Author's Note:
Annyeong!!!! How's my first update? Sana nagustuhan niyo po si Hell baby my loves hahaha. Thanks for reading. Here's Chapter 2 ^_^ Lol walang kwenta yung note ko hahahaha vye~-Hearstrings14
-----------------------HELL'S P.O.V
"Ayala, Heather Lynne. Please come in front and look for your score" mabigat ang loob akong tumayo
Feeling ko bawat hakbang ko papalapit sa teacher's table eh pabigat ng pabigat yung paa ko
Hindi sa hindi ako sanay makakuha ng SOBRANG taas na score, sadyang alam niyo na, nakakahiya noh! Nakakahiya makakuha ng mataas na score kaya binababaan ko lang yung akin
"Here" sabay turo nung teacher ko sa score sheet
O________O 10? Naka 10 pa ako? Grabe
"Berlin...." habang tinatawag yung kasunod ko lumakad na ako pabalik sa upuan ko
"Hell ano? Kamusta score mo?" Tanong agad ni Jem
"Score pa rin naman, Jem" sagot ko
"Oh eh anong nakuha mo nga?"
"Secret. Confidential yun anu ka ba"
"Paconfi-confidential ka pa, kala mo naman kataasan ang score mo hahahaha"
"Oo na Jem, di kasi ako pinanganak na tatlo utak noh. Wag mo ng itanong, ang score ko ay walang pinagbago sa mga nauna kong score"
"Ano na nga kasi?" Mukhang di naman ako titigilan ng isang to kaya binulong ko na lang
"WHAT?! 10?!" *facepalm* pitingini -,- binulong ko na nga sinigaw pa. Haaaaay ang sarap ilubog ni Jem sa upuan niya
"Ms. Lake! Please be quiet! Why are you shouting?" Napatingin kami nun dun sa teacher namin
"Nothing Miss... you know... sudden change of emotion?" Palusot ni Jem na buti naman ay pinaniwalaan
Di ko naman masisisi si Jem kung naisigaw niya yun. Feeling niyo 20 items quiz lang ang meron kami? Pwes masama ang pakiramdam niyo. Aba! Long quiz pala ito and pag sinabing long quiz, LONG talaga
120 items lahat ang quiz namin ngayon at ayun na nga ang score ko, 10 out of 120. Ngayon, sabihin niyo sakin kung mabubuhay pa ako bukas ToT grabeeeee bakit ba kasi di ko alam na may quiz eh tsaka quiz nga eh! Bakit feeling ko periodical test na yun?! Hindi makatarungan! Baragan ng utak dito sa Trinity nakakainis >,<
"Lake, Jeminah Elize" tumayo agad si Jem pagkatawag ng pangalan niya. Mukha namang satisfied siya sa score niya dahil nakangiti siyang bumalik
"Alam ko mataas score mo wag mo kong ngitian" bungad ko agad
"Hell!!!! Gusto kong sumigaw grabe" impit yung boses niyang sinabi yun
"Ilan ka ba?"
"115!!! Oh my gosh, Hell! Akala ko babagsak ako eh"
"115?! Wow!! Sa tingin mo highest ka?"
"Hindi noh" sagot niya
"Lazabel, Luke" walang kaemo-emosyong tumayo yung katabi ko at lumakad papunta sa harap
Saglit lang niyang tinignan yung score niya nang hindi nagbabago yung ekspresyon sa mukha niya. Lumakad siya pabalik ng upuan niya ng parang wala lang siyang nakita
BINABASA MO ANG
My Troublemaker Girl
Teen Fiction"Just remember that sometimes, the way you think about a person isn't the way they actually are" -Hell "She's mine. My troublemaker girl" -Heaven