I finished the project. After that I texted Ali to let her know about sa event.
To: Ali
Hey girl! Just to let you know na pinili kong cake ay Chocolate, but if you don't want it I will just buy 2 cakes.
Message sent.
Naghintay ako ng 5 minutes habang tinititigan ko yung phone ko. Wala paring reply. Binuksan ko nalang yung laptop ko at tinignan yung page na sikat na sikat sa school, S.A.E.'s News Flash, yan ang pinaka-active na nagbabalita sa mga online student sa University.
S.A.E.'s Top 3 Latest Hot Topic
1st: BLACK FAME will be back from suspension?!
2nd: The upcoming HighSchool Dance (NOT PROM)
3rd: Hot, Handsome, Smart transferee Guy?!
O__O
Na-shock ako sa mga balita sa S.A.E. Grabe! First of all, babalik na ang BLACK FAME. Akala ko ba 6 months suspended yung mga yun? Siguro kinausap si tita ng mga magulang nila. Ayaw kasi ng mga magulang ng black fame na mapawala lang ang business nila, lalung-lalo na yung kumpanya. Pangalawa, nakalimutan ko na may Highschool dance nga pala. Sino kaya yung magiging date ko? Yung highschool dance parang prom din kaso ginaganap 'to tuwing November. Ang prom kasi namin ginaganap tuwing January kaya may difference.
At finally yung pangatlo. yung transferee. Sa pagkakaalam ko, si Ryo lang naman ang transferee kaya siguro sya yung pinaguusapan. Agree naman ako sa sinasabi sa kanya, kasi ang laki talaga ng pagpapago nung lalaking yun ngayon. Kung may before at after pic lang ako, siguro matatawa ako sa pic nya noon at mamamangha naman ako sa itsura nya ngayon. Dati kasi may salamin sya, parang ako, matching glasses nga kami ehh. Pero ngayon, sigurado nag-contact lens yun parang ako. Kasi ang labo talaga ng mata ko. Pero tuwing nasa bahay naman ako, ginagamit ko yung glasses ko.*kringgg**kringgg*
May tumatawag, sino kaya yun?
Incoming call from: Ali
Agad kong sinagot yung tawag at kinausap ko sya.
"Gurl! Sorry ha hindi ako nakapagtext agad kasi nasa business meeting kasi ako ng Dad ko."
"Hey it's okay, alam ko naman kung hindi ka agad sumagot. Kilalang kilala kita, gurl!"
Ali chuckled. "By the way, I just wanted to say na okay na ako sa Chocolate Cake. Wag ka nang bumili ng iba. Besides, gusto ko rin naman e"
"Okay, um.. I was wondering, paano nalaman ni Ryo yung number ko?"
"Ahh... About that, hiningi nya sa akin. Pumayag naman ako kasi ang POGI nya, gurl! Nakakaloka!"
"Ahh... Ok. So see you tomorrow! I'm going to hang up na"
"Ya.. Ok bye!"
Binaba ko na yung phone ko. Sya pala ang nagsabi kay Ryo. Kinuha ko uli yung phone ko, at bago ko makalimutan sinave ko na yung number nya sa akin.
_______________________From: B
"Hi Miss B-eautiful. Hindi ka nag-text back so I decided to try again."Nagtext nanaman 'tong lalaking 'to. Well hindi ko matanggi na kinikilig ako, pero I slap myself para malaman na hindi 'to panaginip. Nasaktan naman ako kaya totoong buhay nga 'to.
To: B
"Ryo, alam kong ikaw yan at alam ko na binigay ni Ali 'tong number ko. Tsaka obvious na obvious ka na"Nireplyan ko naman. Nakaka-awa e.
BINABASA MO ANG
Over my Teenage Body
Teen FictionTeenage years, ang the most stressful at tough year ng isang tao. Depression, anxiety, at mood swings. Yan ang isa sa mga problems na kadalasang nangyayari sa isang teenager. Maraming tao ang naniniwala na kahit ano man ang problema mo, nandyan ang...