Chapter 4

4 1 0
                                    

"Napatawag ka bes?" Tanong ko sa bestfriend ko matapos ko sagutin yung tawag niya. (Namiss ko lang ang bestfriend ko na busy magpapansin sa Forever niya) asar naman sa akin ng bestfriend ko mula sa kabilang linya.

"Tumawag ka lang ba para asarin ako?" Tanong ko sa kanya. (Nope, tumawag ako para yayain kang maggala tayo mamaya. Alam mo na bonding naman tayo.) Sabi niya sa akin. "Susubukan ko, hindi ako sigurado madami kasi akong dapat gawin, tulad ng pagrereview para sa paparating na finals. Maiba tayo, nakauwi ka na pala galing sa UK?" Sagot ko naman at nagsimula na akong umalis sa kusina at magtungo sa kwarto ko para kuhanin ang mga gamit ko sa school.

(Yup, kahapon pa. Di na kita nainform dahil nakatulog agad ako pagkauwi sa bahay. Ano maman ang kailangan mong gawin? Pero, fine basta next time na mag-aya ako wala ng pag-aalinlangan ha?) Sabi niya sa akin. "Okay, salamat talaga sa pag-intindi sa akin ha?". (Syempre, ikaw pa ba? Malakas ka sa akin ea. Oh sige na bes. Ingat ka lagi ha?) Paalam sa akin ni bes. " Salamat, ikaw din." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

------------------

Agad akong nakarating sa school pagkatapos ko kainin ang agahan na inihanda para sa akin ni Grandma. Kahit nawalan ako ng gana dahil sa sagutan namin dalawa ni Kyla ay hindi ko matatanggihan ang luto ng Grandma ko. Mamaya niyan siya pa ang magtampo, iilan na nga lang ang mga taong mahal ako babawasan ko pa ba sila?

"Kuya tawagan na lang kita mamaya ha, pag pauwi na ako. Hindi po kasi ako sigurado kung anong oras ako uuwi ea." Sabi ko sa family driver namin. "Sige po ma'am." Sabi ni kuya at nagsimula nang magdrive palayo.

"Maaga ka yata ngayon para sa First subject mo?" Agad akong napalingon sa taong biglang nagsalita mula sa likod ko. "Sam ikaw pala? Paano mo naman nalaman sched ko?" Tanong ko sa kanya, at sinabayan niya na ako sa paglakad.

"Secret di mo na kailangan pang malaman." Sabi niya at may nakakalokong ngiti. "Ikaw ah? Stalker kita noh?" Sabi ko sa kanya na may tonong nang-aasar. "Stalker? No. Admirer ako. Hindi bagay ang salitang stalker sa akin." Diretsahan niyang sabi sa akin, habang may tonong nagbibiro.

"Parang biglang humangin yata? Una na pala ako Sam mahangin na dito." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at dali dali ng umalis mula roon. Sa tuwing kasi magsasabi siya ng ganyan agad akong umiiwas. Kahit naman may halong biro yung sinasabi niya pakiramdam ko kasi may iba siyang gustong ipahiwatig doon.

Pero ayaw ko mag-conclude, pero ayaw ko talaga siyang paasahin. Mas gugustuhin ko na makahanap siya ng babaeng mamahalin siya higit pa sa pagmamahal na kayang tapatan yung pag-ibig niya. At ako isa lang akong malaking sagabal para sa paghahanap niya ng taong nararapat sa kanya, at sa pagmamahal niya.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway nang building namin ng makita ko si Andrade na galing sa isang Room, obviously hindi dito ang building niya pero ang girlfriend niya dito. Of course bilang sweet at maalagang boyfriend ihahatid niya iyon sa Room, baka kasi madapa. Mukha pa naman mulala. 'okay here we go again Ingrid, you're being bitter again.'

Hindi ako bitter sadyang... Fine bitter talaga ako. Masisi niyo ba ako, ang panlalait na lang sa taong mahal niya ang tanging nakakapag palubag loob sa akin dahil alam ko kung siya ang tatanungin sa kahit anong aspeto wala akong panama sa girlfriend niya.

Una sa lahat gusto niya yung marunong magluto, hindi naman ako marunong magluto ng kahit ano kahit itlog di ko kayang iluto.

Pangalawa madaldal akong tao di ko yata kayang hindi mandaldal sa isang araw.

Pangatlo hindi ako matalino, average lang.

Pang-apat hindi ako pwede sa mga Sports...

Panglima hindi ako magaling sumayaw kapag tinuruan akong sumayaw hindi ko agad makukuha o kung mas malala hindi ko makukuha parehong kaliwa ang paa ko..

Pero walang di kakayanin basta si Andrade ay maging akin.

I am Desperate to be notice
I am Desperate to feel his love for me

I am Desperately inlove with him, but he is inlove with her.

Mas malas na yata ako sa mga lalaki, sarili kong tatay hindi ako makuhang mahalin, ang lalaking mahal ko hindi ako makuhang mapansin.

Hindi ko gustong baguhin ang sarili ko para mahalin niya ako, mas masarap sa pakiramdam na mahalin ka ng taong mahal mo pabalik ng dahil nakita niya yung mga bagay na nakakapagpa iba sa'yo sa karamihan.

-----

-BulatengWorm48

My Other Name Is DesperateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon