**HELL
Naramdaman ko ang kirot sa kanang braso ko.
Unti-unti akong nagmulat ng mata at nakita kong may benda ang braso ko.
Ahhh...
Naalala ko na. Nahulog nga pala ako sa practice kanina.
Si Ace...
Okay lang kaya siya? Nabagsakan ko kasi siya kanina at nadaganan pa.
"Hell!"
"Jem." Bati ko pabalik
"Buti naman gising ka na. Okay ka lang? Sobrang sakit ba ng braso mo?"
"Medyo makirot lang pero o-okay naman na ako. Nasan pala ako?"
"Naku, bes! Nandito ka sa kwarto na katabi ng kay Luke. First time ko nga makapasok dito eh hahaha"
Ahhh...
Nilibot ko ang paningin ko.
Malaki ang kwarto. May isang kama ito kung saan ako nakahiga at may sofa rin. May study table at mga cabinets. May isa pang pinto, siguro ay CR? Ewan ko lang.
"Tapos na ang practice? Nasaan yung mga kaklase natin?" Tanong ko ulit
"Nako, Hell. 2:30 am na, tulog na sila noh. Nagugutom ka ba? Hindi ka nakapaghapunan eh."
Hala? Madaling araw na? Tagal ko rin palang nakatulog.
Umiling naman ako dahil totoong hindi ako nagugutom.
May isa pa kong gustong itanong sa kanya kaya lang ay nag-aalangan ako.
"Ah si Mr. President pala? Hindi ba siya napaano?" Naalala ko.
"Nako, Hell!!!! Ikaw na! Ikaw na talaga!"
"Eh?"
"Alam mo bang hindi dapat babagsak ang kabilang bahagi ng pyramid kung hindi umalis si Luke sa pwesto niya?"
"EH?! Siya tong sabi ng sabi ng stupid tapos siya itong stupid! Bakit siya umalis? Edi maraming nasugatan? Tsk! Ang selfish talaga non, panigurado ay ayaw niyang mabagsakan kaya umalis siya agad. Tsk!" Naiinis na sabi ko
Grabe naman!
Alam ko namang cold type siya eh at likas ang kasungitan sa kanya. Pero aksidente yon, tapos ganun siya ka-selfish! Akala ko pa naman--- hays ewan.
"Grabe ka naman sa kaibigan ko." Nakangusong sabi ni Jem
"Bakit? Totoo naman eh. Oo, di niya ka-close ang mga kaklase natin. Pero hindi tamang umalis siya sa pwesto niya. Yan tuloy. Kaya pala narinig kong nagsigawan kanina at hindi siya pinapaalis, sinunod pa rin niya anv gusto niya. Akal-----" naputol ang sinasabi ko at napatulala nang marinig ko ang sinabi ni Jem
BINABASA MO ANG
My Troublemaker Girl
أدب المراهقين"Just remember that sometimes, the way you think about a person isn't the way they actually are" -Hell "She's mine. My troublemaker girl" -Heaven