Mayroon pala talagang magulang na kayang matiis ang anak nila. Hindi ko talaga alam kung anong naging kasalanan ko kay Daddy at ang laki ng galit niya sa akin.
"I will be busy preparing for the upcoming debut of Kyla, I can't handle it anymore." Sabi ni Daddy at muling kinausap si Kyla para sa mga plano niya sa birthday niya.
Ako naman dito, pakiramdam ko nabingi ako sa narinig ko. Iba kasi talaga yung impact kapag kay Daddy nanggaling kaysa sa ini-expect mo lang, kahit na inaasahan ko naang ganong klaseng tugon ang sakit pa rin. Ang sakit talaga. Naramdaman ko nalang na hinihimas ni Grandma yung likod ko.
Tipid ko na lang na nginitian si Grandma at nagpaalam na aakyat na sa kwarto ko para makapag-palit na ng damit pambahay. Pero ang totoo gusto ko lang umakyat, magkulong sa loob ng kwarto ko at umiyak doon.
-----
Third Person's POV
"What did you just do Jed!?" Galit na sigaw ni Felicia sa anak niya na si Jed na nagdulot upang matigil muli ang pagpaplano nila sa darating na debut ni Kyla.
"Wala akong ginawa, Mom." Bagot na sagot ni Jed sa nanay.
"Walang ginawa? Ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina. Wala ka ba talagang pakielam sa anak mo?" Nanggagalaiting sumbat muli sa kanya ng kanyang ina.
"Hindi ko naman kailangang problemahin ang birthday niya. Andiyan naman ang nanay niya para mag-asikaso. Ano pang silbi nang nanay niya kung ako lahat mag-aasikaso, dito na nga siya nakatira tapos ako mag-aasikaso nun." Wala lang na sagot ni Jed sa ina.
Hindi na napigilan ni Felicia at umalis nalang sa Living Room kahit na madami pa siyang gustong isumbat sa anak niya. Alam naman niyang wala siyang makukuhang matinong sagot mula sa anak. Hindi niya lang talaga mapigilang masaktan para sa apo niya. Alam niyang nasaktan ito dahil kahit sino namang anak masasaktan kapag narinig mo iyon mula sa sarili mong magulang lalo na't uhaw ka sa pagmamahal mula dito.
--------
Ingrid's POV
Nagising akong masakit ang ulo at mahapdi ang mata, mula sa magdamagang pag-iyak dahil sa nangyari kagabi. Sa totoo lang wala namang bagong nangyari kagabi, sa tuwing kaarawan ko wala naman talagang pakielam si Daddy.
Siguro sobra lang akong nag-expect kagabi na maaaring nag-iba na yung magiging reaksyon niya dahil 18 years old na ako sa mga susunod na araw.
Pero mukhang tulad ng dati wala si Daddy sa kaarawan ko. Walang amang babati sa akin sa araw ng kapanganakan ko, walang tatay na natutuwang buhay ako sa mundo.
Bumangon nalang ako at ginawa ang morning routine ko para makapasok na sa eskwelahan. Bumaba na ako sa kusina at naabutan doon si Grandma na naghahanda ng agahan.
"Good morning apo kong maganda." Sabi ni Grandma at sinalubong ako ng yakap at tinugunan ko din naman ito ng mahigpit na yakap.
"Maupo ka na apo at ginawan kita ng paborito mong macaroni salad. Kain ka na." Sabi ni Grandma at pinaupo na ako habang naghahanda siya ng mga plato at nilagyan ako sa plato ng pagkain.
"Kain ka lang apo ah?" Sabi ni Grandma at tinabihan ako. Ngumiti nalang ako kay Grandma at sinimulan ng kainin yung hinanda niyang agahan para sa akin.
"Salamat po Grandma." Sabi ko at tinuloy na ang pagkain ng agahan.
Nang saktong patapos na ako ay dumating na si Kyla at halos magkasunod lang sila ni Daddy at Tita Jesy. Kaya noong paupo na sila sa Dining Table ay tumayo na ako at lumapit kay Daddy para magpaalam. Ngunit tulad ng dati, wala siyang pakielam. At hindi ko alam kung kailan siya magkakaroon ng pakielam.
Naramdaman ko nanaman ang luha kong nagbabadyang lumabas pero naitago ko ito at lumabas na, nakapagpaalam naman na ako kay Grandma.
Tuloy tuloy na akong lumabas at lumapit kay Kuya Ark para sana umalis na kami at ihatid niya na ako.
"Naku pasensya na Ma'am Ingrid hindi ba nasabi ng Daddy mo sa iyo?" Biglang sabi ni Kuya Ark sa akin. Ano namang hindi sinabi sa akin ni Daddy? At sigurado naman na hindi niya sasabihin sa akin yun dahil ayaw niya nga akong kausapin.
"Hindi na po kita ihahatid kasi po simula ngayon si Ma'am Kyla na daw po ang ihahatid ko." Sabi sa akin ni Kuya Ark na nagpagulat sa akin. "Hatid lang po? Kayo pa rin po ba ang susundo sa akin?" Tanong ko naman kay Kuya Ark.
"Hindi na." Sagot naman ng tao sa likuran, at sigurado akong si Daddy iyon.
"Dahil simula mamaya doon ka na sa bahay ng nanay mo titira." Wala lang na sabi ni Daddy. Kung sabihin niya iyon ay parang wala lang. Na parang ang pinapaalis niya ay kasama niya lang sa bahay at hindi niya kaano-ano, na hindi niya anak.
"Ano nanamang pinagsasabi mo diyan Jed?" Bigla namang dumating si Grandma at galit na tinanong si Daddy. "Ginagawa ko lang ang dapat matagal ko ng ginawa Ma." Sabi ni Daddy at tumuloy na sasakyan niya pero bago pa siya makapasok ng tuluyan sa sasakyan niya ay nagsalita si Mama.
"Ang paalisin ang ANAK MO!? Yun ba ang DAPAT mong gawin ha Jed? Mas karapat dapat naman na paalisin dito si Jesy at Kyla." Galit na turan ni Grandma kay Daddy kaya dali dali ko siyang nilapitan at pinakalma at baka atakihin siya.
Agad naman lumingon si Daddy at sinagot si Grandma. "Bakit ko paalisin ang pamilya ko Ma?" Sabi ni Daddy na dumurog ng paulit ulit sa puso ko. So, ako hindi niya pamilya?
"Walang aalis dito. Kung may kailangang umalis dito si Jesy iyon at Kyla, at hindi ang apo ko." Sabi ni Grandma at tumalikod na. Agad kong sinundan si Grandma upang kausapin. Hindi bale ng hindi muna ako makapasok basta maayos ko muna ito.
"Grandma, huminahon po kayo." Sabi ko at hinimas ang likod niya. "Ayos lang naman po sa akin na umalis. Baka po mas makakabuti po iyon, kasi po kung dito ako patuloy ko lang po matitikman yung mapait na pakikitungo sa akin ni Daddy. Kahit po mahirap na iwan kayo gagawin ko, masakit na po kasi Grandma ea " sabi ko kay Grandma at tuluyan ng naluha sa harapan niya.
Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap kay Grandma. "Kung aalis ka dito apo, wala na din akong rason para manatili pa dito." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko sa mukha.
Umiling lang ako kay Grandma. "Nandito po si Daddy." Sabi ko kay Grandma. "Hindi apo, nagtitiis lang akong tumira dito dahil sayo. Kayang kaya naman na ng ama mo ang sarili niya, sayo ako nag-aalala apo. Pero dahil aalis ka na mas mabuti sigurong umalis na rin ako." Sabi ni Grandma. Hindi na ako tumutol kasi desisyon naman iyon ni Grandma at nirerespeto ko kung ano mang desisyon ang mapagpasyahan niya.
"Pero saan mo kayo titira?" Sabi ko kay Grandma pero tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
-------
Buong araw na iyo ay inabala ko ang sarili ko sa pagliligpit ng mga gamit na kailangan ko. Hindi na ako nakapasok sa school pero ipinagpaalam naman na ako ni Grandma na nagkaroon ng emergency. Tumawag na din si Mommy sa akin at sinabi ko sa kanya na ako titira pero bukas na daw niya ako susunduin. Sobrang saya ni Mommy pero ako? Malungkot dahil lilisan sa bahay na ito na hindi man kami naging maayos ni Daddy.
Ewan ko na pakiramdam ko ito na ang huli sandali na makakapunta ako sa bahay na ito. Masyado lang siguro akong negatibo ngayong araw na ito kaya kung ano ano ang naiisip ko. Pero masaya din naman ako dahil makakaramdam naman ako ng pagmamahal, na mayroong maghahanda ng agahan ko na magulang ko.
Ano pa kayang kamalasan ang mararanasan ko sa susunod na mga araw?
---------------------------
-BulatengWorm48
BINABASA MO ANG
My Other Name Is Desperate
RomanceDon't let desperate situations makes you desperate things. But my other name is Desperate...