Tulala akong nakatitig sa ceiling ng kwarto ko dito sa bahay habang iniisip ang taong laging laman ng isip ko, simula yata nang malaman ko ang mga salitang may kaugnayan sa pag-ibig natutunan ko na din mahalin ang kaisa isang taong laging nagpapatibok ng puso ko na kahit kailan hindi ko naranasan sa ibang lalaking nakasalamuha ko.
Ang nag-iisang taong mahal na mahal ko, pero hindi ako mahal.
Si Andrade...
...Andrade Abelson ang lalaking hinding hindi ko pagsasawaang mahalin.
Sa patuloy na paglalakbay ng isip ko tungkol sa kanya ay hindi ko napanasin na nakatulog na ako.
--------------
"Oh! Hija hindi ka na ba mag-aalmusal? Dapat laging mayroong laman ang tiyan mo't nag-aaral ka pa naman. Mamaya niyan magutom ka sa eskwelagan" Tanong sa akin ni Manang Ising na may halong pag-aalala, hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil sa binibigay na atensyon sa akin ni Manang Isinh bagay na hindi ko matatanggap sa magulang ko. "Hindi na po, kailangan ko na din po kasing pumasok baka mahuli pa ako sa klase ko" sabi ko sabay tingin sa orasan ko sa bisig at ibinaba na ang basong pinag-inuman ko ng tubig."Una na po ako Manang. Baka sa school na po ako mag-agahan pagkatapos ng unang klase ko." sabi ko habang kumakaway at dali daling tumakbo patungo kay Kuya Ark "oh sya, mag-iingat ka siguraduhin mong kakain ka sa school." sabi sa akin ni Manang mula sa bukana ng bahay namin dahil sinundan niya pa ako hanggang sa makasakay ako ng sasakyan.
"Tara na kuya Ark baka mahuli pa ako sa klase ko" sabi ko kay Kuya Ark at dali dali naman niyang inumpisahan ang sasakyan at nagsimula na yung byahe namin papunta sa Emerald University.
"Maaga pa naman Ma'am bakit kayo nagmamadali?" Tanong sa akin ni Kuya Ark. "Mas maaga kasi yung time sa akin ni Drade at mas maaga din siyang uuwi at isa pa tuloy tuloy ang klase ko, wala akong time makipag-usap sa kanya mamaya kaya hanggat maaga pa kakausapin ko na siya" sabi ko kay Kuya Ark.
"Talagang pursigido kayong maging close uli kay Sir Andrade Ma'am?" Tanong sa akin ni Kuya Ark. "Aba'y syempre naman po," sabi ko.
"Ano po bang dahilan kung bakit hindi na kayo masyadong close ni Sir Andrade?" Tanong sa akin ni Kuya Ark. Ano nga bang dahilan? Hanggang ngayon yan din ang tanong ko na hinahanapan ko pa rin ng kasagutan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Andrade, kung bakit hindi na kami kasing close tulad nang dati. "Hindi ko din alam Kuya Ark." Pagkasagot ko kay Kuya Ark ay dumating na kami sa Emerald University. "Ingat kayo Ma'am. Tawagan niyo nalang po ako kung magpapasundo na kayo." sabi ni Kuya Ark at nag drive na paalis.
Agad ako pumunta sa tambayan nila Andrade sa may Blue Building, weird man pangalan ng mga Buildings pero hindi ang school. "Hi Andrade!" Sabi ko sa kanya at kumaway. Tumingin naman siya sa akin pero saglit lang at binalik na niya ang tuon sa cellphone niya at ipinagpatuloy ang pagkalikot doon. "Hi Ingrid!" Bati naman sa akin ni Sam, "Hello!, Kayo lang dalawa asan si Zeus?" Tanong ko kay Sam at ipinatong sa desk doon ang bag ko. "Yeah, di daw siya papasok may emergency daw sa kanila." Sagot niya sa akin. Inilabas ko sa bag ang mga cookies na binake ko kagabi "Sam oh! para sayo, tyaka ko na lang ibibigay yung kay Zeus kapag nandito na siya" sabi ko at lumapit na kay Andrade dala ang cookies na nilagay ko sa heart na box at may ribbon na red.
"Andrade oh, para sayo" sabi ko sabay abot ng box sa kanya habang nakangiti. "Wow ang effort naman ni Ingrid, sana lang di masayang. Baka mamaya niyan mabaliwala lang yan." Sabi ni Sam at lumabas na. Kinuha naman ni Andrade ang box at akmang aalis na siya nang pigilan ko siya sa paghawak ko sa braso niya "Kainin mo yan ha? Sana huwag mo ipamigay sa iba." sabi ko sa kanya at binitawan ko na yung braso niya.
Tinignan niya lang ako at tinuloy niya na ang balak niyang pag-alis. Naiwan naman ako sa tambayan nilang tatlo magkakaibigan, mga ilang minuto lang ay nagpasya na din ako na umalis sa lugar na iyon. Ano naman ang gagawin ko doon?, Iniwan naman ako ng taong sinadya ko doon.
Papasok na lang ako sa klase ko, baka doon may magawa pa ako. Mag-iisip pa ako ng paraan para makausap ko si Andrade.
---------------
"Sige pala Kuya Ark hintayin na lang kita sa Parking Lot, ihatid mo muna si Kyla" sagot ko kay Kuya Ark na kasalukuyan ko ngayong kausap sa phone.
"Pupunta na po talaga ako diyan Ma'am pagkatapos kong ihatid si Ma'am Kyla" sagot sa akin ni Kuya Ark. "Sige Kuya Ark ibababa ko na tong tawag, hintayin ko na lang po kayo sa Parking Lot" pagkasabi ko noon ay pinatay ko na ang tawag. Naglakad na ako papunta sa Parking Lot nitong mall.
Pagkatapos kasi ng klase ko ay naisipan kong magpunta sa Mall para bilihan ang mga kakailanganin kong gamit sa paggawa ng Cake, para sana kay Sam dahil birthday na niya sa makalawa.
Akala ko makakauwi na ako sa bahay agad pero hindi pala, dahil umeksena nanaman si Kyla. Nakakapagtaka lang at hindi siya hinatid ni Daddy kung saan man siya pupunta, hatid sundo kasi siya ni Daddy kahit na sobrang busy siya. Gusto niyang ligtas lagi ang NAG-IISA niyang Prinsesa.
Kahit na anak niya din naman ako, well hindi naman niya pinaramdam na kabilang ako sa pamilya niya. Sa tuwing may party tanging si Kyla at si Tita Jesy lang naman ang pinapakilala niya sa mga business partners niya at close niya na mga kaibigan. Ako? Andon sa tabi. Sabit. Saling pusa.
Tinext ko si Kuya Ark nang nakarating ako sa may Parking Lot. May naaninag ako na bulto ng dalawang tao sa peripheral vision, nacurious ako kaya nilingon ko ito pagtapos ko isend kay Kuya Ark ang message ko.
Nakita ko si Andrade kasama si Karen isa sa mga block mate ko......
-----------------
-BulatengWorm48
![](https://img.wattpad.com/cover/52553915-288-k57466.jpg)
BINABASA MO ANG
My Other Name Is Desperate
RomanceDon't let desperate situations makes you desperate things. But my other name is Desperate...