M E N D I N G Y O U
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayusan ako ng hairstylist kong si Luki. Sumasayaw ang buhok kong may brown na highlights sa bawat hagod niya rito ng brush. Kontento akong ngumiti sa ayos niya.
Today is another day for another interview sa show ng aking kaibigan na si Macey Fuentes. Pinisil ko ang mga daliri ko. I'm really nervous at hindi ko alam kung bakit.
"Done, mada'am." Malumanay na sabi ni Luki sa isang pilit na Latin accent. Inayos niya ang kaniyang tindig at umalon agad ang kaniyang maikli at asul na buhok. Muli kong pinagmasdan ang sarili sa salamin. The Stella that I'm seeing right now is different. Napangiti ako sa naisip.
"Stella Isabella Celeste." Narinig ko ang boses ng kaibigan kong bakla na si Jerry o mas kilala bilang Terry. Hinanda niya ang susuotin kong kasuotan.
Tumayo ako mula sa arm chair at nilapitan si Terry. Nakangisi siyang inabot sa akin ang isang kulay violet na halterneck dress. He also handed me the pair of patent leather ankle boots that I will be wearing for today.
"Good luck." He mouthed at marahan akong tinulak papasok ng fitting room.
Habang nasa loob, hindi ko mapigilan ang pag lundag ng puso ko. I'm a bundle of nerves right now. Ilang beses na akong humarap sa maraming tao. But this day is so different from my other interviews. Something is bothering me ngunit hindi ko naman alam kung ano iyon.
Lumabas ako ng fitting room, suot suot ang kasuotan na ibinigay ni Terry. Pumalakpak sa ere si Terry at Luki. Pinuri nila ang kasuotan at ayos ko bago muling bumalik sa trabaho.
Abala na sila ngayon sa pag aayos sa iba't ibang artista na kasabayan ko.
Inabala ko naman ang sarili ko sa breathing exercises. Someone taught me how to do this one. Ngunit imbes na lumuwag ang dibdib ko, mas lalo itong nanikip nang may maalala.
Natigilan lamang ako nang bumukas ang pintuan sa sulok ng dressing room. Nilingon ko si Albert—isa sa mga staffs ng Good Morning Pilipinas.
"Ma'am Celeste. Get ready. Malapit na po kayong lumabas." He announced at muling isinara ang pintuan. I licked my lower lip, nalasahan ko ang ginamit na lipstick. Pumikit ako nang mariin at pinigilan ang pag sakop ng lamig sa aking katawan.
Oh Gosh! I can do this! Nagawa mo na 'to Stella. Ilang libong beses na, ngayon ka pa ba kakabahan?
"Good lucky baby girl!" Pahabol ni Luki at Terry nang lumabas ako ng dressing room. I winked at them at naglakad na ako sa pasilyo, ubod ng ingat upang hindi ako matalisod sa mga wires na kumalat sa sahig.
When I reached the backstage, mas narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Marahil ay hindi pa nakakalabas ang isang artista na ini-interview ni Macey.
Naupo ako sa isang plastic chair. I'm still dead tired dahil kakauwi ko lang galing sa Barcelona at dumiretso sa Cordova dahil naimbitahan ako sa wedding doon upang kumanta. My fans love me at kailangan kong gumawa ng effort para matugunan iyon. I need to show them how thankful I am dahil kung wala sila, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.
After the interview, pumasok na ang artista na ininterview ni Macey kanina patungo sa backstage. Nilingon ako ni Mara. She smiled at me sweetly bago muling bumalik sa dressing room. She is an actress. Isang award winning.
Bumuntong hininga ako nang marinig ang boses ni Macey na nagsabi ng iilang mga introductions about me. Palapit nang palapit ang oras ng paglabas ko and my knees were already shaking.
"Alright. Ten minutes break!" Sigaw ng isang staff.
Suminghap ako at muling bumuga ng hangin. I have ten minutes to make myself calm. Mula sa aking leather purse, kinuha ko ang aking phone. Hinayaan ko ang ilang make up artist na iretouch ang mga make up ko while I'm browsing the feed in twitter. I'm in the trending list!
BINABASA MO ANG
Mending You (Completed)
Ficción GeneralMalaki ang pangarap ni Stella. Simula noong bata pa lamang siya, pangarap na niya nang maging isang tanyag na mang aawit. She will do anything just to make this dream turn into a reality. Ngunit paano kung may dumating na isang tao na magiging hadla...