☆*:.。. Hospital .。.:*☆

52 2 0
                                    

Hindi ko na inabala pa ang receptionist sa counter at dumeretso na ako sa elevator paakyat sa 9th floor.

Dinukot ko ang aking cellphone sa bulsa ko at nakita kong may 7 missed calls ako galing kay Lola Bella.

"Hala, ba't kasi di ko nasagot agad? Nag aalala na yun, sigurado!" Sabi ko sa aking sarili.

Pag dating ko sa 9th floor, tinungo ko agad ang Lotus Hall na nasa kanan ng elevator. Marami paring tao sa expo at talagang maraming barter goods ang pwedeng ipag malaki ng mga negosyante sa kalidad at ganda ng kanilang mga produkto.

Pero hindi iyon ang ipinunta ko dito. Lumilingon ako sa mga tao sa paligid at hinahanap si Lola, nagbabakasakali kung andito pa siya sa hall.

May tumapik sa likod ko kaya napalingon ako agad.

Si Lola pala. Halata sa itsura niya ang pagtataka at alam na alam ko na ang susunod na sasabihin niya.

"Bekai-iha! Saan ka na naman nagsususuot at naiwan mo ang Lola mag isa dito?" Sabi ni Lola at palingon lingon siya sa paligid.

Napalingon din ako

"Nasaan na yung kasama mo?!" Dugtong pa niya na nakapameywang.

"Ha? .. Ah.. Eh.. Lola, let me explain..." Nanenerbyos na ako sa kanya.

"Hay naku kang bata ka, Oo, Halika na nga't may pupuntahan pa ang Lola ngayon. Eto, kunin mo na ito at mauna ka na sa bahay at si Adelia na ang sasama sa akin pauwi." Sabay abot ng tatlong naglalakihang plastic bag.

May kabigatan din ito sa mga naipambili niya kanina. Tumango na lamang ako at nauna nang pumasok sa elevator at bumaba nang makauwi na.

"Bato ba ang mga binili ni Lola at sobrang bigat itong bini-bitbit ko?"
Tanong ko na lamang sa aking sarili habang palabas ako ng Hotel.

Mag aalas singko ng hapon na nang makarating ako sa bahay. Itinabi ko lang sa gilid ng sofa ang mga dala kong plastic bag ni Lola.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng mainom sa ref. May nakita akong malamig na litrong rootbeer, kinuha ito at kumuha ng baso. Habang umiinom ako ay sumagi sa isipan ko si Terrence.

"Ay, Chicken! Wala palang watcher si Terrence dun sa hospital! Naku, naku!

Nataranta ako sa naisip ko at iniwan ang iniinom ko sa mesa.

Umakyat ako sa kwarto ko at kumuha ng gamit na kakailanganin ko sa hospital. Buti na lang may mga extra akong traveling bag kaya't kinuha ko yung kulay white na may stripes na navy blue at doon ko ipinasok lahat ng mga gamit ko.

•*• time skip •*•

Pagdating ko sa hospital ay tinungo ko agad ang information desk para tanungin ang room number ni Terrence.

Ibinigay naman agad sakin ng assigned personel dun at nalaman kong nasa room 143 si Terrence.

"Lol talaga, pati room number may significant meaning pa." Napangiti ako nung naisip ko yun.

Minamasdan ko ang bawat numero na nakapaskil sa mga pintuan na dinadaanan ko.

139 ...

140 ...

141 ...

Biglang bumukas ang pintuan nito at tumambad sa akin ang isang matangkad at gwapong nurse. May hinihila siyang manual BP Aparatus na may trolley stand sa kwarto kung saan siya lumabas at nginitian niya ako. Napansin kong may braces siyang suot sa ngipin na talagang bumagay sa kagwapuhan niya.

Inantay ko muna na medyo lumayo siya ng kaunti pagkadaan niya sa aking tabi. "Oh.. Ehm.. Err.." Patagong kilig kong sabi sa sarili.

142 ...

Diary ni Bekai [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon