☆*:.。. Photo shoot .。.:*☆

49 4 0
                                    

"Ihhh!! Ang ineet! Malulusaw ang kagandahan ko dito!" Sabay talukbong ng panyo sa ulo si KevKev.

Nasa field kami ng campus sa kalagitnaan ng open stadium. Dito kasi ang ginawang meet up na pinag usapan ng board during orientation nung sabado.

"Ba't ba kasing ang aga aga talaga ng photo shoot, eh pwede naman mamayang hapon nalang nilang gawin. Nagmamadali ba sila?" Sabi ko kay Kev.

"Aba'y ewan ko sa mga yun! Pa "be on time-be on time" pa sila eh, sila din naman itong di marunong tumupad sa usapan." Iritang sambit ni Kev sakin

Tinignan ko sa aking turquoise G-shock na relo

"9:45 a.m. na pala, wala parin sila? Tsk."
napabuntong hininga na lamang ako at tumingin tingin sa paligid umasang may susulpot pa na mga tao.

"Tara Bekai, dun tayo sa lilim ng punong yun oh." Turo ni Kev sa bandang kaliwa ko na sinundan ko naman ng tingin.

Tumayo na kami sa kinauupuan namin na open stage at kumaripas ng takbo patungo sa malapad na punong accacia upang sumilong sa init ng araw.

Naunahan ako ni Kev sa pag upo sa malaking ugat ng accacia na nagmistulang parang sanga sa lapad nito sa ibabaw ng puno.
Tatabihan ko na sana si Kev nang biglang nag vibrate ang cp ko.

Sanay kasi ako na i set lang sa vibration mode ang cp dahil narin sa alam kong obsolete na ito at iwas atensyon narin. Pagtingin ko sa screen, si Lola Bella ang tumatawag at agad ko naman ito sinagot.

"Yes Lola Belsie-bum?" Pag umpisa ko. Alam ko kasi na kami lang ni KevKev ang naandito sa pwesto namin sa puno kaya confident ako na magsalita tulad ng kinasanayan ko sa bahay.

"Bekai- iha, busy ka ba ngayon? Pwede mo bang puntahan ang Lola dito, may ipapadala ako sa iyo sa bahay?" Sabi sa kabilang linya.

"Andito pa po akesang sa skulembang-ah este, andito po ako sa school"
May nakita akong dalawang lalake na dumaan malapit sa puno na kinauupuan namin. Napatingin sila sa kinaroroonan namin kaya inayos ko na lamang ang pananalita ko kay Lola.

"Saan po ba kayo ngayon La?" Patuloy ko sa kabilang linya. Nakatingin lang si KevKev sa akin sabay punas ng pawis niya sa mukha gamit ng panyo na ginamit niyang pang taklob sa araw kanina.

"Dito sa Sky Palace Hotel, sa 9th floor convention hall ako -nak. Meron kasi exposition ng mga barter goods na dinidisplay nila ngayon kaya nakapag order ako at ito, naparami ng naibili ni Lola kani-kanina lang. Hindi ko kasi kayang dalhin lahat kaya magpapatulong na ang Lola." Sabi ni Lola Bella sa kabila.

"Ah, sige po ako na po ang bahala, puntahan ko na lang kayo diyan pagkatapos ng activity namin dito sa school." Nakita ko reaksyon ni KevKev na nakatingin at naka salubong ang kilay na parang nagsasabing "anong pinag uusapan niyo?"

Sinenyasan ko na lamang siya na "wait lang." At nag usap pa kami ni Lola ng mga ilang sandali pa at binaba ko na ang call. Tinabihan ko si Kevkev sa kinanuupuan niya.

"Anong spluk ng Lola mo Bek?" Nagtatakang tanong ni Kev.
In explain ko na lang ulit sa kanya ang mga pinag usapan namin ni Lola Bella sa kanya.

Lumipas na ng mahigit isa't-kalahating oras kami sa pag aantay dito sa pwesto namin ngunit walang ibang sumipot sa usapan ng photo shoot para sa Miss Queen University.

"Ay tara na nga Kev, nagsasayang lang tayo ng oras dito eh.. wala ka bang natatanggap na maski isang text man lang sa mga organizers kung bakit wala pa sila hanggang ngayon? Naiirita na ako sa kabagalan ng mga tao. At lalo na sa mga taong hindi tumutupad sa usapan." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa exit gate ng university.

"Haay naku! Naku-naku-naku yang mga organizers na yan..Hmpf!..

Humanda sila!

Humanda talaga sila sa akin!"-naiinis talaga ako.

Iritable narin si Kevkev kaya tumayo narin siya at humabol sa likod ko.

Habang papunta na kami sa exit ng gate, may napansin akong yellow poster sa may bulletin board malapit sa daanan ng exit gate. Huminto ako para basahin ang nakasulat doon.

MISS QUEEN UNIVERSITY UPDATE!

Photo shoot postponed today due to minor technical problems from the photographer's schedule. Updates will be posted once available. Please be guided. Thank you!

"Wow ha! Hindi man lang nag "sorry for your inconvenience!" Pagtaray ko matapos basahin ang nakapost na update.

Nabasa din ito ni Kevkev. "Ay wow naman talaga! At ngayon pa nilang naisipang mag post pagkatapos nila tayong pag antayin at ibilad na parang tuyong sirena sa ilalim ng mainit na araw! Nasasayang na ang mga ginagamit kong pampaputi sa pag aasta nila! Hmmpf!"

Kita ko sa reaksyon ng mukha ni Kevkev na halos sasabog na ang ilong niya sa inis sa kanyang nabasa.

"Naku ateng, wag mo na lamang dibdibin yan, may dalaw ka ngayon baka babaha ang dugo mo dito sa university dahil sa inis mo. Mas mabuti pang uwi na lang tayo at maghahanda ka pa ng mga gagamitin ko para sa show, dahil ikaw din naman ang nag promise diba? Parang ikaw talaga ang representative natin...kung maka react ka diyan-wagas! " Sinusubukan kong pakalmahin siya sabay tapik sa kaliwang braso niya. Nag wagi naman ako sa intensyon ko at sabay na kaming nagtungo sa exit gate.

Pero grabe lang ah.

Grabe talaga!

Grabeh-Grabeh!

•*• time skip •*•

Nauna nang nakauwi si Kevkev kanina dahil nag iba ako ng sakayan ng jeep upang daanan si Lola Bella sa Sky Palace Hotel.

Bumaba narin ako sa jeep pagka abot ko ng bayad kay koyang driver at tumawid sa kabilang kalsada at diretsong tumungo sa dalwang security guard sa may entrance ng building for check up bago pumasok sa auto slide glass entrance door ng Hotel.

Maaliwalas at napaka spacious ng lobby area nila dito, may tig tatlong set ng malalapad na cream sofa chairs na naka design na kasya pang tig limang squad na ka tao sa laki nito both sa right at sa left side ng lobby area.

Mayroong silver na side table na gawa sa metal sa bawat side ng sofa at may nakapatong dito na mataas na slim crystal vase na may bunch ng pink at red na tulip flowers.

Ako lang din kasi ang ka isa isang pumasok sa lobby area. May naririnig akong jazz music na nagbibigay ng cozy feeling. Napansin ko rin na naglalakad ako sa red carpet na nag li lead patungo sa counter desk ng receptionist sa left side ko.

Lumapit ako sa smiling na babae sa may counter na sa palagay ko eh receptionist yun.

malamang.

May tag siya dun na "receptionist".

nasa mid 20's niya pa. Nakasuot siya na red ruffled blouse at black blazer. Mestisahin siya na kulay brown-red ang buhok na talagang mahalata siya na bagong rebond lang. Na match naman ito sa kanyang suot.

"Hello shir, welcome to Shky Palash Hotel. How may I be of shervish to you?" Sabi niya na parang hirap sa pag salita.

"Ekshqush me Mish.. Naka breyshesh ka ba? Bakit ganyan ka magshalita?"
Sakyan ko din trip niya. Kala niya..

Parang nahiya siya sa tanong ko kaya't nginitian niya ako nang bongga obviously para ipalandakan niya sa akin na may braces talaga siya.

"Shorry, shir, bagong lagay lang kashi breyshesh ko, di pa ako shanay..ehehe" pumapabebe na ang kikik.

Ah-okay bye.

Siya na ang naka braces.

"Uhm, Miss inquire po ako, about sa exposition trade event?" Sabi ko sa kanya.

"Yes Shir, jush head shtraight up to 9th floor. Lotush hall." Ngumiti siya ulit at sabay gesture ng kamay sa elevator sa bandang kanan niya.

"Okay, Thank you!"
Ngumiti lang ako sa receptionist at tinungo agad ang elevator noh. baka mahawa pa ako kung paano sha magshalita.

Oh. Ermm..

Dish kennot be!

@o@

Ayaw ko na sa earth!
.

Diary ni Bekai [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon