Chapter 8

1K 23 4
                                    

Chapter 8


Naiinis na hiniga ko ang lalaking iyon sa kamang tinutuluyan KO. Oo, akin pero siya ang nakahiga. Saka ayoko nga siyang katabi no? Kadiri! Masama ang tingin na pinukol ko sa pobreng lalaki. Paano ba naman kasi eh nakakairita! Iinom inom samantalang di naman kaya! Hudas! Kainis!


"Uhhm." ungol nito at umayos ng higa. Mas lalong sumama ang mukha ko at pumasok nalang sa banyo. Pagkarating sa cr ay nandidiri kong itinapon sa sahig ang nasukahan kong blouse. Kadiri talaga! Tiniis ko ang mga natatawang mukha ng nakakasalubong ko. Hindi ko naman pwedeng hubarin ang blouse ko, ano ako bale?


Tinatanong niyo siguro kung bakit ko siya dinala sa kwartong tinutuluyan ko sa hotel. Ah--mali! Alam ko pala. Dahil nung pinilit ko siyang gisingin kung saan ko siya dadalhin ay hinipuan niya ako. Nagising na dapat 'yan eh, kaso nga lang, nasapak ko. Anak ng tokneneng. Hindi ko pinangarap mahipuan!


Nagshower na ako, muntikan pa akong mapatili nang mawala sa isip ko na i-on ang heater ng shower at sobrang lamig ng tubig na bumuhos papunta sa akin. Kinuskos ko ang balat ko at nagsabon ng maigi. Naglagay na rin ako ng vanilla scented na shampoo at shinampoo-han ko ang buhok ko.


Nang matapos ay nagbanlaw na ako at sinuot ang roba ko. Pagkalabas ko ay nakita ko ang lalaking dinala ko ay wala na. Napakunot naman ang noo ko. Saan naman kaya napunta 'yon?


Napalapit ako sa bedside table nang may mapansin doon. Isang papel na maliit na pagmamay-ari ng hotel. Muntik na akong bumunghalit ng tawa ng makita ko ang penmanship ng sumulat. Ang pangit! Napangisi ako saka binasa ang message niya sa akin.


'Bye babe, thanks for tonight. I enjoyed it.'


Tuluyan na akong humalakhak nang mabasa ang sulat niya. Inisip ba ng lalaking iyon na may nangyari sa amin? "How pathetic," saka ako napahalakhak muli.


**


"Ma," napangiwi ako nang marinig ang iyak ni mama. Yes, she is crying. Kaya hindi ako makagalaw ng maayos dito dahil sa dalawang linggong andito ay panay ang tawag niya sa akin at pinapauwi ako. It's not like naglayas ako, ayoko lang talagang makita ang pagmumukha ni Kid. Bwisit siya.


"Umuwi ka na kasi! Ipapahalughog kita sa pinagtataguan mo!" pinigilan ko ang sarling matawa. My mother is not making sense anymore. Hindi mo pwedeng ipahalughog ang pinagtataguan ng isang tao lalo na at hindi mo alam kung nasaan iyon.


"Paano mo naman gagawin 'yan aber, ma? Hindi mo nga alam kung asan ako e diba?" saglit na natahimik si mama saka umiyak ulit. Napabuntong hininga ako. Miss ko na sila kahit pa dalawang linggo lang ako rito.


"Umuwi ka na kasi, kahit bumalik ka nalang sa apartment mo basta ba yung nabibisita mo kami. Hindi yung ganito." nanigas ako ng marinig ko ang boses ni kuya. "Nag-aalala na talaga si mama sa'yo. Kahit pa exaggerated ang pag-iyak niya, totoong namimiss ka na niya."
ani ng kuya sa akin.


Napabuntong hininga ako, "Alam ko naman 'yon e. Pero kuya, 'wag muna ngayon. Kid has been my best friend for a decade and I've been in love with him half of my life. Kahit naman di obvious nasasaktan naman ako 'no." pabiro kong saad pero hindi natawa si Kuya.


Alam kong masama ang loob niya pero hindi naman kasi ako ganun katanga para magstay doon at maging maid of honor habang sila Kid at Irene ay nagpapakasal sa simbahan. I just...can't. "Malay mo naman kuya, may makita ako ritong pogi na pwede kong ipantapat kay Kid. Oh diba? Kung gusto mo hanapan pa kita ng chicks." pagpapagaan ko sa tensyon.


Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya, "I don't need girls, sis. Just go home." saka niya ako binabaan ng tawag. I felt my heart sink to the pits of my stomach. Hindi ako binababaan ng telepono ni kuya kahit pa galit siya sa akin. Ngayon lang.


Masyado na ba talaga akong nagiging OA? Pero hindi ko kasi talaga makita ang sarili kong umuuwi. At least not now. Babalik rin naman ako e, wag nga lang muna ngayon. Kahit band-aid lang, tatapalan ko muna ang sugat sa dibdib ko ha? Hindi naman kasi ako martyr gaya ng mga kaibigan ko. Magkakaiba kami at ito ang paraan ko. A getaway.


Palilipasin ko lang ang kasal ni Kid and I'm sure I'm good as new.


Lumabas ako ng bahay na siyang una kong plano kung hindi lang tumawag si mama sa akin. Mamimili ako ng mga damit. Konti lang kasi ang nabili kong damit and it won't last long. Pagkasakay ko ng taxi ay sinabi ko na ibaba ako sa pinakamalapit na boutique. Hindi sinasadyang mapadaan ang mata ko sa isang salon. Bigla kong tiningnan ang buhok ko. It's...plain. I think my hair needs a little bit of color.


"Hey, excuse me but could please drop me here?" agad namang tinigil ng driver ang taxi kaya't nagbayad na ako at bumaba. "Thank you!" saad ko pa bago isara ang pinto. Binalik ko ang tingin ko sa salon at pumasok.


Bumungad sa akin ang isang babaeng nasa 50's at nginitian ako, "Come in." aya niya at pinaupo ako sa isa sa mga upuan.


"Can I...uh color my hair? You decide on what would look good on me." ngumiti naman siya at nagtawag ng staffs saka ako pinaupo sa harap ng salamin. May babaeng naka-pixie cut ang hair na lumapit sa akin at sinimulan nang ayusin ang buhok ko.


Matapos ang higit kumulang dalawang oras ay binlow dry na ang buhok ko. Napangiti ako ng makitang ang plain kong buhok ay nalagyan ng parang blonde sa dulo at pinakulot ng kaunti. Hindi naman daw permanent ang pagkakulot kaya ayos lang. Pagdating sa cashier ay magbabayad na sana ako ng umiling ang babaeng sumalubong sa akin kanina.


"Consider that as a treat, I think you need it." makahulugang saad niya. Napakunot ang noo ko sa gulat, "Are you sure?"


"Yes, honey. It's on the house."


"T-thank you." saka ako lumabas. For some reasons, that woman looked achingly familiar. Saan ko nga ba siya nakita? Argh. Basta lalo na yung mga mata niya. Parang may kahawig? Hindi ko lang talaga maalala parang naa dulo ng dila ko.


Pagbukas ko ng pinto ay may katawang bumangga sa akin kaya muntikan na akong matumba--no, hindi niya ako sinalo, talagang nakasandal lang ako agad at nakabawi ng tayo. Masama kong tiningnan ang lalaking bumangga sa akin. Pero nagulat ako ng makitang yon yung lalaki na dinala ko sa hotel na tinutulugan ko currently.


"Watch it," aniya sa malamig na boses. Tila may kung anong umakyat sa spine ko nang marinig ko ang boses niya. Tiningnan niya ako saglit at muli kong nakita ang abuhin mata niya. Natigilan ako. That's why those eyes are familiar! Kahawig niya nga pala ang babaeng sumalubong sa akin kanina!


Hindi na ako nakasagot hanggang sa nakapasok siya sa loob ng salon. Ang huli kong narinig mula sa kanya bago magsara ang pinto ay ang pagtawag niya ng 'Mom' sa kung sino.


Napailing ako. Small world.



Love C. ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon