Someone's POV
"PHEONIX GANG VS SPENTRUM, ROUND 1... FIGHT!"
Pumunta na sa gitna ng stadium ang limang miyembro ng kanya kanyang grupo ng mga gangsters. Mukhang malalakas ang mga ito. Sabagay, ang mga sumasali sa ganitong klaseng laro ay dapat lang na may maipagmamalaking husay sa pakikipaglaban. Sinong tanga ang papasok sa larong ito kung alam mong wala kang ibabatbat?
Unang sumugod na grupo ay ang miyembro ng pheonix gang. Paano ko nalamang pheonix? Dahil ang bawat gang na sasabak sa laban ay may kanya kanyang kulay ng scarf. Ang pula ay nagsisimbolo ng pheonix gang, grey para sa spentrum, blue para sa tronix at black para sa Black syndicate.
Ang kanya kanyang miyembro ng magkabilang grupo ang naglalaban at leader sa leader naman.
Akmang susuntukin sa sikmura ng leader ng pheonix (jhon) ang leader ng spentrum (del) ng nakuha kaagad ni del ang braso ni jhon at ipinilipit ito pakaliwa dahilan upang mapaluhod ang leader ng pheonix sa sakit na natamo at hindi pa ito nakuntento. Sinikmuraan pa ni del si jhon ng pagkalakaslakas upang mapa ubo naman ng dugo si jhon.
Tinignan ko ang iba pang miyembro ng kanya kanyang grupo at mukhang dehado na ang grupo ng pheonix gang dahil sa apat na miyembro ay dalawa na lamang ang nakakalaban ng todo at ang dalawa naman ay nakahiga na sa sahig at sumusuka ng kanilang dugo ganun din ang leader ng mga ito.
Tss. Aabot pa kaya sa round 2 ang pheonix gang? Mukhang imposible na ah. Teka, mabilangan nga.
1....
...2
...3
...4
...5
...6
...7
..Ting ting!!
Ayun. Tapos na kaagad ang laban. Nagtaas na kasi ng scarf ang leader ng pheonix gang hudyat ng kanilang pagkatalo. Dahil sa oras na may kahit na sinong magtaas ng scarf sa isang grupo, ibig sabihin ay talona ang grupongito at hindi na kakayanin pang lumaban.
"For the stage 1, SPENTRUM WINS!"
Napuno naman ng hiyawan ang stadium ng ianunsyo ng speaker ang grupong nanalo. Ang weak naman pala pheonix gang. Tsk. Di manlang nakaabot sa round 2. Nakakahiya sa leader nila."For the group of spentrum, bibigyan namin kayo ng kalahating oras upang makapag pahinga at makapag ready sa susunod na stage ng laro mung saan eh makakalaban nyo naman ang grupong tronix sa tatlong round. And the 30 minutes start now"
Nakita ko naman nagsamasama na ang grupong spentrum at naglakad papunta sa pwesto nila kanina bago mag umpisa ang laro upang makapagpahinga.
30 minutes later...
"And now ladies and gentlemen, let start the stage 2 of our game. Spentrum vs Tronix. Round 1, GAME!"
Sa unang round ay maganda ang naging laban. Parehas na magaling ang bawat grupo at parehas na walang magpapatalo.
Lumipas na rin ang round 2 ng laban ngunit parehas paring nag iinit ang mga awra ng bawat miyembro at leader ng grupo ngunit may dalawang miyembro ng spentrum na ang medyo nahihirapan ng makipaglaban dahil sa mga sugat ng natamo.
Eto na ang round ng isa sa mga pinakahihintay ng mga gangsters dito sa loob ng stadium. Ang round 3 kung saan ang parehas ng grupo ay gagamit ng armas na katana at ang round na ito ay matira matibay. Kung sino ang maas madaming grupong natitirang buhay ang syang panalo. Ngunit dapat matirang buhay ang mga leader ng bawat grupo. Ang leader ang tutulong sa mga kamiyembro nito na ubusin ang miyembro ng kabilang grupo.
Umatake na ang grupong tronix sa grupo ng spentrum. Pinuntirya kaagad ng leader ng tronix ang nanghihinang miyembrp ng spentrum. Magaling. Iniisip siguro nito na mas mapapadali ang pag ubos nito sa miyembro ng spentrum kung uunahin nito ang pinakamahina.
At hindi nga nabigo ang leader ng tronix dahil kaagad naman nitong nasaksak sa dibdib ang isang miyembrong nanghihina na kaagad na namatay. Agad nyang hinanap ang isa pang muyembro ng spentrum na nanghihina nakanina ng makita nya itong nakahalumpasay na sa lupa na may tatlong saksak na natamo upang mamatay ito.
*ting! ing!*
Nagulat ako ng marinig ang tunog na iyon. Nagtaas ng scarf ang leader ng grupong spentrum. Natakot sigurong maubusan ng miyembro. Pero di dahil nagtaas sila ng scarf hudyat ng pagsuko sa laban eh ayos na. Oo di nga sila mapapatay, pero matatanggal na sila sa underground city at hindi na ulit pwedeng lumaban sa kahit anong larong katulad nito at isa pa ay dadalhin nila ang isang malaking salita "WEAK" dahil sa umurong sila sa laban.
"BOO! BOOO!" Puro ganyan ang hiyawan sa loob ng stadium sa tuwing may umaatras sa laban.
"For the stage 2, Tronix wins!"
At pagkatpos ng anunsyong iyon, ang kanikanina lang na puro "boo" ay napalitan na ng "Owyeah!" at iba pa.
"At bago pa tayo dumako sa stage 3 na alam kong inaabangan nyong lahat, para sa grupong tronix, binibigyan namin kayo ng isang oras para magpahinga para sa susunod na stage kung saan makakalaban nyo na ang isa sa pinakamalakas ng grupo ng mga gang, ang BLACK SYNDICATE!"
Nang mabanggit na ang pangalan ng grupong black syndicate ay mas lalong lumakas ang mga hiyawan ng mga tao sa loob ng stadium. Walang dudang madaming humahanga sa grupong ito. Ang pagkakaalam ko ay isang beses pa lang ito natatalo ng grupong hindi ko na alam kung nasaan na dahil bigla na lang itong nawala.
Mabilis lumipas ang isang oras at ang mga tao sa stadium ay hindi na magkaumaling sa excitement na magaganap na laban ngayong gabi. Tinignan ko ang grupo ng black syndicate. Di parin sila nagbabago. Ang aangas parin nila tignan.
Ha! Di na magtatagal ang mga angas nyong yan. Malapit na. Malapit nyo ng makilala ang tunay nyong kalaban. Kalabang hindi lang dito sa loob ng underground battle pero kalaban din sa labas. Hintayin nyo lang at mapapabagsak ko rin kayo pati ikaw.....
JOREAL.
Joreal's POV
Stage 3 na ng larong ito. Sa totoo lang, maganda ang mga naging laban. Oo ngayon lang kami nakapunta sa ganitong lugar at laro pero aware naman kami ng kagrupo ko kung anong klase ito kasi nga mga dugong gangsters/mafia din kami.
3 minutes na lang bago mag umpisa ang final stage. Tinitignan ko ang grupong B.S. at mukhang kampanteng kampante silang mananalo. Tinignan ko naman ang grupong tronix na ngayon ay mukha na silang nakapagpahinga at handa na ulit lumaban.
Inikot ko ang mata ko sa mga gangsters dito sa loob ng mga stafium. Kapwa naeexcite na sa stage na to. Ngunit may isang imahe ang pumukaw sa atensyon ko. Teka, parang si Britney yun ah? Pero imposible. Pano sya mapupunta dito eh mukhang taga bundok ang isang yun? Tss. Iniling ko na lang ang ulo ko. Imposible talaga. Naghahalucinate lang ata ako. Dibale na. Sa laro na lang ako magfofocus.
"And for the final stage, Tronix vs Black syndicate, round 1 FIGHT!"
BINABASA MO ANG
UnOrdinary
Teen FictionThey thought Joreal Scottson is just a simple girl with a simple life. But once you know all about her? YOU WILL REALIZE THAT SHE IS A KIND OF A GIRL YOU DON'T WANT TO MESS WITH.