Chapter 3

39 2 0
                                    

Ryo's P.O.V.
~~FLASHBACK~~
12 years before:

"Psst! B! Bahay-bahayan tayo!" Sabi ni Jam.

"Sige ba! Dalhin mo yung tent mo dito sa labas!" Aya ko naman.

"Wag yung tent! Gawa tayo ng sarili natin!"

"Ok, sige"

Kinuha namin yung kumot at mga unan, pinagpatong patong namin at Whoosh!! may bahay na. Naglaro kami ng konte at nag-kulitan, sobrang saya namin wala kaming pake sa mundo.

Kinabukasan sa school nalaman ko nalang na tinutukso sya ng mga kaklase namin na crush daw nya ako. Syempre kinilig ako ng konti pero niligtas ko parin sya, binugaw ko yung mga nang-away sa kanya parang lamok (kasi sabi ko isusumbong ko sila kay ma'm ehh hehehe).

"B, ok ka lang? Sinaktan ka ba nila?" Tanong ko

"Hindi, salamat ha" sagot naman nya

"Wag kang mag-alala nandito lang ako" sabi ko sa kanya. Para alam nya na I care for her.

2 Years After:

Naglalakad kami ni Jam sa beach at for the first time hinawakan ko ang kamay nya. Napatingin sya sa akin at hinigpitan nya ang paghahawak ng kamay. Biglang tumulo ang luha nya.

"Ryo, wag mo akong kakalimutan ha" sabi nya habang umiiyak.

"Bakit naman? Hindi ka naman aalis diba?" Tanong ko, sa ko ay na-iyak nalang sya.

"Sorry B sa ibang bansa na ako pag-aaralin ni Daddy, basta wag mong kakalimutan ang promise natin ha." Nung sinabi nya yun sa akin, bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Oo B, mag-iingat ka" sabi ko nalang.

Niyakap nya ako at nag-paalam. Hinding hindi ko makakalimutan ang promise namin at sana tupadin rin nya. Masaya na kami sana hanggang sa pagtanda kaso kailangan daw nya talaga mag-aral sa States. Sana maging tama ang desisyon nya at sana bumalik sya dito. Sa pagpapaalam nya ay hinding hindi ko makakalimutan yung yakap na binigay nya sa akin, at habang buhay ko papahalagahan yun.

~~END OF FLASHBACK~~

"Ryo, are you sure that everything important ay naka-impake na?" Tanong ni Kuya.

"Yes kuya, ako pa eh excited na ako makita ang Philippines again at mag-study dun sa sikat na Academy dun." Excited kong sagot.

"Sana makita ko uli sya, at sana hindi nya ako nakalimutan." Wish ko at si Kuya naman ay tinawanan ako.

"Taas ng pangarap mo brad ha! Ex ko nga nakalimutan ko after ng pagpunta natin dito sa England eh, sya pa kaya?" Sigaw nya.

"Oo na kuya pero libre naman mangarap eh. Kaya, susulitin ko na!" Biro ko.

Nag-impake uli kami. By Saturday kasi dapat nasa Pilipinas na kami, kasi yun yung schedule ng flight namin ehh.

"Ryo, gabi na! Bukas nalang tayo mag-impake uli" bilin ni Kuya at pumunta na sa kwarto nya. Pumayag naman ako at natulog.

•Kinabukasan•

Nag-bihis ako ng pants at white na polo.

"Ryo! Punta tayo sa mall dali!" Sigaw ni kuya habang nasa 2nd floor ako.

"Eto na Kuya! Pababa na!" Sigaw ko. Bumaba ako ng hagdan at sumakay na kami sa sports car.

>>Habang nasa sasakyan<<
"Ano ba ang tumama sa utak mo?" Tanong ko.

"Bakit?"

"Eh kasi naman kuya ngayon ka lang nag-aya sa mall eh"

"May kailangan kasi tayong bilin, tsaka baka may kailangan ka na rin." Explain nya.

Nakarating na kami sa mall at namili. Kung ano-ano ang mga binili ko sapatos, jackets, t-shirts, at mga snacks para sa flight (I don't like airplane foods).

Nag-aya na si Kuya na umuwi at sumang-ayon naman ako kasi pagod na pagod na ako!!!

"Kuya anong plano mo sa pilipinas?" Tanong ko.

"Ewan, baka mag-saya lang ako. Mahanap ang THE ONE ko dba?" Biro nya.

"Kuya ang galing mo talaga mag-patawa!" Biro ko naman.

Nilagay ko na yung mga pinamili ko sa tamang lagayan at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto. Naglaro ng games at nagswimming nang konte.

Habang nasa pool ako at lumalangoy, sinabayan ako ni Kuya.

"O? Bakit nag-iisa ka dyan?" Tanong nya.

"Wala lang, ikaw gusto mo ba sumabay?" Aya ko.

Nagswimming sya kasabay ko at nagisip isip. Pagkatapos ko umahon ay syempre nagbanlaw tapos nag-bihis. Pumunta na ako sa kama.

Nakatingala ako sa kisame at nag-isip. "Paano kaya kung nakita ko sya?" "Paano kung nakita nya ako?" "Paano kung hindi nya ako nakilala?" "At paano kung wala na sya sa Maynila? Saan ko sya hahanapin?" Ang dami kong tanong na ako lang ang makakasagot.

Masama ba na kahit ang bata ko noon nararamdaman ko na yun? Sa ibang tao ang sagot ay Oo at sa iba naman ay naiintindihan nila.

Sa totoo lang eh, hindi ako makapaniwala kasi makakauwi uli ako sa Pilipinas! Si Kuya kasi nag-aya lang at ako naman ay todo payag kasi miss na miss ko na ang bansa. Kahit 10 years kami hindi nagkita, hinding hindi ko parin makakalimutan lahat.

A/N: Yan po muna sa Chapter 3! Sorry kung maikli! Short update lang muna ngayon... Sorry again!

I still hope that you like👍🏻 it!

Don't forget to vomment! <3

Over my Teenage BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon