Chapter 2

8 2 0
                                    

Kanina pa ako nakatulala sa loob ng sasakyan, pauwi na ako ngayon. Hindi ko alam bigla nalang akong tinamlay at nawalan ng gana pag naaalala ko yung pagkakita ko kay Andrade at Karen. Sila ba?. Anong meron sa kanilang dalawa? Bakit madalas ko silang makitang magkasama dalawa?

Oo hindi iyon ang unang beses na nakita ko silang dalawa na magkasama, at sa tuwing makikita ko silang dalawa pagkatapos nun ay iisa lang ang ginagawa ko. Nag-iisip, nagcoconclude ng kung ano-ano. Nagseselos ako, malamang mahal ko si Andrade eh pero alam ko sa sarili ko na hanggang akin na lang ang pagseselos na iyon. Dahil wala akong karapatan sa kanya, hindi naman kami.

"Kuya sa bahay tayo ni Mama, doon muna tayo bago tayo umuwi kay Daddy" sabi ko kay Kuya Ark. Agad naman minaniobra ni Kuya Ark ang sasakyan patungo sa bahay ni Mama.

Kay Mama ako pumupunta kapag may problema ako, si Mama lang naman ang nakakaintindi sa akin at siya lang ang kaya kong mapagsabihan ng mga problema ko bukod sa bestfriend ko. Si Daddy naman ay wala namang ibang bukambibig iyon kundi ang paborito niyang anak na si Kyla.

Maya maya lang ng kunti ay nakarating na kami sa bahay ni Mama. Bumaba si Kuya Ark at nakipag-usap sa naka duty na guard sa gate ni Mama. Maya maya lang ay bumukas na ang gate at bumalik na si Kuya Ark para paandarin ang sasakyan papasok sa bakuran ni Mama.

Bumaba na ako at kinausap si Kuya Ark, "Kuya Ark sandali lang naman ako kakamustahin ko lang si Mama, tapos aalis na tayo." sabi ko kay Kuya Ark at nagtungo na sa loob ng Mansyon.

"Mama!" Tawag ko kay Mama pagkakita ko sa kanya sa loob ng Sala ng Mansyon niya. "Anak napabisita ka?" Sabi sa akin ni Mama at sinalubong na ako ng yakap.

"Na miss kita. Tyaka wala akong mapagsabihan ng problema ko, out of the country si Phoeyona" sabi ko kay Mama. Si Phoeyona ang nag-iisang bestfriend ko, na kasalukuyan ngayong nasa UK.

"Namiss din kita. Dito ka ba matutulog ngayon?" Tanong sa akin ni Mama. "Hindi po Ma, magpapalipas lang po ako ng oras. Pero sa Friday dito ako uuwi at dito din ako matutulog hanggang Sunday." Sabi ko kay Mama.

"Dapat kasi dito ka na lang sa akin tumira." Sabi ni Mommy.  Gustuhin ko man na dito kay Mama tumira ay hindi ko din naman kakayanin na iwan si Grandma sa puder ni Daddy.

ILANG oras pa ako na nag-istay sa bahay ni Mama, gusto ko man tagalan ay hindi na din naman kinakaya ng mata ko. Gusto ko ng matulog.

Nagpaalam na ako kay Mama at sumakay na sa sasakyan at umalis na sa bahay ni Mama. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Mansyon ni Daddy. Magkalapit lang naman ang subdivision ni Mama at ni Daddy, liliko lang ng kaunti. Nang malaman pa nga ito ni Tita Jesy na mama ni Kyla ay gusto niya na lumipat kami ng ibang subdivision, pero hindi iyon pinayagan ni Grandma.

Pagkarating ko sa Mansyon ng Sala ay agad na bumungad sa akin ang galit na mukha ni Daddy. "Asan ang Kapatid mo?" Tanong sa akin ni Daddy. "Hindi ko alam, hindi naman ako ang kasama niya." Sabi ko kay Daddy na naka kunot noo.

"Hanggang 3:00 pm lang ang klase niya dapat ay magkasabay kayo." Sabi ni Daddy na kinainis ko. "Dad, 5:00 pm pa ang tapos ng klase ko. At hindi 3:00. At tyaka sinundo siya ni Kuya Ark bago pa ako sunduin." Sabi ko kay Dad.

"Matutulog na po ako." Sinabi ko at agad na nagpunta sa may kwarto ko at pasalampak na humiga sa kama ko. Nakakainis. Nakuha niyang hanapin ang Kapatid ko pero ang pagtatanong kung saan ako nanggaling ay hindi niya man lang magawa. Halatang wala siya pakielam sa akin.

Ilang minuto kong pag-iisip ay ay napagdesisyunan ko ng mag take ng shower para makatulog na din ako.

Paglabas ko ng banyo ay binuksan ko ang blower at sinimulan ko ng iblower ang buhok ko para makatulog na ako.

Mga Ilang minuto akong nagboblower ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Ibinaba ko ang blower at pinagbuksan ang kumakatok. "Grandma, bakit po?" Tanong ko kay Grandma na nasa harap ng kwarto ko ngayon. Pinapasok ko siya at nakita ko na may bitbit siyang isang baso ng gatas, "Dinalan ko ng gatas ang pinaka maganda kong Apo, mukhang malungkot nanaman kasi siya." Sabi ni Grandma at binigay sa akin ang gatas.

"Salamat Grandma, talagang hindi ka pumalya sa pagbibigay sa akin ng Gatas gabi-gabi." Sabi ko kay Grandma at hinalikan siya sa pisngi. Lagi kasi akong dinadalhan ng gatas ni Grandma kahit na hindi naman ako malungkot.

"Syempre naman, kailangan kong malaman ang lagay ng puso ng paborito kong apo. Kamusta ang panliligaw mo kay Andrade?" Tanong sa akin ni Grandma na may kasamang nang-iinis na ngiti na agad naman ng pag-init ng pisngi ko.

"Grandma naman! Hindi ko siya nililigawan. Nakikipag close lang uli ako." Sabi ko kay Grandma na may kasamang  pagmamaktol at patulis ng nguso. Tumawa si Grandma ng malumanay at sumagot na may kasamang ngiti "Naku apo, alam natin pareho na hindi lang pagiging close ang gusto mo. Maglolokohan pa ba tayo dito Ingrid?" Sabi ni Grandma.

Tama naman si Grandma pero, ayaw ko munang isipin yun.

I need a break... Papahingahin ko muna ang puso at utak ko ngayong gabi at bahala na bukas. Bahala na kung ano pang susunod na mangyari.

--------------------

-BulatengWorm48

My Other Name Is DesperateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon