**HELL
"Ms. Ayala, are you with us?"
Eh?
Eh?
EHHHHHHHH???
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.
"Yes po, opo! Opo?" Wala sa sarili kong sagot
"Ms. Ayala, it seems like you are at it again. I thought you've changed for the better."
"Sorry po, Ma'am. Sorry po talaga."
Bwisit!!! Kaya pala nasa sementeryo pa rin ako, nananaginip na pala ako.
Hell naman! Nakatulog ka na naman sa klase. Kung kelan di ka na masyadong napagsasabihan ng mga teachers mo eh.
"Tss. Oh."
Napatingin ako ng masama kay Mr. President pero nawala rin yon ng bigyan niya ko ng menthol candy...
Sinubukan kong kainin yon ng di gumagawa ng sobrang ingay dahil baka mapagalitan na naman ako.
Matapos ang klase ay dali-daling lumingon sakin si Jem.
"Hell, ayos ka lang?" Tanong niya
"Oo naman, ayos lang ako."
"Bakit parang wala ka sa sarili mo? May nangyari ba?" Alalang tanong niya
"Hindi, wala Jem. Ayos lang talaga ako. Inaantok lang siguro."
"Speaking of which, hoy Luke!" Sabay yugyog ni Jem kay Mr. President na ngayon ay nakaub-ob sa mesa niya.
"What do you want?" Tamad nitong tugon
"Mind explaining to us kung saan ka nagpunta kahapon? Dude, everyone's looking for you."
Saglit na napatingin sakin si Mr. President pero imbes na sagutin si Jem ay yumuko na ulit ito sa lamesa niya.
"Kita mo to. Puyat ka rin? Luke, come on. We're friends you know." Inis na sabi ni Jem.
Hindi siguro magandang kulitin pa ni Jem tong isa. Kaya naman...
"Jem pwede mo ba kong samahan sa CR?" aya ko sa kanya
"Okiedokie."
Mabilis ko namang nayaya palabas si Jem at mailayo kay Mr. President. Pero, hindi natigil sa pagsasalita tong isa.
"You know what, Hell. Itong si Luke masa-sample-an ko na eh. Di naman pinaglihi sa kasungitan yang kababata kong yan. Pero habang tumatagal, lumalala ang pagiging masungit niya." Asik nito
"Hmmm. Baka may pinagdadaanan lang?"
"Okay, noted. Pero lahat naman ng tao may pinagdadaanan. We can't be stuck in that moment forever, we have to learn how to move on."
Bumuntong hininga ako. Tama nga naman si Jem pero iba kasi yung kaso nitong si Mr. President.
"May point ka Jem. Kaso minsan, kung ano pa yung madaling sabihin eh yun pa yung mahirap gawin."
Natahimik si Jem kaya nilingon ko siya...
"Hell, I'm just worried about Luke. You see, this is already the 2nd year na hindi namin alam kung saan siya nagpupunta sa birthday niya. And the next day, ganyan siya. Parang walang buhay... Hindi namin alam ni Kale kung may kinalaman ba to sa kanya."
BINABASA MO ANG
My Troublemaker Girl
Teen Fiction"Just remember that sometimes, the way you think about a person isn't the way they actually are" -Hell "She's mine. My troublemaker girl" -Heaven