Chapter 3

1.2K 29 13
                                    

Chapter 3


"Minsan gusto kitang tanungin kung saan mo nilalagay ang talino mo. Lalo na kapag kasama mo si Kid." aniya habang sinasabayan ako sa paglakad. Di na ako nagpaalam kay Kid sa personal at sinabi nalang sa text na sumama ang pakiramdam ko at congrats sa kanila ng girlfriend niya. Langhiya, ngayon ko lang to naramdaman buong buhay ko--ang maging bitter.


Hindi ako spoiled pero dahil nga unica hija ako at may tatlong kuya hindi maiwasan na prinsesa ang turing nila sa akin. Lagi nila akong pinagtatanggol pero at the same time, one of the boys ang turing nila sa akin. Kaya ko nga naging bestriend si Kid, hindi ba?


"Walang maitutulong ang pagsimangot at pagiyak mo. Kapag ba ginawa mo yan mapupunta si Kid sa'yo? Hindi." napatigil ako sa sinabi niya at sinampal siya. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay nanigas habang nakapilig parin ang ulo dala ng sampal ko. "Ang kapal mo. Hindi mo pa nga ako kilalang tunay kung sabihin mo ang mga salitang yan para bang kilala mo ako. Hindi ako umiiyak kasi nagpapaka-maldita ako! Hindi ako umiiyak kasi gusto kong mapasaakin si Kid!


"Umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Sa unang beses sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nasaktan tungkol sa lecheng pag-ibig na ito kung tawagin kaya't nagaadjust pa ako. Pasensya ka kung naartehan ka sa akin. Ang mas mabuti pa ay umalis ka sa harapan ko bago lumagpas sa sampal ang ibigay ko sa'yo." saka ako naunang maglakad. Tatlong kanto nalang din naman at amin na. Nagpaikot ikot pa kasi kami kaya medyo napalayo ako sa bahay.


Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko para pigilan ako maglakad. Hinarap ko siya habang nakakunot ang noo, "What do you want now? Di ka pa tapos sa panenermon mo sa akin father?" panunuya ko sa kanya saka inalis ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad.


"I'm sorry. Nagiging matabil ang dila ko at alam ko yun pero kasi..." putol niya sa dapat sasabihin niya. Tumaas ang kilay ko. May sasabihin ba siya? Bakit hindi niya ituloy?


Tumikhim siya bago sumeryoso, "You know I have the same reputation as Kid but I want you to know that I like you." natigilan ako. Napipi, nabingi, nabulag at lahat na! Bago ako bumalik sa katinuan at napasigaw, "Ano?!"


Nagkibit balikat siya bago ngumisi. Gwapo siya at gwapo rin si Kid pero magkaiba ang pagkagwapo nilang dalawa. Siya yung moreno habang si Kid ay may kaputian naman.


Nanatili akong nakatitig sa kanya, "May topak ka ba?" tanong ko sa kanya gamit ang seryosong mukha. Ngumisi naman siya, "Ang gwapong may topak ko naman." nanlaki ang mata ko nang kindatan niya ako.


"Lintek may topak nga! Umuwi ka na nga lang sa inyo nang makakain ka ng matino!" saka ako iiling iling na umalis at lumayo sa kanya. Narinig ko naman ang halakhak niya. Kundi lang talaga nakakapangilabot ang isang yun kikiligin pa ako e. Babae parin naman ako kahit papaano.


"Mag-antay ka lang, April Janella! Magagayuma rin kita!" sigaw niya at tumawa pa ulit. Hindi naman yung tawang demonyo. More like tawang natutuwa siya sa mga ikinikilos ko mula ng magconfess siya. Sumimangot ako at sumigaw din pabalik pero hindi ko siy ni minsan hinarap, "Ulol! Pag naging pink ang anino!"


**


"Lintek cramming!" at sunod sunod na mura ang narinig ko sa bibig ng mga kaklase ko. May test daw kasi kami mamaya tapos may thesis pa na malapit na ang deadline, kaya ganyan. Napailing nalang ako. Mas maayos pang magbasa nalang ako kesa magmura ng napakatagal at papaubos na ang oras.

Love C. ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon