CHLOE DE GUZMAN
Hays. Ilang araw na rin ang nakalipas nagpapractice na rin kami ng graduation. Ang bilis talaga ng panahon dati ayokong pumasok kasi wala naman akong kaibigan dito pero ngayon kahit si ren lang ang kaibigan ko nalulungkot ako. Iniiwasan ko na rin sya ng ilang araw. Ayoko kasing mapalapit lalo eh. The more na napapalapit ako sakanya the more na masasaktan ako kapag iniwan na nya ako.
"Chloe" napahinto ako sa paglalalad noong may tumawag saakin. Alam ko kung sino sya. Sya lang naman ang ang tumatawag sakin dito eh.
"Ah. Hi?"hinde ako tumitingin sakanya.
"Iniiwasan mo ba ko?" Nakita kong malungkot sya nung sinabi nya yon.
"Huh? Anong sinasabi mo?" Pagmamaang maagan ko.
"Wag mo naman akong gawing tanga oh?"para syang iiyak na ewan.
"Ano bang sinasabi mo? Mauna na ko."paalam ko sakanya pero bago ako makaalis ng tuluyan may sinabi sya.
"Aalis na ko after graduation. Pupunta na kong Amerika dun ako mag aaral. Kaya please wag mo kong iwasan hanggat nandito pa ko kasi nasasaktan ako."
Umalis na ko non at umuwi na ng bahay. hinde ko na kayang pumasok. Sabi na eh. bat ba kasi hinayaan ko syang pumasok sa buhay ko eh sa huli alam kong ako yung mawawalan. Mawawalan nanaman ako, maiiwan nanaman ako. Ganun ba kahirap magtagal sa buhay ko? Bakit ayaw nilang mag stay? Bakit lagi nila akong iniiwan. Ano bang mali sakin? Ano?
YOU ARE READING
Ms. De Guzman turned to Mrs. Cruz
Romance"Aalis lang ako pero gaya nga ng sabi ko noon, hinde kita iiwan. Babalik ako. At sa pag babalik ko, papakasalan kita."