Natapos na ang mga klase ko ngayong araw at sobra akong naistress, dahil sobrang dami ko nanamang kailangan isiksik sa utak ko para sa darating na finals. Ang hirap talaga kapag hindi ka masyadong nabiyayaan ng talino, matalino naman ang nanay ko at ang tatay ko pero ewan ko ba kung kanino ako nagmana. Yun na nga lang ipinagkait pa sa akin.
Lagi nalang ganito ang set-up ko tuwing hell week, mag-aaral at mag-aaral at mag-aaral ulit. Wala eh, hindi naman ako gaya ng iba na kahit hindi na magreview ay mayroong stock knowledge habang ako stock lang walang knowledge. Kaya din siguro kaunti lang yung nagmamahal sa akin ea. Hindi kasi ako kasing galing ng mga taong pinapahalagahan at minamahal nila.
'Ito nanaman ba tayo Ingrid? Idadown mo nanaman yung sarili mo? Maging proud ka naman minsan sa kung anong meron ka.' Pagkausap ko sa sa sarili ko.
Well wala na akong magagawa, ito ako. Alam ko darating din naman ang araw na magiging proud din ako sa sarili ko pati ang mga magulang ko. Sana nga lang malapit na yun, dahil nakakapagod ng maghintay.
'Mali ka yata ng hiling Ingrid? Diba dapat ang hiling mo. Sana mangyari yun?' Sagot naman ng kabilang parte ng isip ko. Kita mo na, ultimo sarili ko inaaway ko na. Dadaan nalang muna ako sa cafeteria, gusto ko kumain ng chocolate cake. Mag-stress eating nalang ako.
"Ate isa nga nito." Sabi ko sa nagbebenta habang tinuro ko nalang sa kanya yung bibilihin ko. Maya maya lang ng kaunti ay iniabot na sa akin ni Ate yung inorder ko at binayaran ko na din ito at umalis na doon. Nakatanggap naman na din ako ng text ng Driver namin na susundo sa akin na nandito na daw siya.
Dali-dali ko namang niligpit ang mga gamit ko sa lamesa ng library para tumungo na ako sa parking lot dahil naghihintay na ang susundo sa akin. Palabas na sana ako ng library ng biglang may nagbukas ng pintuan. Mabuti nalang sa labas ang punta ng pinto nun kung hindi baka tinamaan ako sa mukha.
At mula sa pintong yun ay lumitaw si Karen ang girlfriend ni Andrade. Nakatingin ako sa kanya ng bigla siyang napatingin sa akin at lumayo sa lalaking katawanan at kasama niya. Well, hindi si Andrade yung kasama niya.
Nilagpasan ko na lang sila at tuluyan ng lumabas ng library. Sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi si Andrade ang kasama ni Karen o malulungkot dahil may posibilidad na nagtataksil sa kanya si Karen. Sa itsura pa naman ng dalawa kanina, mapagkakamalan mo talaga silang magkarelasyon kung hindi ko lang siguro kilala si Karen.
'Hay naku! Bakit ko ba pinapakielaman yun?' Minsan nakaka-inis yung pagiginh pakielamera at curious ko sa mga bagay bagay.
"Ma'am?" Napabalik ako mula sa malalim kong pag-iisip ng may narinig akong nagsalita sa tabi ko. "Kuya Ark?! Pasensya na po di ko kayo napansin ang dami ko po kasing iniisip ea." Sabi ko ata sumakay na sa sasakyan dahil binuksan niya na ito para sa akin.
"Ayos lang po, Ma'am" sabi niya at pumunta na sa Driver's seat na nagsimula ng paandarin ang sasakyan pauwi.
-------
"Anything you want Kyla don't worry." Pagkapasok ko sa bahay ay iyan agad ang narinig kong usapan. Nakita ko si Daddy at Tita Jesy kasama si Kyla sa may Living Room.
"Talaga daddy?" Natutuwang tanong ni Kyla kay Daddy. "Apo ko! Mabuti at dumating ka na. Malapit na ang birthday niyo ni Kyla, halika at pagplanuhan natin iyon." Tawag sa akin ni Grandma. Tanging si Grandma lang ang tumingin sa akin si Daddy ay walang pakielam at ini-entertain ang paborito niyang anak.
Totoo yun malapit na ang birthday ko muuna lang ako ng isang araw kay Kyla. "Daddy since I'm turning 18 na for my upcoming birthday it will be a lot bigger than my usual birthday party." Maarteng sabi ni Kyla kay Daddy. Agad naman akong lumapit kay Grandma at nagmano bago naupo ng tuluyan sa tabi niya.
"Of course, ano bang theme ang gusto mo?" Sagot naman sa kanya ni Tita Jesy. "Well gusto ko nung favorite color then ..." Tuloy tuloy na sabi ni Kyla.
"Ikaw apo, magbibirthday ka na. Jed, mag-18 na din ang dalaga mo. Anong plano mo?" Pagsingit naman ni Grandma sa mahabang litanya ni Kyla. Natahimik naman si Kyla sa pagsasabi niya sa mga gusto niyang mangyari sa birthday niya.
Ako naman, naghihintay kung anong sasabihin ni Daddy para sa birthday ko. Pero yung sumunod niyang sinabi ang sumira sa mga pangarap kong mangyari sa debut ko.
---------
-BulatengWorm48
BINABASA MO ANG
My Other Name Is Desperate
RomanceDon't let desperate situations makes you desperate things. But my other name is Desperate...