School
"CHLOEEEE!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.
"ANO?!" Pagsigaw ko sakanya ang kulit kulit kasi nya palagi nya kong kinukulit gusto nyang makipag kaibigan ugh!
"AY GRABE CHLOE HINDE AKO BINGE PARA SIGAWAN." Aba't! Ang lakas ng loob netong sabihan na ako yung nanigaw samantlang sya yung unang sumigaw nung tinawag nya yung pangalan ko.
"SINO BANG UNANG NANIGAW HA?!" Naiinis na talaga ako.
"Okay. Ako na. Hays. Chloe friends na kasi tayo pleaseee."
"HOY LALAKI HINDE KO NGA ALAM KONG ANONG PANGALAN MO! TAPOS MAKIKIPAG KAIBIGAN AKO SAYO?!" Hinde totoo na hinde ko sya kilala. kasi ang totoo kilalang kilala ko sya kasi simula nung pasukan pa nya ako kinukulit na kong maging kaibigan sya.
"Pano mo malalaman kung sino ako kung hinde mo naman hinahayaan yung sarili mong makilala ako." Nakita kong nasaktan sya. Gusto kong mag sorry pero pinigilan ko yung sarili ko.
"WALA KANG ALAM KAYA MANAHIMIK KA!"Sigaw ko sakanya. Pero ang totoo gusto ko ng umiyak
"Chloe alam ko may dahilan kung bakit lahat nalang ng taong gusto kang maging kaibigan hinde mo hinahayaan. Kaya please? Kaibiganin mo na ko. Promise Hinde kita iiwan." Ayan nanaman narinig ko nanaman yang pangakong yan. Sawang sawa na kong marinig yan.
"HINDE KO KAILANGAN NG KAIBIGAN. HINDE KITA KAILANGAN." Iniwan ko sya don ayokong makita na sa hinde ko na mabilang na pagkakataon, ako yung dahilan kung bat sya nasasaktan. Alam kong sobra na yung sinabi ko pero yun yung dapat kong sabihin para sumuko na sya.
YOU ARE READING
Ms. De Guzman turned to Mrs. Cruz
Romance"Aalis lang ako pero gaya nga ng sabi ko noon, hinde kita iiwan. Babalik ako. At sa pag babalik ko, papakasalan kita."