"Bakit ka naman ganyang makatitig?" tanong ko."Umm... Kasi ang ganda mo eh"
"Hindi ako naniniwala, ano nga?"
"Kasi--"
_______________"Kasi, ano?"
"I-i like you" nabulunan ako sa sinabi nya kahit wala namang laman ang bibig ko.
"A-ano?" Nagkunwari akong hindi ko narinig. He took a deep breath and repeated the words that came out of his mouth.
"I like you Jam, even before. Hanggang ngayon" WATDAPAK! Well I like him back, wala akong ibang na-gustuhan kundi sya, sya lang.
Wala akong nagawa kundi mag-blush, mag-blush at mag-BLUSH! Muka na nga akong naglagay ng napaka-kapal na blush-on sa buong mukha ko. At si Ryo naman nakangiti at hindi tumitigil sa pagtitig sa akin. Natataranta ako kung anong gagawin ko. Pumunta nalang ako sa playground kung saan walang bata. Mga gantong oras hindi lumalabas ang mga naglalaro dito, baka tulog. Nag-swing nalang ako at hindi ko namalayan na sya ang tumutulak sa swing ko. Napalingon ako at nginitian nalang sya.
___________________
"A-anong ginagawa mo?" Napahinto sya sa pagtulak sa akin at may kinuha sa bulsa."Umm... Wala, may kinukuha lang"
"Well, anong kinukuha mo?" At... Nakita ko, isang kahon. Ano naman 'to? Hindi nya ako pinansin at tumingin lang sya sa akin.
Si-sing-sing??
Kinusot ko yung mga mata ko at hindi ako makapaniwala kung ano ang mga susunod nyang gagawin.
"Jam..."
"Jamaica Mae F. Perez""Yes?" Unti-unti syang lumuhod sa harapan ko.
"Will you be my girlfriend?"
______________________"Jam?"
"OMG! Anong nangyayari kay Jam?"
"Dalhin nyo na sya sa clinic! Dali!"
"Jam! Wake up!"
"Jam, for fucking pete's sake, anong nangyayari sa'yo?"
"Hey? Jam!"
•
•
•
•
•
Unti unti na akong dumilat. Nasaan ako? Hindi naman ganito ang kisame sa bahay kahit sa kwarto ko."Jam, gising ka na pala" familiar na boses ang narinig ko. Sinubukan kong bumangon kaso, biglang sumakit ang ulo ko. "Jam, wag ka munang bumangon. Magpahinga ka daw muna sabi nung nurse" sabi naman nung isa. Mga lalake e, familiar din yung boses.
"Kuya? Ryo? Nasaan tayo?" Tanong ko habang nakahawak sa parte ng ulo ko kung saan masakit.
"Nasa clinic" tipid na sagot ni Kuya
"Nahimatay ka kanina nung niyakap mo yang si Kuya, bigla ka nalang nag-collapse. Ano ba nangyari sa'yo?" Halatang nag-aalala si Ryo.
Teka lang. Ibig sabihin yung mga nangyari sa park, hindi totoo?
Ano ba namang buhay 'to. Panaginip lang pala yun? Akala ko naman totoo na. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Over my Teenage Body
Teen FictionTeenage years, ang the most stressful at tough year ng isang tao. Depression, anxiety, at mood swings. Yan ang isa sa mga problems na kadalasang nangyayari sa isang teenager. Maraming tao ang naniniwala na kahit ano man ang problema mo, nandyan ang...