Six: Roommates

338 15 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:
Yo! Long time no update. Pasensya na po ito lang nakayanan ko pre-occupied po kasi ang utak ko ngayon and super BH ako -,- Gusto kong pumunta sa concert ng EXO, di ko na nga napuntahan yung Infinite di ko pa mapupuntahan yung MGA first love ko. Anyways, enjoy reading po!

HELL'S P.O.V

"Whether you like it or not, you have no choice but to live there...with me"

"Whether you like it or not, you have no choice but to live there...with me"

"Whether you like it or not, you have no choice but to live there...with me"

Paulit-ulit yun sa utak ko

Ano raw sabi?!

"Whether you like it or not, you have no choice but to live there...with me"

Aiisssshh umulit nga -,- pero ano raw? Anong pinagsasasabi nun ni Mr. President?

Di ko siya maintindihan bukod sa english yon, di ko rin magets

Sa ayaw at sa gusto mo, wala kang pagpipilian kundi ang tumira don kasama ako

Yun ba ang translation nun? Waaaah ToT kasi naman ehhhh ToT bakit ba kasi hindi ako nag-aral ng vocabulary, limitado lang tuloy alam ko T___T Inaaral ba yung vocabulary? Ano nga ba yun?

Ang tagal kong nakatayo sa labas ng gate nila. Feeling ko nabato ako dahil nabalik lang ako sa ulirat nung umambon na naman. Wala akong choice kundi pumasok uli sa bahay nila Mr. President. Waaaah nakakahiyaaaaa ToT

"Hell anak, buti nagbalik ka. Umuulan pa naman na. Lalagnatin ka na naman" salubong ni Manang sa akin

"Oo nga po eh pero papatilain ko lang po yan, aalis rin po ako. Ahmmm nasan po ba si Mr. President? May lilinawin po kasi ako" tanong ko

"Ay nasa kwarto niya. Pumanhik agad, di pa nga kumakain yun eh"

"Ah pwede ko po ba siyang puntahan?"

"Ay nako Hell, pag pumasok na si Sir Luke sa kwarto niya ayaw nang magpaistorbo nun, nagagalit ang batang iyon"

"Ganun po ba? May kailangan po kasi talaga akong itanong eh. Baka po mamatay ako kakaisip buong gabi dun sa sinabi niya"

"Ano ba iyon anak?"

"Ahm basta po, mahalagang importante" sagot ko

"Haaay ikaw ang bahala. Umakyat ka doon sa second floor tas lumiko ka sa kaliwa. Diretsuhin mo yun hanggang pinakadulo tas umakyat ka dun sa tatlong baitang na hagdan tapos ay kumanan ka, yun ang kwarto ni Luke"

"Manang parang ang layo at ang tago naman po ng kwarto ni Mr. President"

"Pinalipat niya ang kwarto niya dun eh matapos ang pangyayaring noon at ayaw niyang may ibang taong makakapasok sa kwarto niya"

"Po? Ano pong nangyari?"

"Mahabang kwento. Nga pala, bakit hindi LUKE ang tawag mo sa kanya?"

"Ah eh... kasi po di naman kami close kaya Mr. President na lang hehe. Sige po, panhik na po ako para makaalis na rin pagtila ng ulan" tumango lang si Manang

My Troublemaker GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon