Kabanata 04

37.2K 603 38
                                    

Kabanata 04

Breathe

    Tumambay kami ni Macey sa isang coffee shop matapos ang pangyayaring iyon. Puro puri tungkol kay Damien ang lumalabas sa bibig niya. Nahihirapan nga raw siya pumili kung sino ang mas guwapo sa dalawa.

Si Damien ba raw o si Kuya. Hindi raw siya makapag pasya nang maayos dahil halos magkapantay lang naman daw ang dalawa.

    "Ayaw mo kay Kuya Seth? . . . Hindi yun suplado." Humalakhak ako.

    Umiling si Macey.

"Guwapo naman lahat ng kapatid mong lalaki. . . pero kay Havier pa rin ako. Type ko yung mga suplado Stell. Kilala mo ko." Ngumisi siya at uminom sa kaniyang Peppermint Mocha.

    Lumipad nanaman ang usapan namin tungkol kay Damien. Naging laman tuloy siya ng isipan ko buong tanghali.

Is he still single?

Napa iling ako sa aking isipan. Imposible.

Ang mga ganoong klase ng mukha ay hindi mahirap makahanap ng girlfriend. Ang mga babae pa nga siguro ang nanliligaw sa isang Damien Andrew Ortega.

    Habang nagkikwento si Macey tungkol naman sa ex niya noong college siya, nag vibrate ang cellphone ko sa loob ng aking suot na skinny jeans.

Awtomatikong nag init ang dugo ko nang makita ang pamilyar na number. Oh crap! Hindi ba titigil si Magnus sa pang gugulo sa akin?

    [ Unregistered number ]Sorry sa nangyari kagabi. Ayoko lang makita kang may kasamang iba eh.

"Aba gago siya!" Sabi ni Macey nang ipabasa ko sa kaniya ang message.

"Sarap ipasipa sa bayag. Hindi pa ata nakontento sa Beatrice niya. Nalaspag na niya ata, kaya babalik na sa'yo dahil nagsawa siya. . . " Napapikit si Macey sa inis. "No way! Grabe. Boys this days. Except Havier syempre." Iling iling niyang sabi at muling dinungaw ang aking phone. Nanlaki nanaman ang mga mata ng kaibigan ko. "Oh, nag text nanaman!"

    "Ano sabi?" Untag ko, at sumimsim sa iced coffee.

    Narinig ko ang mahina niyang mura.

"Ay grabe!" Dinig kong sabi ni Macey habang binabasa ang natanggap na text. "Hiwalay na kami ni Beatrice. Magkaibigan na lang kami ngayon. Walang meaning yung nakita mo noong nakaraan." Ginaya niya ang boses ni Magnus habang binabasa ang narecieve na panibagong message.

"Utot mo!" Mariin niyang utas at binalik ang cellphone sa akin.

    Binalot ulit ako ng nag aapoy galit. Ano ang tingin niya sa akin? Isang bagay na madaling bitawan at kapag nais balikan, pupulutin niya na lang? Hindi ko akalain na nagmahal ako ng isang tulad niya noon. 

May mga lalaki talagang magaling lang sa salita, sa pagpapakilig pero hindi naman kayang panindigan hanggang huli.

Nakakainis lang. Kasi kaming mga babae, umaasa. Umaasang totoo yung mga sinasabi nila. . . pero mauuwi rin lang pala sa wala. Parang isang candy lang. Matamis nga, ikaw naman ay sarap na sarap hanggang sa hindi mo namamalayan na makakasira ito sa'yo kapag napasobra.

Ginugol namin ang buong araw namin ni Macey sa coffee shop at sa mall. Nang mapagod na kami ay napagdesisyunan na naming umuwi. Naghiwalay na kami ng landas at swerte namang nakahanap agad ako ng taxi pauwi.

    "Dito lang ho." Nangunot ang noo ko nang bumaba ako ng taxi at nakita ang isang pamilyar na sasakyan. Nag isang linya ang labi ko at pumasok sa gate namin. Kumulo agad ang dugo ko. Ano ang ginagawa niya rito?!

Mending You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon