Chapter 3

5 1 0
                                    

Nagising ako kinaumagahan sa alarm clock ko sa bedside table. Nakatulog ako kaagad kagabi dahil na rin sa pagod kaya mabilis din akong nakabangon.

"Mukhang masaya ang apo ko ngayon ah?" Nagulat ako na si Grandma ang inabutan ko sa kusina. "Good morning Grandma, anong ginagawa mo po dito at napaaga ka po yata?" Sabi ko kay Grandma at hinalikan na siya sa pisngi.

"Kanina kasing umaga parang gusto ko paglutuan ang pinaka maganda kong apo kaya ito handa na ang almusal ng pinakamaganda kong apo." Sabi ni Grandma at sinimulan na niyang ihanda ang mga niluto niya.

"Puro naman 'ganda' ang naririnig ko sayo Grandma, aba baka lumaki po ang ulo ko niyan?" Pabiro kong sabi kay Grandma. "Pero Grandma ang lakas mo pa rin noh? Sana kapag umabot ako sa edad na katulad nang sayo ganyan din ako kalakas." Sabi ko kay Grandma habang kumukuha na ng pagkain na inihain niya para sa akin dahil ako ang pinakamaganda niyang Apo.

"Huwag mo na munang isipin ang pagtanda mo Apo, madami ka pang pagdadaanan bago ka makarating sa kinalalagyan ko ngayon." Sabi ni Grandma habang nasa likod ko at hinihimas himas ang buhok ko.

"Grandma naman ang hirap naman yatang pumunta sa likod ko." Biro ko kay Grandma, at sabay kami nagtawanan. Naputol lamang ito ng may tumawag sa cellphone ni Grandma. Babalik na sana ako sa pagkain ko ng agahan ng makita ko na pumasok sa loob ng Dining Room si Kyla.

"Saan ka nanggaling kagabi at hinahanap ka ni Daddy?" Sabi ko sa kanya, napansin ko naman ang pag-ikot ng mata niya saka niya ko sinagot ng walang gana. "Kailangan ko bang sabihin sayo kung saan ako nagpunta?" Tanong niya sa akin at agad naupo sa tapat ko.

"Hindi naman pero baka kasi hindi mo pa nasasabi kay Daddy, at saka para pag nagtanong siya may maisasagot ako." sagot ko na lang sa tanong niya. "Well, you don't have to do that. We both know na mas prefer ni Daddy na ako ang kausapin kaysa ikaw, so why bother asking for it?" Tanong niya sa akin habang halatang nang-iinis ang tingin niya sa akin.

"Don't try me Kyla, dahil pagbali-baliktarin man natin ang mundo ako pa rin ang totoong anak ni Daddy at ikaw mananatili ka paring SAMPID." Sabi ko sa kanya at talagang pinagdiinan ko ang salitang Sampid. Hindi ako pinaghirapang alagaan ni Mommy sa loob ng tiyan niya ng siyam na buwan para lamang ilabas ako sa mundo na ito na inaapi. Alam ko kung ano ang akin, at ang akin ay akin lang. Kailan pa naging AKIN ang KANYA?.

"Kaya hindi ka makuhang mahalin ng taong nasa paligid mo dahil sa kagaspangan ng ugali mo. Nakakahiya ka. Masyado kang desperado sa pagmamahal. Makaalis na nga dito nawalan ako ng gana, nakakita kasi ako ng basura." Sabi niya at agad na nilisan ang Dining Room.

Sa sinabi niya doon ko lang naalala , meron ngang mga bagay na Akin pero yung mga bagay na tinuturing kong Akin ay hindi ako tinuturing na Kanila. Si Daddy, tatay ko siya pero ang atensyon at pagmamahal niya hindi akin. Si Andrade mahal ko siya pero ang pagmamahal niya ay para sa iba.

Pero minsan hindi mo kailangan tumingin lang sa madilim na parte, kailangan mong humanap ng maliwanag na parte para hindi ka malugmok sa parteng madilim. Nandiyan naman si Mommy na handa akong mahalin sa kabila ng pagiging bunga ng pagkakamali niya.

'Kasi nga wala na siyang ibang pamilya kaya wala siyang pagpipilian'

'Hindi edi sana naghanap na siya ng ibang lalaki at bumuo ng ibang pamilya kung talagang napipilitan lang siya' kumbinsi ko sa sarili ko.

'Eh kasi nga mahal niya ang tatay mo'

Si Grandma na kahit pagkakamali ako ng lalaking anak niya mahal na mahal ako.

Naputol na ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko naman ang Caller's ID at nakita kong ang bestfriend ko ang tumatawag.

-----------------------

-BulatengWorm48

My Other Name Is DesperateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon