongga ang house namin dahil dalawa lang naman kami nakatira ni Lola Bella sa two story na bahay na ito. Nasa baba ang room ni Lola kasi kalaban niya ang hagdanan. Sinusumpong kasi siya ng rayuma pag umaakyat baba siya. Kaya naman solo ko ang buong 2nd floor! Hohohoho!! *\(^o^)/*

Ang kwarto ko ang ginawa kong sanctuary ng lahat ng kulay turquoise at white na gamit.

White wall ang isa, light turquoise naman sa kabila. Maaliwalas dito dahil sinabitan ko din ng white at turquoise na chinese lantern na bilog na parang gawa sa papel plus naging cozy dito dahil pina airconditioned pa ni Lola ang room dahil obviously, Love na love niya ako.

Si Lola Bella na talaga ang super woman ko eversince! (=゚ω゚)ノ

"Keille-iha, baba kana dito at kakain na tayo!"

Oh diba, supportive pa!
pak na pak parang napkin na may pakpak!

"Yeess! Bababa na po, Lola Belsie cheena boom boom lei!!

Haba ng namesung ni Lola noh? Haha .

Hindi naman gasinong ka tanda si Lola Bella.
Youthful parin naman ang peg niya. Black parin ang hairdo dahil maintained ang salon sched, facial treatments, at sumo zumba pa pag may time ang kikayin kong granny!

Bumaba narin ako at sinamahan si Lola sa masarap na dinner.

•*• time skip •*•

Tirik na ang araw nung ako ay bumangon sa kama ko, napasarap kasi yung pag tulog ko kasi alam kong sabado ngayon which means, vacant ang araw ko ngayon.

Biglang nag vibrate yung iphone ko!

Charot!

yung kulay turquiose kong nokia 6600 lang talaga.
eheh~ ( ̄▽ ̄)

May sentimental value kasi ito, kahit na may kalumaan sa model unit eh, bago pa naman kung tignan kasi maingat ako sa gamit. itong hugis sabon kong cp kasi ang most memorable birthday gift ni Lola sa akin during first year high school days ko.

•*• flash back •*•

"Pagabi na lang at hindi pa nakaka uwi sa bahay itong si Keille. Wala namang night class sa high school. Saan na kaya nagsususuot yung batang iyon?" Pag aalala ni Lola Bella sa apo niya.

Tinungo ni Lola yung high school na pinapasukan ni Keille at nagsi tanong sa mga security guard na nagbabantay sa school tungkol kay Keille ngunit walang nakikilalang estudyante na nag ngangalang Keille Torres si Manong guard.

Bigo man sa pag hanap ni Lola sa nawawalang apo niya, ay di niya parin tinigil ang pag hahanap. Sumakay siya ng tricycle at nilibot ang buong rota at mga posibleng dinadaanan ng mga estudyante tuwing uwian nila.

Hanggang sa may nakita siyang pamilyar na batang naglalakad ng mag isa sa tabing daan. Punit ang unipormeng suot nito at walang suot na sapatos. Pina hinto ni Lola ang sinasakyan niyang tricycle at bumaba upang lapitan ang bata. May galos at pasa ito sa mga braso at sa mukha noong nakita niya sa malapitan. Humihikbi at bakas sa mga namumuong luha sa mga mata nito ang lungkot at tuwa sa bata nang masilayan ang kanyang Lola.

"Diyos ko! anong nagyari sa iyo apo? ..Sino?! Sino ang gumawa nito sa iyo apo at ipapa pulis ko sila?!" Mahigpit siyang niyakap ng kanyang nag aalalang Lola.

Napag alamang biktima ng pang bubully si Keille sa pinapasukan niyang eskwelahan kaya't agad inireport sa principal at sa guidance counsellor ang buong pangyayari.

Kaya't yung araw ding mismo ay sinuspinde sa paaralan ang mga estudyanteng sangkot sa issue ng pambubully kay Keille.

Napag disisyunan din ni Lola Bella na mas ikabubuti para sa batang Keille na mag transfer sa ibang high school at makapag simula ulit. Lumipat silang mag Lola sa ibang ciudad at dun na nakapag tapos ng high school si Keille.

Upang hindi na maulit yung malagim na pangyayari, ni regaluhan ni Lola si Keille ng cellphone sa kanyang ika labing apat na kaarawan upang maya't maya'y pinapa alam ni Keille sa Lola niya ang mga kaganapang nangyayari sa school nila maging ang mga lakad ni Keille upang mababawasan ang pag aalala ni Lola Bella sa kanyang apo.

•*• end of flash back •*•

Binuksan ko ang inbox at binasa ang text na galing kay bbf.

Bekai, pnta k dw s skul mya
mga 3pm n kc my inixal orentaxon
xa Miz Queen! Kta nlng tau dun.
Bajayna! XD

Nireplayan ko lang siya ng isang kuripot na titik "k." at pinindot ang send button.

Tumayo na ako at tumungo sa banyo para paghandaan ang mga susunod na eksenang magaganap itong buong sabado.

★彡Author's Note:

Hi mga Beks!
Ito po ang first time kong mag sulat ng story kaya't pag paumanhin ninyo na lamang ang mga maling grammings na nababasa nyo jan sa tabi tabi. Kung bet nyo ang kwento ni Bekai, please let me know by voting or give a positive comment! so that I'll know, may gustong sumaybay sa mga ronda ni Bekai!

Bajayna! (=ω)

Diary ni Bekai [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon