Chapter 8

33 1 0
                                    

Chapter 8

Enrique's POV

Today's the day. Magpapakilala na ako bilang manliligaw kay Kathryn. Hindi ko alam pero ganito ba talaga kapag naiinlove? Nagiging sweet and corny ka na. Gumagawa ka na ng mga bagay na di mo akalain na magagawa mo. Nandito ako ngayon sa Jurassic Park, deeee joke lang! Alam mo na corny. Bwehehehe nasa park ako ngayon malapit lang sa school. Tinext ko na kanina si Kathryn na imemeet nya ako dito. Tama ba yung pagkakatext ko? Arghhh! Bahala na. Di naman sya nagreply pero maghihintay parin ako sa kanya.

Di ako pumasok para paghandaan ang venue ng pag memeet namin. Nagpatulong pa ako kay Julian at Daniel para ma set-up na ang venue. Gusto ko maging special ang lahat. Sana naman Lord, magustuhan niya to.

"Bro, okay na ang lahat dito. Bibili na din si Hulyan (Julian) ng flowers. Lintik bro, loverboy ka na ngayon. Hahahahhaha" kami lang ni Daniel ang nandito kasi nga tinutulungan niya ako.

"Thanks bro! Sana naman magustuhan niya to." may nilagay kaming table malapit sa malaking puno. Wala naman masyadong nagpupunta na mga tao dito banda kaya okay2 na to. Maganda na naman talaga ang lugar kaya konting decorations lang okay na. Di ko alam na may pagka bakla pala ang mga kaibigan ko. Hahahahaha

Naglagay din kami ng scented candles nakapalibot sa table. May mga series lights din sa taas ng puno. Tutugtog din ng mellow music mamaya si Daniel. Marunong din pala tumugtog ng gitara at maganda ang boses ni Daniel kaya sobrang romantic ng place.

Ang kulang nalang ay si Kathryn....

--------

Kathryn's POV

Malapit na ang 6pm. Kinukulit pa din ako ng mga kaibigan ko na pumunta para naman mawala na ang curiousity ko. Sasamahan naman nila ako pero di sila magpapakita.

Pupunta ako o hindi? Hay bahala na si Batman! Oo nga naman. Para di na ako macurious. Wala namang mawawala eh. Nasa park lang naman. Makakasigaw naman ako kung pagtangkaan ako ng di maganda ng mysterious texter na yun.

Nagtext sya ulit sa'kin kanina. Sana daw pumunta ako, hihintayin nya daw ako. Oo na. Pupunta nga. Pero di pa rin ako nagreply.

Nasa loob lang kami ng gym at naghihintay na dumating yung oras para pumunta ng park. Nakita ko si Daniel na nagpapractice ng pingpong. Ang galing naman nya at gwapo! No wonder andaming nagkakagusto sa kanya. Pero di ko type yung katulad niya eh. Medyo maangas ang dating.

6pm...

"Besh, ano na? Punta na tayo?" excited na excited talaga tong si Julia.

"Di ka naman excited? Paghintayin naman nating siya ng konti." Ako

"Sus, pakipot ka naman masyado. Hahahahaha oo naman! Magkakalovelife ka na eh." Michelle.

"Haaay ewan ko sa inyo.." di ko natapos sasabihin ko kasi kinuha na nila kamay ko at naglakad palabas.

Haaaay, di ko alam anong nararamdaman ko. Bat ba kasi ganito? Hindi ba pwede magpakilala nalang sya agad. Andami pang oa eh.

Lakad lakad lakad..

Hanggang may lumapit sakin na batang babae. "Ate Kathryn?"

Hindi ko siya kilala pero bakit kilala niya ako? Nagkatinginan kami ng friends ko. Tiningnan ko ang bata at tinanong. "Ako nga, bakit mo ako kilala?"

Nagsmile ng napaka sweet ang bata. Ang cute2 niya. Mga 10 years old na siguro sya. "Halika po. Alam ko po kung saan ka pupunta."

Nagulat ako sa sinabi ng bata. Tumingin ako sa friends at sinabi nilang "Go, maghihintay kami dito. Basta ha, sumigaw ka lang kapag may masamang nangyari."

Natawa ko sa sinabi nila. Ang swerte ko talaga na may friends ako katulad nila. Hawak-hawak ng bata ang kamay ko. Napapa-smile tuloy ako.

Lakad lakad lakad

Nagsalita ulit sya. "Wait lang po, upo ka muna dito."

Nagtaka ako.

Nagsmile ulit sya at nilabas ang mataas na panyo. "Iba-blindfold po muna kita Ate Kathryn."

Umiling ako. "Nakooo, wag. Ahmm, okay lang naman na wala diba?"

Nagsmile pa din sya. "Opo pero mas maganda po na naka blindfold kayo. Don't worry. Nothing bad will happen.."

Natutuwa ako sa batang ito. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kahit bata pa, ang smart niya. "Okay, tell me first if what's your name?"

"I'm Baby Chandria." wow, same pala kami ng name. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya. "Let's go Ate Kathryn, ibaba blindfold na kita."

Blinindfold nya ako at tumayo na naman ako. Naglakad kami at maya't maya parang lumaki na yung kamay ng nakahawak sakin at tumaas. Sya na ba yung texter ko?

Pero wala akong nararamdaman eh habang hinahawakan niya kamay ko. Parang andito na kami dahil dahan-dahan niyang kinuha ang tali. Nakapikit pa rin ako at nagsalita siya.

"Open your eyes."

Dahan-dahan ko ding binuksan ang mga mata ko. At nagulat ako. Sya yunnggg...

"Ikaw?" Nagulat ako. Sya yung kasama ni Daniel na nabangga ako ah. Kaya pala wala akong maramdaman nung hinawakan nya yung kamay ko

He smiled and said, "Turn around."

I turned around and I saw him with bouquet of flowers. It's him. I can't believe it. Is this some kind of sick joke?

"Enrique....." Mahinang sabi ko.

He smiled at nagsimulang maglakad papunta sakin. Umalis na din yung lalaki. Hindi ko maintindihan yung nararamdamn ko habang papalapit sya. Parang mas lumalakas yung kabog ng dibdib ko. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko tuloy napansin na umiiba na pala yung expression ng mukha ko. Nagulat talaga ako pero bakit parang masaya ako na sya yung mysterious texter ko.

Nag fake smile sya. "Disappointed?"

Oo nga pala, bakit ba kasi kumunot yung noo ko. Hindi ako makapagsalita.

Hinawi niya yung hibla ng buhok ko na nasa mukha ko. Nagsmile sya bago nagsalita. "Kathryn Chandria Bernardo, I'm Enrique Gil. At magpapakilala ulit ako sayo hindi bilang isang mahangin na lalaki na nakaaway mo nung isang araw, pero bilang isang matinong lalaki na manliligaw sayo."

Hindi ako makapaniwala. Siya nga. Hindi ko alam anong sasabihin ko kaya napatawa nalang ako.

"Hahahahahahahahahahahahahahaha seryoso ka?" Ako.

Umiba ang expression ng mukha niya. Parang nalungkot sya. Seryoso nga ba talaga sya? Dba Mr. Playboy sya? Ano ba'to? Ako na naman ba ang paglalaruan niya? Iniisip ko palang yun, nasasaktan na ako ah.

"Kahit pagtawanan mo pa ako, okay lang." Ngayon pa lang niya binigay yung flowers sa akin.Tinanggap ko naman at tiningnan yung flowers. Ang ganda naman. First time ko nakatanggap nito ah.

"I know it's unbelievable kasi nga ako yung nakilala niyo na Mr. Playboy, walang sineseryosong babae, mahilig magpaiyak ng babae. Pero believe it or not Kath..." he paused and touched my face.. "the second time I saw you, yung moment na nakita talaga kita at di yung binibiro kita. That was very first moment I realized that I've finally found the girl na mamahalin ko."

I'm speechless. Nganga lang ang peg ko.

He started talking again. "And this is the second time na sasabihin ko to.... Kathryn Chandria Bernardo, I've finally found you."

I can feel his sincerity. I know he's telling the truth. I can see it to his eyes. My heart is beating so fast. I know right from this moment that I feel something for him. It's something that I can't explain.

I looked at him and I gave him my sweetest smile.

(A/N)

Paano na si Daniel? Bwuhuhuhuhu marami pang mangyayari kaya abangan nyo na lang ang susunod na kabanata. Bwehehehehe

Unexpected Love (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon