Kabanata 02
Nakatitig
Sa tuwing naiisip ko na baka nagkaroon nga ng gasgas ang kotse ni Kuya Havier, hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib. Nai-imagine ko na nga ang magiging itsura niya kapag may nakita ngang gasgas. He is going to kill me kung nagka ganoon nga. Mukhang natatakot tuloy akong bumaba at alamin kung mayroon nga ba.
Muli ko tuloy naalala ang pagkaka sipa ng lalaki sa gilid ng nguso ng BMW ni Kuya Havier.
Darn it.
Mayroon talagang mga taong hindi marunong tumanggap ng sorry. He's so handsome but his attitude sucks.
Nang makarating ako sa Aqua Spirit ay humupa na ang ulan. Natuyo na rin kahit papano yung outfit kung medyo nabasa kanina. Ang buhok ko ay bahagyang mabigat pa rin ngayon at mamasa masa.
Mawawala rin naman ito siguro mamaya sa pag nakapasok na ako sa loob.
Ipinarada ko ang sasakyan sa pagitan ng Bentley at Vios. Nang bumaba ako ay tumilansik agad ang tubig na naipon sa semento nang idapo ko ang pumps ko roon. Shit. What a really nice way to start my night.
I sighed in frustration at bumuntong hiningang kumuha uli ng pang huling rolyo ng tissue sa kotse at pinunasan ang binti ko.
"STELLA! OH MY GOD!" Tiningala ko ang pamilyar na boses na iyon. Napangisi ako nang makita sina Macey at Danica. Tumakbo sila at napaka lakas ng ingay na ginagawa ng mga heels nila patungo sa akin. Tumayo ako nang tuwid at isinara na ang kotse.
"Happy birthday Danny. . . Bukas na ang gift." Sinalubong ko ng yakap si Danica. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Ganoon pa rin ang morena niyang balat at ang buhok niyang hanggang baywang.
"Ano ka ba bakla! Okay lang. Ang mahalaga nandito ka." Marahan niyang hinampas ang aking balikat.
Ngumisi ako sa kaniya at ibinaling ang tingin kay Macey na nakanguso.
"Bakit ba ang tagal mo?" Nakahalukipkip na tanong ni Macey.
Bumagsak nang marahan ang balikat ko na parang isang papel na nalaglag. "Trapik. Nabangga pa ako kanina."
Nanlaki ang mata nilang dalawa. "Oh, bakit buhay ka pa?"
Pumasok na kami sa loob ng bar. Naubos ang sampung minuto ko sa kakapaliwanag sa kanila kung ano ang kaganapan. They are both intrigued about that handsome guy I met. Lagi raw akong mabilis magka gusto sa isang tao. They know me, kaya nakakapag taka raw kung bakit galit na galit ako sa lalaking iyon imbes na mamangha.
He's indeed hot pero ayoko sa ugaling ipinakita niya. Because of him, baka hindi na ako pahiramin ni Kuya Havier ng BMW. Magtitiis nanaman ako sa pataxi taxi nito.
Hila hila nila ang kamay ko at dinala nila ako sa kanilang kinauupuan kanina, habang iginegewang ko ang baywang ko sa masayang awitin sa bar. Napatili ako at ang aking mga dating kaklase nang makita ako. Para na rin itong isang batch reunion.
Napabungisngis akong kinamusta ang lahat sa kanila. Ang iba ay malaki ang pinag bago sa loob ng limang buwan.
"Oh Stell. Kamusta na nga pala kayo ni Magnus?" Siniko ako ni Wenna. Kaklase ko sa isang subject. Naningkit ang kaniyang bilog na bilog na mata habang sinusuri ako.
Nag iwas ako ng tingin at tinitigan ang Black Onyx sa aking kopita. Marahan ko itong inalog habang nag iisip ng maaring isagot sa katanungan niya.
"Ano ka ba, wala na sila." Narinig kong bulong ni Kriza—isa rin sa mga kabatch mate ko.
Mukhang hindi ko na kailangang sagutin ang katanungan na iyon dahil si Kriza na ang mga nagsagot 'non. Hindi na ako magtataka, isa siya sa mga kaibigan ni Bea—ang babaeng pinagpalit sa akin ni Magnus.
BINABASA MO ANG
Mending You (Completed)
General FictionMalaki ang pangarap ni Stella. Simula noong bata pa lamang siya, pangarap na niya nang maging isang tanyag na mang aawit. She will do anything just to make this dream turn into a reality. Ngunit paano kung may dumating na isang tao na magiging hadla...