Chap7: Mission Possible

10 0 0
                                    

Joreal

Pagkatapos nung nangyari kanina sa may locker, di ko na ulit nakita si master gunggong. Dinamdam nya yung pagkasira ng locker nya? Tss. Di rin. Pangbatang ugali lang 'yon.

*beep beep*

Nagulat na lang ako ng biglang may nagtext sakin. Tinignan ko ang nagtext. Oh, si Ken pala.

From:G'Ken

Joreal, san ka? Anong oras ka babalik dito?

Nga pala. Nakalimutan kong magsabi sakanila kanina. Dibale, mag memeeting naman kami later.

To:G'Ken

School. Otw na ako pauwi. Ipaready mo yung van kay Ford. Pupunta tayo sa bagong basement.

Pagkatapos ko itong replyan ay itinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa may sakayan. Remember? Patay na si Mang Gaston. Mahirap na maghanap ng talagang mapagkakatiwalaan na driver sa ngayon. Kailangan kong mag commute.

Pero sabi ni dad, ipinapaayos nya na daw ang papeles ko para sa lisensya kahit sa ganitong edad pa lang. My dad can do what ever he wanted to do.

Nang makarating na ako sa bahay eh agad na nakita ko ang apat na galunggong.

"Hi Jo!" rebecca.

"So handa na ba ang van?" hindi ko na pinansin ang pagbati ni rebecca dahil kailangan na naming kumilos.

"Oo. Handa na" si ford na ang sumagot.

"Ako na ang magdadrive" presinta ni Ken.

"Nooo!! Ayaw ko! Si ford na lang! Wala akong tiwala sayong bakla ka!" ayan nanaman sila isip bata at ang bakla daw.

"Hoy isip bata! Para sa kaalaman mo, mas magaling pa akong magdrive sa lahat ng driver at magaling pa akong mag drift!"

"So?! Wal---"

"Shut the fuck up! You two! Rebecca and ken! Kailan ba kayo matatahimik ha?! Nakakarindi na!"

"Kasi sya eh :3" pagtuturo ni rebecca.

"Oh, magtuturuan pa. Damn it. Ford, ikaw na magdrive. Ver, sa likod ka, itali mo yang dalawa. Paa sa paa kamay sa kamay"

"What?!" rebecca/ken.

Tinaasan ko sila ng kilay na nagingdahilan upang manahimik sila.

Sa tabi ako ng driver seat umupo at si ver naman ay sa likod kasama ang dalawang nakatali na.

Di talaga sila makakaangal. Baka matikman nila ang kamao ni ver. Kahit boyish lang yang si ver, nagmana sakin yan ng lakas pagdating sa malakas na impact ng suntok.

Tahimik lang ang naging byahe namin. Walang nagtangkang magsalita dahil seryoso ang awra ko.

Nakarating kami sa isang village na mga 20 minuto naming biniyahe at may nakasulat na Scottson's Village sa malaking gate na aming papasukan.

Kailan pa kaya ito naitayo dito sa cavite? Ngayon ko lang nalaman na may village palang pinalalakad ang kumpanya ni dad. Kaya pala mabilis na nagkaron kami ng bagong basement dito sa cavite.

"Good Evening ma'am/sir" bati nung guard.

Tinignan lang namin ito at agad na kami pinapasok sa village. Kilala siguro ako ng guard na yon bilang anak ng may ari ng village na to.

Dapat lang no.

"Woah" agad na bulalas ni rebecca ng makapasok kami sa mismong basement na ibinigay samin ni dad.

UnOrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon