Chapter 24

898 24 5
                                    

Chapter 24





"Saan nga kasi tayo pupunta?" nagtataka kong tanong kay Ford. Bihis na bihis kami at kasalukuyan niya akong hinihila. Wala naman akong ibang magawa kundi ang magpadala. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya na lugar.


"Basta."


Sinakay niya ako sa kotse niya. Tahimik lang siya pero hindi naman nakakalagpas sa akin ang pasimpleng paghawak niya sa kamay ko. After that 'Love C.' thing niya sa instagram ko at pagpapakilala niya bilang isa na namang Christian, naging ganito na siya. Hinila hila ako kung saan saan. Buti  nalang talaga at ginagawa niya lang ito tuwing day off ko kundi baka tanggal na ako sa trabaho ko at nagworld war na kami ni Ford.


Nagulat ako ng itigil niya ang kotse sa harap ng isang restaurant. The restaurant's name is Vintage. At kapag nakapasok ka na talagang hindi ka na magtataka kung bakit Vintage ang name ng restaurant. Para ka kasing bumalik sa sinaunang panahon. All of the decorations are antique. May history pa sa pambungad. It's a very nice place!


"Wow! Bago ba 'to?" tanong ko sa kasama ko na hawak pa rin ang kamay ko. Hindi ko na pinansin. Ayokong bigyan ng meaning. Masakit mahopia.


Tumango naman siya at iginaya ako sa isang table sa gitnang gitna. "Oh no wonder, tayo pa lang ang tao." tumatangong saad ko. Narinig ko naman ang tawa niya kaya't napatingin ako sa kanya. He was chuckling. Pero mas napatitig ako sa mga mata niya. There's something in his eyes na talagang mapapatitig ka. It's not his handsome face na makakatawag sa atensyon mo when it comes to Ford. It's his eyes. Those grey, almost silver, eyes.


"There's something in your eyes that makes me want to stare at you all day." wala sa sariling saad ko. Nagulat naman ako ng tumawa siya ng malakas. Malakas na malakas na parang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid namin.


"You do know you said that out loud didn't you?"


"I-I...wait! What?" namula naman ang buong mukha ko sa sobrang pagkapahiya. Talo ko pa ang may lagnat sa sobrang init ng pisngi ko. Stupid, AJ. Sige, ipahiya mo pa ang sarili mo sa harap niya!


"Don't be embarrassed. I'm glad to know you love my eyes." his eyes were twinkling in amusement. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Biglang may lumapit na waiter sa amin at tinanong ang order namin. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Ford ang kamay kong nakapatong sa table. Nanlaki ang mga ko. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Tinapunan ko siya ng tingin pero casual lang siyang nakikipagusap sa waiter at sinasabi ang order niya.


Don't be stupid, AJ. Hindi porke't ilang taon na kayo magkasama ay naagaw na agad niya ang puso mo kay Kid.


**


"Sino ba kasi iyang lagi mong kasama? Hindi na kami updated sa iyo ha!" nakanguso na saad ni Tine habang nilalaro ang straw na hawak niya. Nasa coffee shop kami na ang pangalan ay Vintage. Naging tambay na kami rito mula noon hanggang ngayon.

Love C. ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon