Four: When life gives you hell

353 15 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:
Yo Readers! Ipagpaumanhin niyo po ang nilalaman nito hahaha di ko kasi alam kung paano ko siya ide-deliver eh. Di ko sure kung mararamdaman niyo yung bigat

Belated HAPPY BIRTHDAY to my fictional character KRYSTAL JUNG (as HELL)

Thanks for reading and for waiting
*******

HELL'S P.O.V

Sigurado akong uwian na nila haaaaay gusto ko nang lumabas dito. Magsinungaling na lang kaya ako sa bantay na labasan ko na? Kaso kakagat naman kaya? Aissssh bahala na

"San ka pupunta?" Tanong agad nung bantay

"Ahm... tapos na yung po yung detention ko" /cross fingers/ sana maniwalaaaaaaa

"The president told me that you have to stay here until 8 pm"

"Ahhhh... ganon ba? Pwede pa-CR na lang?" Kung hindi madaan sa pagsisinungaling edi tatakas na lang ako

"May CR sa loob, dun ka na lang"

Tinitigan ko na lang nang masama yung bantay. Arrrghhhh walang puso! Bwisit na Mr. President! Di na naawa sakin, niligtas ko na nga yung anak ba yon? Ewan ko kung kaano-ano niya yung batang yon

Nagugutom na rin ako huhuhu ang tanging kinain ko lang eh yung nadekwat kong fudgee bar at zesto dun sa Vice President ng SC

"Pst Hell"

Nababaliw na ata ako, feeling ko may tumatawag sakin

"Pst Hell huy!"

Rinig niyo rin ba?

"YA! HELL!!!"

"WAAAAH!!!!"

"HOY PST WAG KANG MAINGAY! Lika dito!" O______O si Jem nasa may bintana

"Uy anong ginagawa mo dyan? Bawal ka dyan" paalala ko

"Yun na nga eh kaya wag ka nang maingay diyan. Oh abutin mo to" tas inextend niya yung kamay niya sa loob

Isang mamon tsaka mineral water

"Tsk wala na kasing tinda sa cafeteria, ayan na lang talaga. Sorry Hell" sabi niya sabay yuko

"Baliw! Okay na to noh tsaka salamat ng madami nagugutom na kasi talaga ako eh"

"Sorry di ako makabili sa labas dahil for sure di na ako makakabalik dito sa loob dahil pagbabawalan na ako"

"Okay lang. Okay na to salamat talaga. Teka pano mo nalamang nandito ako?"

"Sinabi sakin ni Kale" sagot niya

"Sinong Kale?" May ganon bang tao dito sa Trinity?

"Aiissh Kit pala, yung Vice President" naaasar niyang sabi

"Ahhh. Close pala kayo nun"

"NO!"

"Oh Jem puso mo hahaha. Bat galit na galit ka dyan?" Problema nun hahaha

"Di kami close nun noh duh?" Hmmm I smell smelly XD

"Okay sabi mo eh. Pero buti sinabi niya sa'yong andito ako?" Ang alam ko kasi di din nangagausap yun. Haay iba na talaga pag matalino, mayaman, may position kala mo kung sino dahil di nangangausap. Ano ba pinaglalaban ko? As if namang papansinin ko din sila hahaha

My Troublemaker GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon