Chapter VII

139 19 7
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"Ano? Wag ka ngang sumigaw! Masakit sa tainga!" naasar na singhal niya sa'kin. Malalim na ang gabi pero heto kami, nagtatalo sa telepono ng magaling kong best friend na si Jarence Manio.

"I need help. Walang ink ang printer namin," pagpapawa ko sa kaniya.

"O ngayon?" sagot niya sa tonong hindi interesado sa sinasabi ko. Leche this! Maka 'o ngayon' naman 'tong lalaking ito ko parang walang pakialam sa'kin.

"Pakiprint naman iyong assignment ko," natatawang pagpapacute ko, nagawa ko pang ngumiti nang ngiting aso kahit na hindi naman niya ako nakikita. Sorry na, pakapalan ng mukha mode muna. Assignment na ang pinag- uusapan e.

"Eh? Wala ring ink iyong akin e," sagot niya.

Biglang bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata at makaramdam ng mga paru-paru sa tiyan. Ito ang epekto ng pag-ibig-- este, walang assignment.

Well, pwede ko naman utusan ang isa sa mga kasambahay namin o iyong driver ko. Pero nakakahiya! I mean, duh! Pati ba naman assignment ko ipapaasa ko sa mga katulong? Sila na nga ang nagluluto ng pagkain ko, naglalaba ng damit ko, naglilinis ng kuwarto ko, at kung ano pa, pati ba naman assignment ko ipapagawa ko sa kanila? Manipis pa naman iyong kalyo sa mukha ko, no!

"Pano 'yan? Kailangan ko iyon bukas!" sigaw ko sa phone na parang naiiyak na. Nafru-frustrate na sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga darili, nagbilang ng sampu upang kalmahin ang sarili... iyong assignment ko!

"Wag ka nga sabing sumigaw. I-email mo sa'kin," kalmadong sabi niya.

Huh? Bakit ko ii-email sa kaniya e wala nga 'di ba siyang pang-print? 'Labo talaga nito. "Akala ko ba walang ink ang printer mo?" tanong ko.

"Onga. Ipapaprint ko sa comp shop malapit dito," sagot niya.

Napangiti naman ako. "Yeee! Thanky, thanky, thanky!" Sigaw ko ulit sa phone habang nagtatalon sa tuwa bago tumakbo patungo sa kinaroroonan ng laptop ko.

"Huwag ka nga sabing sumigaw!" sigaw rin niya. Natawa nalang ako sa reaction niya. Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan ang mood swing niya. "Nasend mo na?" tanong pa niya.

"Sinisend palang po. Sandali lang 'di ba? Nagmamadali? Excited much?" pambabara ko ngunit nakangiti pa rin ako. Muntanga na kung muntanga, ang importante, mahalaga. Ha? I mean, yes! May Assignment na ako!

"Anong oras mo ba kailangan?" tanong niya nang mag-appear ang salitang seen sa ibaba ng dokumentong ipinasa ko sa kaniya..

"First hour," sagot ko at naglakad pababa sa kusina. Nagugutom na kasi ako, hindi pa ako kumakain dahil tinatapos ko pa kanina iyong assignments ko.

"E! So, papupuntahin mo ako ng school ng maaga?" biglang sigaw niya. Inilayo ko yung phone sa tenga ko. Makasigaw kasi siya wagas, e. Pupunta lang ng maaga nag-frefreak out na!

Soulmate, Dream guy, or Knight in shining armor (Tag-Lish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon