Chapter 17

881 18 1
                                    

Chapter 17


"Saan ka pupunta?" Tanong ng mama sa akin. Ngumiti lang ako at inayos ang buhok ko.

"Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko."

"Sige mag-ingat ka ha?" Hindi na ako sumagot at lumabas na lang ng bahay. It's not true. Hindi ako makikipagkita sa mga kaibigan ko. Papunta ako ng ospital para magpa-therapy. Ang alam ko makakatulong daw yon para makaalala ako. And I will do anything makaalala lang ako.

Pero bago ako pumunta sa ospital ay napadaan muna ako sa dating tinitirhan ko. I don't know why pero para gusto ko lang talaga puntahan ang bahay ko dati. I missed that place.

Hininto ko ang kotse sa harap ng bahay. Medyo madilim at saradong sarado pero alam ko na may nakatira dahil sa kurtina. Nagdalawang isip pa ako pero bumaba ako ng kotse at lumapit sa bahay. Kakatok sana ako ng makarinig ako ng pagkabasag ng kung ano at sunod-sunod na mura ng boses ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at tumakbo na pabalik sa kotse ko saka ito pinaharurot.


Pagkarating sa ospital ay grabe ang buntong hininga ko. Muntikan na akong mahuli ng may-ari! Ano ba naman kasi ang iniisip ko at pumunta pa ako doon? Maganda ang lugar na iyon malamang may makakabili na talaga nun. Saka sabi nga nina mama ako daw mismo ang nagbenta nun bago ako bumalik sa bahay. Baka magtaka ang bagong may-ari kung bakit niya ako nakikita ulit doon.


Bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa loob ng ospital.

**

"You have to relax. This won't work kung pipilitin mo ang sarili mo." Ani doktora Jane.

"Dok--"

"Shhh! Don't force yourself. Relax. Huminga ng malalim. Inhale. Exhale. Then close you eyes. I'll ask you a few questions pero for now relax. Just empty your mind." Utos niya na ginawa ko naman.

Hindi nagtagal ay feeling ko dinuduyan ako kahit hindi naman. May mga tanong siya sa akin gaya nga ng kung ano ang huli kong naaalala. Ano daw ang ginagawa ko. And such. Payapa ko lang namang sinagot ang mga tanong niya.

"What bothers you right now?"

"A letter with a message encouraging me to remember."

"And?"

"The sender. C. Whoever he or she is."

"Bakit ka nabobother dito?"

"I want to forget. Halos lahat sa paligid ko ay gusto akong makalimot na lang pero siya lang ang nag-iisang nagsasabi na wag akong bumitiw at alalahanin ko."

"Gusto mo bang alalahanin? Or gusto mo na lang makalimutan?"

"Yung totoo? I want to remember. I want to know what happened and why I'm having some flashbacks na hindi ko alam kelan nangyari."

**

It's useless. It's stupid and it's useless. Wala naman akong trauma or anything...okay maybe meron kasi bakit ayaw ng utak ko makipagcooperate? Sabi naman ni doktora hindi ko kailangang madaliin. Nag-oopen up din daw ang subconcious ko. Open up? Nagconfess lang ganun?

On my way home nadaanan ko na naman ang dating bahay ko. Nanghihinayang talaga ako sa bahay na ito. Namimiss ko na. Biglang nagbukas ang bintana kaya agad akong napayuko. Tiningnan ko ulit at nakitang isang nakatalikod na lalaki ang nakatayo sa tapat ng bintana. Nagmomoment ata si kuya. Napailing ako sa naisip ko at umalis na lang.

Pagkarating ko sa bahay ay wala sina mama at papa. May pinuntahan daw sabi ng katulong.

Papakyat na sana ako kung hindi ko lang narinig si kuya na may kausap sa telepono. Nakagat ko ang labi ko habang nagtitptoe. Tsimosa na kung tsimosa, minsan lang ako atakihin nito at masyadong suspicious si kuya. Baka naman kasi chicks ang kausap at ayaw marinig nila mama. Napatawa ako ng mahina.

"Stop giving her those craps. She doesn't need that, you moron."

Nabura ang ngiti ko sa narinig. So hindi babae? May kaaway si kuya? Who could it be? May naguudyok sa akin na pakinggan siya. Siguro yung tsismosa self ko lang yon na gustong makasagap ng scoop.

"I know what I'm doing and I want you to stay the hell away from her!" Saka nito binaba ang tawag at nagpaulan ng mura. Dahan-dahan naman akong umatras at baka marinig niya ako at mapagalitan.

"AJ? What are you doing there?" Napatigil ako ng marinig ang boses ni mama. Napalingon naman agad sa pwesto ko si kuya. Nagtaka pa ako dahil parang namutla siya.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ni kuya bago tumingin kay mama.

"Hindi. Bago lang gugulatin sana kita kaso mukhang hindi okay ang timing so aatras na lang sana ako. Saka naman ako naabutan ni mama." Ngiting ngiti kong sagot. Kilala ako ni kuya, alam niyang nagsisinungaling ako pero hindi iyon nahalata ni mama. After all, I didn't stutter.

"Go upstairs na hija, may paguusapan lang kami ng kuya mo." Napataas ang kilay ko. Go upstairs dahil may paguusapan sila? What am I a toddler? Nainis ako pero hindi ko na pinatulan at umakyat na.

Correct me if I'm wrong but I'm a hundred percent sure na ako ang paguusapan nilang dalawa. As usual.

Kinuha ko ang note na nasa bulsa ko saka ako humiga sa kama.

"Kung sino ka mang pontio pilato ka, magpakilala ka na sa akin. Feeling ko talo ko pa ang nasosolve ng puzzle sa gulo ng nangyayari sa akin ngayon." Yon ang nasa isip ko hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Love C. ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon