Twenty-Four: Heaven's Angel

64 4 7
                                    

Author's Note

Hello! Can I say it's been a while? HAHAHAHA Long time no update.

This chapter has been in my draft for 2 years now. We've waited long enough for the next happenings for these characters, so here it is.

I know that you have forgotten about this story already so maybe before reading this chapter, you could re-read the previous ones.

Sobrang sorry po HEHEHEHE 🥰

Stay safe and healthy everyone!

---------------------------------------------------------

**HELL

Hindi ko alam kung dapat ba akong masanay na o ewan.

Sa totoo lang, isang malaking panandang pananong sa akin ang paghihintay sakin ni Mr. President sa labas ng dorm tuwing umaga.

Oo, tama kayo. Siguro magda-dalawang linggo na mula nung inaantay niya ko sa labas ng pinto at sabay kaming papasok. Maski nga ata yung mga tao sa paligid namin ay nangangati na ang mga dilang magsabi ng mapapait na salita para sa akin. Aba, kung sila nagtataka, ako pa kaya?

Ngayon ay nakatingin ako sa doorknob ng dorm namin. Haaay. Ano na namang ibubungad ko sa kanya? Good morning? Hello? Uy? Waaaah! Ewan! Ang hirap naman kasing kasabay din nun e, hindi man lang nagsasalita. Or di kaya, minsan nagsasalita siya pero di ko maintindihan pinagsasasabi niya gaya na lang ng linyahan niyang,

"Just tie your hair, para walang ibang titingin sayo."

Minsan naman, bigla siyang titigil at titignan ako ng matagal saka sasabihing,

"Tss. Why am I seeing things differently everyday?"

Tapos lalakad ng mabilis pero babagal din kasi aantayin niya ako.

May topak ba yon? Bahala na nga!

Binuksan ko yung pinto at nagulat ako dahil....

Walang Mr. President na naghihintay sakin sa labas.

Oh? Bakit parang nag-iba pakiramdam ko? Nilinga-linga ko ang ulo ko para hanapin siya pero nakumpirma kong wala nga talaga siya don.

Nagkibit-balikat na lamang ako at pumasok na ng room. Pero nagtataka ako dahil maski gamit ni Mr. President ay wala sa upuan nito, maski siya ay wala.

Absent ba yun?
Eh wala rin siya sa dorm ah?

Teka, eh bakit ko ba pinoproblema? Naku, Hell! Dami mong dapat isipin, pati ba naman yan pinagtutuunan mo ng pansin?

"Hell? Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Bakit di ka pa naupo?"

Parang nun lang ako nabalik sa ulirat.

"Ah... oo nga hehe." Sagot ko na lang kay Jem

"May problema ba? May hinahanap ka ba?" Tanong niya

Ngumiti ako at bahagyang iniling ang ulo ko bago maupo.

Dahil maaga pa ay nakapag-kwentuhan pa kami ni Jem sa kung ano-anong bagay. Ewan ko ba, kahit lagi kaming magka-usap ay di kami nauubusan ng pagk-kwentuhan.

Limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Muli akong napalingon sa silyang katabi ko.

Wala pa siya.


My Troublemaker GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon