Kabanata 03

40K 562 16
                                    

Kabanata 03
Work

Naramdaman ko yung unan na kinapapatungan ng ulo ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at para bang ilang minuto lang akong nakatulog dahil napaka sakit ng aking buong katawan. Pagod pa rin ako. Crap!

Inaantok pa rin ako at nakakaramdam ng paunti unting kirot sa aking sentido. Wala akong maalala kung ano ang nangyari kinagabihan. Ang naalala ko lang, nawalan ako ng malay nang subukan kong lumayo kay Magnus. At nasalo ako ni Damien bago ako matumba sa dance floor.

Shit! Napabangon agad ako sa kinalalagyan ko.

At nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang pamilyar na kwarto. Nasilayan ko si Macey na nakaupo sa dulo ng kama at nagpapatuyo ng buhok. Dinilaan ko ang labi kong nanunuyo.

"M-macey." Paos ang tinig ko habang pinupunasan ang pawis na nagmumula sa aking leeg at noo. Nahaharangan niya ang electric fan kaya wala akong makuhang hangin.

Bahagya siyang napaigtad sa gulat. Nag aalala siyang lumingon sa akin. "Oh, good morning!" Napangiwi siya. . . hindi ko alam kung bakit.

"Good morning din." Walang gana kong sabi at nagpalinga linga sa paligid. "Macey, yung gamit ko?"

"Ah teka." Tumayo siya at kinuha ang purse ko na nakapatong sa isang lamesa sa kaniyang kwarto. "Kanina pa nagri-ring yung phone mo. Simula kanina pa."

Namutla ako nang husto at nanlamig ang aking kalamnan. Lagot ako. "S-sinong tumat-tawag?"

"Yung crush ko."

"Yung Kuya ko?" Ipinag isang linya ko ang labi ko.

"Tinext nga ako kanina. Nasaan ka raw. Imbes na kabahan ako para sa'yo. . . kinilig ako Stella! Dream come true ang matext ng isang Havier Celeste!" Napapikit siyang tumili.

Bumuga ako ng hangin at tinanaw ang cellphone kong pa-low bat na. Napasabunot ako sa aking ulo nang makita ang forty-five missed calls galing sa tatlo kong kapatid. May text din akong natanggap. Kagabi pa ang mga message na ito.

[ K. Havier. ] - Where are you?! Wala ka sa bar! Umiiyak si mama, kanina pa! GO HOME NOW!

May isa pa akong natanggap. Isang mensahe kaninang madaling araw.

[ K. Havier ] - If something bad happened to my car, you're grounded Stella.

Tinaboy ko kaagad ang kumot na nakabalot sa akin nang maalala ang kotse ni Kuya. Ang lakas ng katok ng puso ko sa aking dibdib. Estupida Stella!

"Oh, anong mukha yan?" Katanungan ni Macey habang sinusuklay ang buhok niyang hanggang didbib.

"Y-yung kotse ni Kuya?" Nanginginig ako. Hindi ko na maalala kung nasaan iyon.

Ngumising hilaw si Macey. "Nakaparada sa harapan." Naupo siya uli sa dulo ng kama. "Ako ang nag drive. Binigay ka sa akin nung pogi na anak ng may ari ng bar kasi nawalan ka ng malay."

Napatunganga ako sa kwento niya. "Si Damien?"

Maligaya siyang tumango. "Oo si Damien. Ang karibal ni Havier sa puso ko."

Marami siyang naikwento sa akin at ang tanging naintindihan ko lang ay galit na galit si Kuya Havier ngayon sa akin. Naiimahe ko siya sa isipan ko na nag aabang hanggang madaling araw habang pulang pula sa galit. At isa pa, napaiyak ko si Mama sa pag aalala. Naku shit. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin pagka tungtong ko ng bahay namin mamaya. Paniguradong sermon galing kay Kuya ang sasalubong sa akin mamaya sa bahay.

Mending You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon