Chapter 3

20 2 0
                                    

Bahay

"Oh nandito ka na pala apo. Anong nagyare at nakabusagot ang mukha ng maganda kong apo?"masiglang bati ng lola ko. Hinde ko sya tunay na lola kasi kinukop nya na ko simula nung iniwan ako ng parents ko.

"Hmm naaalala nyo po yung lagi kong kinukwento sainyong lalaki? Yung nangungulit sakin simula nung pasukan?" Hays. Sana maalala ni lola ayoko ng magkwento mula sa simula ulit.
"Ah si Ren ba?"alanganing tanong ni lola.

"Opo la. Ang kulit kulit nya talaga ayoko ngang makipag kaibigan kahit kanino eh. Hays." Sa totoo lang gusto ko rin magkaroon ng kaibigan. Kahit isa lang kaso natatakot ako eh.

"Apo, bakit ba lagi mo nalang pinapalayo yung mga taong gustong pumasok sa buhay mo? Hinde naman lahat sila Iiwan
ka."Malungkot na sabi ni lola saakin.

"Hays. La ayoko lang pong maiwan ulit. Iniwan na ko ni mama at papa. Sila ngang mga magulang ko nagawa akong iwan ibang tao pa kaya?"maiyak iyak kong sagot sakanya. Niyakap lang ako ng lola ko.

"Apo kahit si ren lang pagbigyan mo na para pag nawala na ko may makakasama ka." Nagtaka ako sa sinabi nya bat naman sya mawawala? Hay nako.

Ms. De Guzman turned to Mrs. CruzWhere stories live. Discover now