Joreal
"End of round 1!"
Tapos na ang round 1 and yeah, wala pang nadedehadong grupo.
Tinignan ko ang grupo ng tronix sa kanilang pwesto. Seryoso silang nag uusap na malamang eh nag iisip na sila ng strategy kung pano nila matatalo ang black syndicate ng bigla kong napansin ang isang ngiting bumuo sa mukha ng leader nila. Isang ngiting may hindi magandang kahulugan. Anong binabalak nila? Ano?
Ver
"Ang lakas pala ng black syndicate to think na sila pala ang grand champion last Underground battle" sabi ko habang naghihintay ng oras para sa sunod na round.
"True. Ang hot pa nung leader nila. Pero hot din naman silang lahat, but mas hot parin yung leader hihi" rebecca.
"Wow, ang isip bata marunong na rin palang lumandi" Ken.
Oh men, mag uumpisa nanaman ba sila?
"What did you say?! Ako malandi?!"
Geez. Unti unti na nilang nakukuha ang atensyon ng ibang mga gangsters dito.
"Hey, stop it for a while guys. Ayokong mapasabak sa gulo ngayon please? Hindi tayo kasali sa laro para mapalaban. Remember? Mababangis at maaangas pa naman ang mga tao dito ngayon. Tsk."
"Im sorry ver. Sya naman kasi lagi eh. Hmp!" Inirapan naman nya agad si Ken at ito namang si Ken binelatan naman nya ito bilang ganti.
Oh shit, di ko pinangarap maging babysitter sa dalawang "baby damulag" na mga to -_-
"Round 2, fight!!"
Napunta na ulit ang atensyon ko sa gitna ng stage kung saan magaganap na ang round 2 between tronix and black syndicate.
Hmm, makakaabot pa kaya ng round 3? Well, let's see.
Kung nagtataka pala kayo kung sino ang limang kasali sa larong ito para sa grupong black syndicate dahil anim nga sila sa grupo, ito ang mga kasali,
*Kenj
*Crane
*Van
*Jacob
*Drake"May mali dito" nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Joreal.
At ano daw? May mali? Alam naming apat na kapag sa oras na may hindi magandang nararamdaman ang leader namin, meron at meron talagang hindi magandang mangyayari.
Tinignan ko si joreal na matamang nanunuod sa laban ng tronix at B.S. Hindi na ako nagtanong dito kung ano ang ibig nyang sabihin at hinintay ko na lang ang susunod nyang hakbang.
Agad kong itinuon ang atensyon ko sa dalawang grupong naglalaban at pilit na sinusuri kung anong mali ang tinutukoy ni joreal.
Joreal
Mas tinuon ko ang pannsin ko para sa grupong tronix. Malakas ang kutob ko na may binabalak sila. Alam kong meron.
At doon, merong isang liwanag na kumislap ang agad nakakuha ng atensyon ko mula sa kanang kamay ng leader ng tronix. Shit. Oo alam kong hindi ganun kalinaw ang mata ko para makita ng malinaw ang kumislap na bagay na yun pero isa lang ang masaaabi ko, isa iyong bagay na matalim na pwedeng makakitil ng buhay.
Ang pagkakaalam ko sa rules na hangga't hindi pa umaabot ng round 3, bawal pang gumamit ng kahit anong armas. Ganun na ba sila kadesperadong manalo at hindi sila makapaghintay sa round 3?
At isa pa, maaaring sumugod ang kahit na sino sa audience at pumasok sa loob ng stage upang kalabanin o patayin ang kung sino man ang magtatangkang mangdaya sa larong ito.
Well, wala akong naiiisip na mali kung sakaling gawin ko nga ang nakasaad sa rules na iyon.
Nagaabang na lang ako ng tamang tyempo para gawin iyon.
Hah! Patay ka sakin asswhole.
Someone
Akma nang susunggaban ng leader ng tronix ang leader ng black syndicate na ngayon ay busy sa kabubugbog sa isang miyembro ng tronix ng biglang may isang taong pumasok sa stage at agad na hinawakan ang braso ng leader at ipinilipit ito upang mabitawan naman ang isang maliit ngunit matalim na bagay na ikinagulat ng lahat.
Hmm, magaling talag itong joreal na ito at agad nyang nakita ang maliit na bagay na iyon na malamang eh itatarak na kanina ng leader ng tronix sa leader ng b.s. iyon upang tuluyan itong mamatay ng bigla ngang pumasok sa eksena si Joreal.
Mas lalo mo akong pinapahanga Joreal.
At mas lalo lang akong humanga ng wala pang sampung segundo ay nakahalumpasay na sa sahig ang leader ng tronix. Poor little cheater. Walang mananalong mandaraya sa kamay ni Joreal. Syempre, the only exception is me. Hahahah.
"Woah" ganyan na lamang ang reaksyon ng mga nakatunghay sa pagpatay at tangkang pangdaraya ng leader ng tronix.
At bilang Joreal Scottson, agad syang nawala sa paningin ng madami.
Ayaw parin nya talagang malantad kung sino talaga sya.
Kenj
Nagulat ang madaming tao and yes, pati kami ng kagrupo ko.
Hindi ko akalaing mandaraya pala ang grupong ito. Tsk tsk.
"Ehem ehem, ladies and gentlemen, lahat tayo ay nagulat sa pangyayari kani kanina lang. Ang leader ng tronix gang ay nagtangkang mangdaya pero dahil may nakasaad sa rules na maaaring may isang taga audience ang tumulong sa laban, at ayun nga. Meron ngang isang tao ang hindi nagdalawang isip na patumbahin ang nagtangkang mangdaya ngayong gabi. Lahat tayo ay natuklasan natin kung paano at gaano kabilis nyang napatumba ang leader ng tronix sa isang iglap lang. Ngunit nagbigay sya ng isang malaking kaisipan dahil miski isang salita mula sa kanya ay wala tayong natanggap. Sino sya? Ano ang pagkatao? Saang grupo sya napapabilang? Pero dahil wala pa tayong alam, isa lang ang masisigurado natin, ang panalo ngayong gabi ay ang BLACK SYNDICATE!" announcer.
"Tss, galing sumegway nitong announcer na to ah haha" rod.
Oh, ang bilis naman nyang makaakyat ng stage. Sya lang kasi ang hindi nakasali sa laro namin ngayong gabi. Hanggang limang miyembro lang dapat kasi ang pwedeng lumaban sa bawat grupo.
Pagkatapos ngang iannounce na kami muli ang nanalo, agad na kamingbumaba ng stage at dumiretso sa kwarto ng Black Syndicate.
"Di parin talaga ako makapaniwala. She's cool. Very very cool. Lalo na the way na mapatumba nya yung mandarayang yun, hanep! Nakakainlove yung bawat galaw nya. Oh men. Tinamaan ata akoooo"
Tanginang rod to. Bakla ba to?
"Hoy rod, anong pinagsasabi mo dyan?" drake.
"Anong 'anong pinagsasabe mo dyan'?. Di nyo ba napanuod si miss mysterious yet cool girl na naging super woman ngayong gabi ni kenj huh?"
"Gago! Malamang alam namin. Isa kami sa lumaban sa stage no. Ang tinatanong ko eh pano mo naman nasabeng 'girl' nga yung nagligtas kay kenj?" van.
"Ahh yun ba. Par naman kasi, uso maglinaw ng tanong ha?"
"Ewan ko sayo hayup yan" drake.
"Hey, roddy boy, eixplain mo na nga kung pano mo nasabeng babae nga yun? Ha?" dami pang paligoy ligoy eh.
"Eh eto na nga, diba ako lang yung hindi nakasama kanina sa laban so it means nasa labas ako ng stage kasama ang audience na nanunuod. So habang hindi pa kayo ang lumalaban, yung mata ko pinagala ko muna. Tingin sa kanan tingin sa kaliwa ng mapansin ko ang isang grupo ng nakamaskara. At isa na sya dun. Si superwoman of your life"
"Shut up" king ina talaga nitong roddy boy na to eh.
"Ok, easy lang haha. So eto na, kaya ko nalaman na girl sya kasi nung nakita ko sya, hindi pa nakataklob yung hood ng jacket nya sa ulo nya and I saw her shiny, black and long hair. So boom! She's a girl"
"Pakshet yan! Dahil nakita mo lang na mahaba buhok babae na?! Malay mo rakista diba?! Haynako sabi ni onyok!" Crane.
"Oo nga. Bwisit yan haha" drake.
"Eh malakas ang kutob kong babae talaga sya!" pagpipilit ni rod.
"Ewan ko sayo roddy boy, hindi parin valid yang reason mo. Pero isa lang masasabi ko, utang ko ang buhay ko sa taong 'yon"
Kung sino ka man, sana sapat na ang salamat. Pero palaging napasok sa isip ko..
THE WHO?
BINABASA MO ANG
UnOrdinary
Teen FictionThey thought Joreal Scottson is just a simple girl with a simple life. But once you know all about her? YOU WILL REALIZE THAT SHE IS A KIND OF A GIRL YOU DON'T WANT TO MESS WITH.