"Anong gusto mo sa babae?" tanong ko sa taong kaharap ko ngayon
"Gusto ko sa babae....hmm.." sagot niya saka nag-isip.
"Gusto ko sa babaeng marunong magluto" sagot niya sa akin.
"Ano pa?" tanong ko agad
"Gusto ko din ng hindi masyadong maingay." sagot niya uli
"Ano-ano pa?" tanong ko ulit sa kanya.
"Hmmm... Gusto ko din ng matalino, mahilig sa sports, at magaling sumayaw. Bakit mo natanong?" sabi niya
"Wala lang." sagot ko
"Oh sige alis na pala ako may practice pa kami." sabi niya at umalis na para tumungo sa practice niya.
-----
Tandang tanda ko pa ang araw na iyon 4th year High School kami noon parehas, pero simula nung naging College na kami naging malayo na siya sa akin.
Si Andrade ang lalaking unang crush ko at naging unang mahal ko at gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako hindi lang bilang isang kaibigan. Yung hihigit pa doon, at gagawin ko ang lahat.
May mga panahon na darating sa buhay natin na nagiging desperado tayo. Pero ako? Hindi ko alam, bakit ako buong buhay desperado ako.
Desperado sa pagmamahal ng isang Ama...
Desperado sa pagmamahal ng kaisa isang lalaking minahal ko...
Kakabit na yata ng pangalan ko ang salitang Desperado.
I'm Ingrid Cavendish and my other name is Desperate.
--------
-BulatengWorm48
BINABASA MO ANG
My Other Name Is Desperate
RomanceDon't let desperate situations makes you desperate things. But my other name is Desperate...