Kabanata 05

35K 518 11
                                    

Kabanata 05

Sorry

    Hindi ako sigurado kung ilang oras ang tinagal ng interview na iyon. Ang alam ko lang ay ang daming tinanong sa akin ni Damien na hindi ko alam kung related ba sa trabaho na kukuhanin ko.

Lumabas na ako ng opisina niya, at nanatili siyang nakasunod. Hindi ko tuloy magawang sabihin sa kaniya na i-add ako sa facebook. Its a desperate move at ayokong maging ganoon agad ang tingin ni Damien sa akin, ni hindi pa nga ako natatanggap sa trabaho.

    "Hey." Nilingon ko siya. Naabutan ko siyang may kinuha sa pantalon niya at may ibinigay na isang matigas na papel.

     "Take this." Ibinigay niya sa akin ang isang papel na kinuha ko kaagad.

    Dinungaw ko iyon at napag alamang ito ang kaniyang calling card. Nangapal agad aking pisngi at namilipit ang aking kalamnan.

      "Para san 'to sir?" Inosente kong katanungan.

    Pinanliitan niya ako ng mata. "In case na tanggap ka na." Tatalikod na sana siya sa akin nang bigla siyang muling humarap. "And—don't call me sir. We're not in the interview anymore."

    Mabagal akong tumango. "Ah. I'm sorry, Damien. Hindi na ako nasanay pagkatapos ng interview. " Mahina akong tumawa. Marahil ay nahalata niya siguro ang pisngi kong namumula.

    Ngumuso siya upang pigilan ang pag ngiti. Alam kong pinipigilan niyo iyon. Kumibot tuloy labi ko upang umanyong ngisi ngunit agad kong itong pinigilan. "Well, be use to it. We're going to see each other everyday, every night if you get hired here." Dumilim ang mukha niya nang ngumiti siya nang tipid.

Bumagsak ang balikat ko nang bumuntong hininga akong pinagmasdan siyang bumalik sa counter. Darn it.

Pagkalabas ko ng bar ay sinalubong agad ako ni Kuya Havier na nakasandal sa kaniyang sasakyan. Napatakbo ako sa kinaroroonan ni Kuya.

    "So how was it?" Tanong niya.

    Ngumiti uli ako. "I don't know pero ang saya ko."

    Isang nagtatakang tingin ang ibinigay sa akin ni Kuya. "Huh?"

    "Oh, I mean masaya ako dahil parang matatanggap na ako."

    Tumango siya habang naka perfect o ang bibig. "Tara, kain muna tayo." At hinila na ako ni Kuya papasok ng kaniyang BMW.

Lumilipad nanaman ang isip ko kay Damien at sa trabaho na kinuha ko habang nasa loob kami ng KFC ni Kuya.

Panay ang tingin sa akin ni Havier habang kinakain niya ang ulam niya. Para bang nagtataka siya kung bakit ang layo ng tingin ko at mukhang malalim ang iniisip.

Well, kung iyon ang iniisip niya, then he's right. Malalim nga ang iniisip ko. I'm thrilled and scared at the same time. I'm thrilled because its my first time to have a job, at ang taong nag interview pa sa akin ay ang isang Damien Andrew Ortega.

At ang natatakot naman ako dahil unang beses ko itong kumanta sa harapan ng mga tao.

No, its not my first time to sing in front of the crowd, pero iba talaga kapag hindi mo kakilala ang lahat, at madalas na puro mayayaman at artista ang laman ng bar na iyon. . . kaya nakakahiyang magkamali. Isipin ko pa lang ang sarili ko na nagkamali sa harapan nila, napapangunahan na agad ako ng hiya.

"You nervous?" Puna ni Kuya at sumandal sa upuan niya.

Matapat akong tumango. "Oo, hindi ko alam kung matatanggap ba ako o ano."

"Think positive baby. Kung nasagutan mo naman ang mga sagot nang maayos, then you're good to go."

Hindi gumaan ang loob ko sa sinabi ni Kuya. Mas lumala pa ang bigat na aking naramdaman pagkatapos 'non.

Mending You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon