Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay namin ang daming tao. Bakit kaya?
"Chloe! Chloe!" Tawag sakin ni aling linda. Kapitbahay namin sya at kaibigan na din namin ni lola.
"Oh bakit po Aling linda? Bat ang daming tao don? May patay?" Tanong ko sakanya.
"Chloe ang lola mo...." Mangiyak ngiyak nyang sabi. Hinde ko na sya pinatapos pa tumakbo na ako papunta sa bahay namin. Halos hinde ako makagalaw noong nakita ko ang lola ko sa loob ng kabaong na yon.
"Lolaaaaaaaaaaaaaa!" Napahagulgul ako sa iyak noong nakita ko sya na nakahiga mukha syang malungkot. Hinde pwede. Hinde ako iiwan ni lola, Hinde.
"Matagal ng may sakit ang lola mo chloe. Malala na iyon. Hinde nya lang sinasabi sayo kasi alam nyang magaalala ka." Malungkot na pagpapaliwanag ni aling linda sakin.
"Hinde Aling linda sabi sakin ni lola hinde nya ko iiwan. Hinde pa patay si lola diba?!" Umiiyak parin ako. Hinde na sumagot si aling linda mas lalo akong nanghina. Hinde pwede to. Hinde to totoo.
"Chloe" tawag saakin ni ren.
"Ren!"napayakap nalang ako sakanya. "Ren! Si lola! Si lola wala na si lola. ren!"humahagulgul kong sabi sakanya.
"Shhhhh magiging maayos din ang lahat." Hinigpitan nya yung yakap nya.
"Ren sabi ni lola sakin hinde nya ko iiwan. Sabi ni lola sakin yun eh! Pangako nya yun eh!" Umiiyak padin ako.
"Hinde ka naman nya iniwan chloe. Mananatili syang nasa puso mo. Nawala lang yung presensya nya pero hinde yung pagmamahal nya sayo." Hinde ko alam kung bakit pero guminhawa yung pakiramdam ko.
"Basta nandito lang ako chloe hinde kita Iiwan." Hinde na talaga ako naniniwala sa salitang ganyan.
"Chloe bakit lahat ng taong gustong maging parte ng buhay mo eh tinataboy mo?" Tanong nya sakin pagkatapos kong umiyak.
"Gusto mo ba talaga malaman?" Tanong ko naman. Tumango lang sya.
"Iniwan na kasi ako ng mga magulang ko simula nung bata pa ako. hinde ko alam kung bakit nila ko iniwan. siguro kasi hinde nila ko mahal pero okay lang yon dumating naman si lola at inalagaan nya ko at minahal. yun nga lang iniwan nya din ako. tsaka Ayoko kasi na may taong mapalapit saakin tas pag napalapit na ko bigla nalang akong iiwan. Ayoko ng may taong umaalis. Ayoko ng may taong iniiwan ako. Ayoko ng nasasaktan pag naiwan nanaman ako. Kasi Once na maiwan ako. Hinde lang naman nila ko iniwan, pinaramdam na din nila na hinde ako ka mahal mahal kasi nagagawa nila akong iwan. Kaya hanggat kaya ko, ayokong may napapalapit sakin kasi ayokong maiwan nanaman. Masakit kasi maiwan. Sobrang sakit."malungkot kong sagot.
"Kaya pala eh. Pero wag kang mag alala, ako hinde kita Iiwan." Psh ilang beses ko ng narinig yan.
"Wag mong sabihin yan kung di mo kayang tuparin. Mga magulang ko nga iniwan Ako eh. Ikaw pa kaya? Haha" hays sana di nya ko iwan.
YOU ARE READING
Ms. De Guzman turned to Mrs. Cruz
Romance"Aalis lang ako pero gaya nga ng sabi ko noon, hinde kita iiwan. Babalik ako. At sa pag babalik ko, papakasalan kita."