Kabanata 01

59.8K 714 42
                                    

Kabanata 01

Five years ago

Lumabas na si Prof. Lim matapos mag bigay ng paalala para sa nalalapit naming finals para sa Calc. Siniko ako ni Macey, nakadungaw kasi ako sa cellphone ko at hindi pa tumatayo. Nakalabas na ang iba naming kaklase, at kami na lamang natira rito sa room.

"Ano?" May bahid ng pagka irita kong tanong habang nakatitig sa pinadalang message ni Magnus. He wants to talk to me. Ilang linggo siyang hindi nagparamdam, and I really miss him. Hindi ko lang maiwasang mag tampo. I know, marami siyang inaasikasong project. . . pero sana nagpadala man lang siya ng text.

Kahapon, nakita ko siya sa Engineering building, pero iniwasan niya lang ako. Katwiran niya ay marami raw siyang gagawin at babawi na lang daw siya sa susunod na linggo. And maybe today is the day he was talking about last week.

Muli kong nilingon si Macey na pinupulot ang mga papel na nalaglag sa loob ng kaniyang libro.

"Sorry, what are you saying?" Tumayo na ako sa desk at isinukbit ang bag ko sa braso.

"Sabi ko halika na, mali-late na tayo sa Bio." Kumapit si Macey sa siko ko at hinila ako palabas ng room. Habang naglalakad kami sa hallway patungo sa next class, panay ang dungaw ko sa aking cellphone.

Nadismaya kong binitaw ang tingin doon. Hindi pa rin nagrereply ang boyfriend ko.

"Naku, duda na talaga ako diyan kay Magnus, beh." Wika ni Macey at inilapit pa sa katawan niya ang yakap yakap na libro.

Umiling ako habang nakangisi. Pinakita kong wala akong naramdaman na kung ano. Kahit sa totoo lang ay nagulat ako sa sinabi niya dahil pareho kami ng kutob.

"Ano ka ba. . . mabait si Magnus." Mahina akong tumawa at hinawi ang buhok ko habang papasok kami sa loob ng room.

Ngumiwi si Macey at maingay na inilapag ang libro sa desk. "Kahapon lang kasama niya sa Beatrice." Aniya at inilabas ang isang notebook at ballpen.

Marahan akong umiling at pinag isang linya ang labi. Namutla ako. Hindi lang pala ako ang nakakapansin 'non.

Binagabag ako 'non hanggang matapos ang klase namin sa Bio. Panay ang takbo ng isipan ko tungkol kay Magnus. Lunch na at naghiwalay na kami ni Macey, pupuntahan pa niya ang kaniyang Social Thinking Group sa library.

Kaya mag isa akong naglakad patungo sa cafeteria namin kung saan kami magkikita ni Magnus. Tiyaka pa lamang siya nag reply sa message ko at sinabi niyang sa parking lot na lang daw. Kahit bahagyang nainis sa pagbabago niya ng isip ay sumunod na lang ako. Malaki ang tiwala kong wala siyang ginagawang masama. . . na kaibigan lang niya si Bea tulad ng sinasabi niya.

"Magnus." Nakita ko kaagad siyang nakatayo sa gilid ng kaniyang Honda Civic.

Nilingon niya ako. . . mukhang hindi siya mapakali at hindi man lang siya ngumiti sa akin. Naglakad ako palapit sa kaniya, dumapo pa nga ang paningin ko sa asul na t-shirt na ibinigay ko sa kaniya noong anniversary namin. Hawak hawak niya rin ang isang g-shock na itim na ibinigay ko naman sa kaniya noong birthday niya last month. Saglit akong nagtaka kung bakit hindi niya iyon suot sa pulso niya.

"Stella." Paos ang tinig niya, nang makalapit na ako sa kaniya ay hinila ko palapit ang polo niya at idinampi ang labi ko sa kaniyang labi na bahagyang namumutla.

Saglit lamang iyon ngunit hindi ko nadama ang pag tugon niya. Napawi ang ngiti ko. Siguro nga at umasa ako. I'm expecting him to hug me and kiss me back. Katulad ng mga nakasanayan ko sa kaniya. . . pero hindi niya ginawa.

Mending You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon