Chap6: Key

10 0 0
                                    

Ken

Nandito parin kami sa kwarto ni Joreal. Mga 3 mins. pa lang mula nung nakaalis si Joreal. Tsk. Di manlang nagsabi kung saan pupunta. Basta pagkatapos nyang magbihis umalis na sya agad.

"Hey guys, any idea kung san pupunta si Joreal?" tanong ko sa grupo.

"Wala. Nakita mo naman na pare parehas tayong kakarating lang dito. Duh" Rebecca.

"Nakng. Di ba ang tanong ko is ANY IDEA? Nagbabakasakali lang ako." kung di lang babae to dati ko pa to pinatulan eh.

"Any idea. Then I answered it already. That's my idea" wait lang ah. Dati pa ako naiirita sa isip batang to eh!

"Ikaw isip bata, gusto mo ba ng lollipop ng matahimik ka ha?!"

"What?! Isip bata?! Me?! NO WAY! Ikaw nga bakla eh!!" ano daw? Bakla ako? Hahahah. Nice joke.

"Hoy bata! Pudpod na yang palusot na yan! O baka naman gusto mong mahalikan?" at ngumiti ako dito ng nang aakit.

"Ewww! Gross! You're like an alien!"

"Alien naman ngayon? Aba't sumos----"

BLAG!

Napahinto kami sa bangayan nitong batang to ng may marinig kaming kalabog.

"Damn it guys! Will you stop for a moment?! Inaantok ako! Bwiset naman oh!" lagot si ver na yan.

Boyish yan pero pag nagalit, nakakatakot. Mas lalaki pa ata yan kay rc eh hahaha.

"Ok fine! That gay kasi eh! Hmp!"

Tinignan ko lang sya ng masama. Isip bata talaga.

"Haynako ken, tama na muna ang kakaisip kay Jo. Kaya nya sarili nya tsaka malay mo may pasok sya ngayon diba? At hindi na nya tayo nasabihan kakamadali at baka malate na sya."

"Hmm. May point ka dyan Rc. Sige. Matutulog narin ako" bat nga di ko naisip yun?

"Thank God" ver.

Haayy. Pwede ko rin pala syang itext mamaya. Sige. Matutulog muna ko.

Joreal

Oh Crap! 6:07 na! Oh well, di naman ako takot sa kanya. Pero heck! Im in a disguise mode right now! Edi kawawa nanaman ako? My goodness.

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad-takbo ko para makarating kaagad sa court. Bakit ba kasi ang layo ng basketball court sa entrance? Diba pwedeng pagka entrance eh court agad? Hehe.

Tsaka isa pa to, bago lang ako dito. Di ko pa kabisado ang blueprint ng university na to. Buti na lang may mga tao na agad dito para mapagtanungan ko.

Sa wakas! Nakarating din! Nakakapagod ah! Pero exercise narin yun.

"I told you EXACTLY 6 AM. Sa tingin mo anong oras na?"

Ok. Eto na ang moment ng bully at nangbubully.

"Ahm, 6:10?" tumingin pa ako sa casio watch ko ah. Effort yun! JK.

"At ang lakas ng loob mong sagutin pa ang tanong ko" nakakatakot yung tingin nya.

Kamukha nya si kokey -_-
Pero joke lang yun. Ang gwapong nilalang kaya ng master ko.

"Kasi tinanong mo? Wait. Kaya mo ba ako pinapapunta dito ng exactly 6 a.m. kasi wala kang orasan at sakin ka pa nagtatanong ng oras?" pero syempre alam kong hindi yun ang dahilan.

OMG. Feeling ko maaawardan ako ng Scottson's Corporation ng best actress eh.

"Seriously?" ayan na ang tingin nyang para kang lalamunin. Ayan ang hinihintay ko. Ang saya talaga mag trip ng taong parang laging badtrip HAHAHA.

UnOrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon