Chapter 1

2.4K 41 6
                                    

Chapter 1


10 years ago...

"Kuya! Ano ba! Ang tagal tagal mo naman eh!" nakakunot na ang noo ko ngayon panigurado. Kanina ko pa tinatawag si kuya para ihatid ako. Well, siya naman ang nag-insist na ihahatid niya daw ako ngayon. Milagro nga at sinabay niya ako ngayon. Pero kung alam ko lang na masyadng mabagal kumilos si kuya edi sana nagpahatid nalang ako kay manong roy!


"Oo! Sandali lang!" rinig kong sigaw niya. I groaned in frustration, pang-ilang beses niya na ba yang sinabi? "Wow. Galit na galit ka ha?" napatingin ang sa batang lalaki na tingin ko ay kaedad ko lang din. Tinaasan ko siya nang kilay pero binalewala niya lang ito. "What? Grade 5 ka din?" tanong niya sa akin. Mas lalong nangunot ang noo ko. Talaga bang hindi makakahalata ang isang to at di talaga siya titigil?


"Nice talking ha!" nakangising saad niya pero halata naman ang pagiging sarkastiko. Inirapan ko siya at humalukipkip. Bahala na nga siya diyan. Di ko naman siya kilala. "Kuya!" tawag ko. Agad naman siyang lumabas nang bahay. "Oo na! Saglit lang naman bunso ang aga pa e! May isang oras pa bago ang klase! Oh ano? Ayos ba itsura ko?" Halos mabuwal naman ako sa pagkakatayo ko nang makita ko ang itsura niya.


"Kuya! Sa kaninong baka ka nagpa-dila nang buhok!?" hysterical na sigaw ko. Nakarinig naman ako nang tawa sa gilid ko at napalingon ako sa kanya, "Ah, mawalang galang lang kuya ha? Anong year na po ba kayo?" tanong nung bata sa kuya ko. Napataas naman ang kilay ko. Lakas nang loob magtanong ah?


"Grade Seven bata bakit?" nakanunot ang noo na tanong ni kuya. Ngumisi naman siya at lumapit sa kuya ko. Nanatili akong nakatayo doon at tinitingnan silang dalawa.


Ngumiti naman siya, "Tatapatin ko po kayo ha? Mukha po kayong si Jose Rizal sa buhok ninyo eh. Masyado po yatang naparami ang lagay niyo nang gel sa buhok niyo. Nagmumukha na pong dinilaan nang baka. Pasensya na po. Nagsasabi lang nang totoo." Saad niya at ngumiti nang bahagya..


Dahil sa sinabi niya tumawa ako nang tumawa. Pero natigil din nang makita kong nakatitig lang silang dalawa sa akin. Ay walangya hindi ako sinabayan? Tumigil ako kakatawa at inirapan nalang silang dalawa. Mga walangya napahiya ako doon ah.


Nagulat naman ako nang ngumisi si Kuya, "Ayos ka boy ah? Grade ano ka?" tanong niya sa batang lalaki. Ngumisi naman ito, "Grade 6." Saad niya. Kumunot naman ang noo ko, "Akala ko grade 5 ka?" tanong ko sa kanya.


Ngumiti naman siya, "Wala naman akong sinasabi ah?" inosenteng saad niya kaya't napairap ako. Ang tanong niya kaya sa akin kanina ay kung grade 5 'rin' ba ako. May 'rin'! Siyempre anong iisipin ko?


"Teka lang aayusin ko lang ang buhok ko. Ibabalik ko na lang sa dati. Sabi kasi nang mga kaklase ko ay gawin ko to e. Mga tarantado yun." Saad niya at nailing bago bumalik sa loob pero bago siya makapasok ay sumigaw ako, "Uto uto ka kasi! Bilisan mo kuya!" di naman siya sumagot pero dali-daling umakyat.


Napansin ko ang uniform nang bata sa harap ko, "School mate kita? Ba't di kita kilala?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat naman siya. Inilahad ko ang kamay ko, "April Janella." Tiningnan niya muna ang kamay ko bago ngumiti at inabot ang kamay niya.

Love C. ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon