Twenty-One: Lost with Him

324 16 8
                                    

AUTHOR'S NOTE

So, hi! Long time no update kaya medyo hinabaan ko ito. Medyo lang naman hehe. Enjoy reading and feel free to vote and comment.

#kokobop /dab/

*************

**HELL

"35. Last number!"

Nandito na kaming lahat sa tapat ng bus na sasakyan namin.

"Again, yung mga reminders na binilin namin okay? Behave lang kayo, children." Biro nung adviser namin sa amin

"Mr. Lazabel, please take charge of your classmates, okay?"

Hindi ko alam kung tumango ba si Mr. President o kung sumagot ba siya dahil di ko na siya tinignan.

Para nga ata akong nababaliw na ewan. Di ko kasi siya pinapansin sa dorm mula kahapon.

Di ko alam.

Ah basta.

"Hell! Tabi tayo sa bus okay?" Sabay kapit ni Jem sa kamay ko

"Syempre naman!!!" Sagot ko

"Sige, ganyan eh noh. Paano ako?" Naglolokong sabi ni Kit

"Ayan oh, Luke! Tabi kayo ni Kale ah?" Di ko namalayan na nasa gilid ko pala si Mr. President kaya di ko maiwasang hindi mapalingon sa pwesto niya

"Tss." Sagot nito.

Nagsalubong kami ng tingin pero agad ko ring binawi ang tingin ko sa kanya.

Hindi kasi ako komportable.

Sabi sa inyo, para akong ewan eh. Ano bang nangyayari sakin? Ang sensitive ko naman ata haays.

"You can now ride the bus." Anunsyo nung driver kaya naman kanya-kanya ng pasok yung mga kaklase ko

"WAAAAAH!!!" sa sobrang excited nila ay nagkatulakan sa may pintuan ng bus

Pero kahit siksikan ay nagawa ni Jem na makasingit

"A-aray ko naman." May nakaapak kasi sa paa ko at nasagi pa ang bag ko kaya tumumba pa

Kukunin ko na sana ang bag ko ng may nagbitbit na nito

"Salamat. Akin na, ako na magdadala niyan, Ace." Sabi ko

"3 days lang tayo sa Tagaytay, ang dami mo naman atang damit? Medyo mabigat to ah." Sabi niya ng nakangiti sa akin

"Ah. Mas mabuti ng sobra kesa kulang. Akin na, ako na magdadala. Mabigat yan eh." Sabay kuha ko ng bag ko pero di niya binigay

"Ako na, Heather Llynne."

"Excuse me. Kung maglalandian kayo, wag dyan sa daanan. You're blocking the way. Tss."

Napatabi kami parehas ni Ace ng biglang magsalita si Mr. President sa likod namin at nauna itong pumasok ng bus.

Akala ko ay nakaakyat na siya ng bus pero pagkamaya-maya ay bumaba ulit ito at hinarap si Ace

"If you want to carry her things then bring it inside. You---" nagulat ako ng ibaling niya ang tingin niya sa akin

"Let's go. Baka maiwan ka na naman." Sabay haltak niya sa kamay ko.

Eh? Baka maiwan na naman ako?

Ito naman ang unang beses na sumama ako sa retreat ah? Naiwan na ba ako? Parang di pa naman.

My Troublemaker GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon