"Dad?"
Pagdating ko sa bahay ay si Daddy agad ang hinanap ko. Nagbabasakali na makikita ko siya ngayon dahil hindi ko siya nakita kaninang umaga simula pag-gising ko.
Tumungo ako sa kusina upang tanungin ang mga kasambahay na naroroon, dahil wala akong nakitang kasambahay sa may sala upang tanungin ko kung nasaan si Daddy.
"Manang Erma nasaan po si Daddy? Simula po kasi kaninang umaga hindi ko na po siya nakita." Tanong ko kay Manang Erma dahil madalas na dito magsabi si Daddy ng mga pupuntahan niya.
"Naku Ingrid hindi ba nagsabi sayo ang iyong Daddy? Umalis sila ngayon papunta sa Japan kasama ng kapatid at Tita Jesy mo." Sagot ni Manang Erma sa akin na halatang nagulat dsa itinanong ko sa kanya.
Japan? Pangarap ko ding puntahan iyon,lalo na sa birthday ko pero bakit hindi ako isinama ni Daddy? Alam kong sinabi ko sa kanya iyon eksaktong dalawang linggo bago ngayong araw. Ngayong araw ng kaarawan ko.
---------
Kasalukuyan akong gumagawa ng mga assignment ko ng marinig ko ang tunog ng sasakyan at ang masayang boses ni Kyla. 'Nakauwi na ba sila?'
Dali-dali kong binitawan ang hawak kong ballpen at bumaba sa may sala. Doon ko nakita ang masayang mukha ni Tita Jesy, Kyla at ni Daddy. Mukha na kahit kailan hindi ko nakikita sa kanya sa tuwing ako ang kaharap niya.
"Daddy!" Sabi ko at mabilis na tumakbo palapit sa kanya para salubungin siya ng mahigpit na yakap kahit na nabura na ang ngiti sa mukha niya ng makita ako. Nung niyakap ko siya ay naramdaman kong tinatanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Other Name Is Desperate
RomanceDon't let desperate situations makes you desperate things. But my other name is Desperate...