Chap8: WTF!

10 0 0
                                    

Kenj

"Bro! Ano ka ba? Nakakahilo ka na ah. Pwede bang umupo ka muna?" hindi ko pinansin tong kumag na jacob na to. Ang ingay nya peste. Tignan mong may iniisip ang tao eh.

"Kenj? Ano bang iniisip mo? Ha? Kanina ka pa paikot ikot dyan ah" isa pa tong drake na to.

"Oh baka naman SINO ang iniisip nya" crane.

"Hoy crane tumigil ka ah. Minsan ka na nga lang magsalita tumatama pa"

Ang totoo kasi nyan, kanina ko pa iniisip yung P.A. ko. Hoy inuunahan ko na kayo. Walang malisya yun. Kaya ko lang naman sya iniisip eh dahil naweweirduhan ako sa kanya. Ako nga lang ba talaga ang naweweirduhan?

"Ay pre nagsalita nga sya! Hahahah!" minsan talaga boploks tong Van na to. Ang late reciever eh. O baka late reaction lang. Ah basta parehas late yun na yon!

"Magsitigil na nga kayo dyan! Ang iingay nyo! Tss. Naweweirduhan lang talaga ako sa P.A. ko"

"Huh? Bakit? Anong meron sya kaya ka naweweirduhan?" rod.

"Oo nga?" drake.

"Pag ibig na kaya?" crane.

"Crane isa pa. Susuntukin na kita" parang tanga lang eh. Yung tunog nung kampana sa simbahan? Tangalang tangalang. Ay ang corny peste!

"Eh kasi suriin nyo ah.Una, tinangka nya akong sagutin sa maraming tao, buti na lang nagising ata sa katauhan at nagmukha na syang tupa sa bait"

"Eh diba pre unang pasok nya ata yun kasi transferee sya? Eh malamang hindi yun matatakot sayo kasi di nya alam na isa tayong grupo ng gang at ikaw ang leader" sabagay. Teka..

"Hoy Van! Sino bang leader mo dito ha?! Yung P.A. ko ba ha?! Kung makapagtanggol ka ah. Syempre kahit na di nya alam na isa tayong di normal na gang eh dapat natakot sya sa awra ko nun. Eh hindi eh. Tsk!"

"Easy bro. Easy" Rod.

"Pangalawa, yung pagsira nya sa locker ko. Di yun magagawa ng isang nasa katinuang babae no! Tapos parang nangaasar pa sya pero mayamaya, ayun nanaman yung mukhang tupa nyang ugali!"

"Ah pre baka naman malakas lang talaga sya sumipa oh baka nagtraining sa taekwando" Jacob.
Ah baka nga. Maay point sya, pero...

"Ay gago ka pala eh! Sino din ba ang master mo dito ha?!" hayup tong mga to.

"Ay oo nga pala. IKAW nga pala hahaha--" tinignan ko sya ng masamang tingin na sapat na para matigil sya sa pagtawa nya.

"At pangatlo, bakit papatayin ang driver nya dito sa loob ng university mismo? At anong dahilan?"

"Ay ayan ang nakapagtataka" crane.

"Nice. May kakampi papala ako dito. Dibale crane, libre kita lollipop mamaya"

"No thanks" tipid talaga magsalita nito.

"Eh bakit mo ba kasi pinoproblema yan? Eh hindi naman yan ang bagong misyon na ipinapagawa sayo ni boss Geneve (father of Kenj)" drake.

"Yow drake! Andyan ka pala! Tsk. Pero may point ka" tsk. Tigilan ko na nga to. Baka tama lang sila sa mga pinagsasabi nila. Kailangan kong mag concentrate sa iisang misyon namin. Ang hanapin at alamin ang isang malaking kumpanya na gustong magpabagsak sa Scottson's Corp. at Black Syndicate Inc.

Oo, alam ko ang Scottson's Corp. dahil sila ang sinaniban ng kumpanya ni dad which is the B.S.I. para makipagtulungan na mapabagsak ang isa sa malaking kumpanya ng taga export ng mga illegal na droga sa labas ng bansa.

Ang problema lang ay may isa pang kumpanya, na hindi pa matukoy, ang humaharang sa misyon ng S.C. at B.S.I. Hindi kami makakausad sa planong iyon kung may balakid. At ang patakaran sa kumpanya bilang isa sa mga kumpanyang napapaligiran ng mga mafia's, ay kailangang patumbahin o patayin ang humahadlang dito.

UnOrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon