Chapter 14
Wedding Day.
October,26,2015Eto na yung araw na ikakasal na yung lalaking mahal ko. Ang swerte nung bride. Sino kaya yun? Hinde ko kasi sya nakilala kasi hinde naman sya kasama nung nag food tasting kami kahapon lang.
"Ma'am!" Dumating yung crew ko. Nandito kami ngayon sa reception tutal dito naman ako talaga dapat hinde sa altar.
"Oh bakit? May problema ba?" Nagaalalang tanong ko. Hinde ako pwedeng pumalpak ngayon.
"Eh ma'am sabi po ni sir ren kailangan naka wedding gown ka daw po kasi basta daw!" Huh? Agad ko ngang tinawagan si ren. Nababaliw na ba yon?
Calling...
"Hi chloe." Aba't!
"Pinaglololoko mo ba ako? Hinde ako yung ikakasal sayo!" Kahit na gusto kong ako yung ikasal sayo.
"Wala naman akong sinabing ikaw yung ikakasal saakin. Basta suotin mo yan. Kasi kung hinde ipagkakalat ko sa lahat na may ipis yung mga pagkain na hinanda mo masisira ang pangalan mo." Aba't! Eto nanaman sya sa pananakot nya makuha lang yung gusto nya! Nakakainis na talaga!
"Osya. Isusuot ko na okay?""Good. Hihintayin kita sa simbahan."
"Okay babush!" Sinuot ko yung wedding gown na yun kahit hinde ko alam kung bakit. May dumating din na mag aayos sa akin makalipas ang ilang oras natapos na sila sa pag aayos saakin. Napatingin ako sa salamin. Ang ganda ko ngayon. at hinatid narin ako sa simbahan hinde ko alam pero nasa tapat na pala ako ng pinto ng simbahan. Unti unti yung bumukas. Nagulat ako kasi nandon yung parents ko! Ngayon ko lang sila ulit nakita at hinde ko alam ang sasabihin ko kaya niyakap ko nalang sila. Naglalakad na kami ngayon unti unti na ng nag sisink in sa utak ko kung bakit ako yung may suot ng wedding gown. lahat ng madadaanan ko ang ang lahat ng naging parte ng buhay namin parehas. kokonti lang yung akin halos yung mga trabahador ko yung nandon pero okay lang. Ang mahalaga nasa tabi ko ang mama at papa ko na ihahatid ako sa mapapangasawa ko. nakangiti silang lahat saakin. papalapit na ko sa altar, papalapit na ko sa lalaking naging parte ng buhay ko. sa lalaking pinangakuan ako na babalikan ako. na papakasalan ako.
"Alagaan mo ang prinsesa namin. wag mong iiwan yan. kasi pag ginawa mo yun malilintikan ka saakin."Pag babanta ni papa.
"Kahit hinde nyo pa sabihin yan aalagaan ko po sya. Hinde ko iiwan ang prinsesa nyo na magiging reyna ng buhay ko." Sagot naman nya. Napangit ako don.
"Pano mo napapunta sila mama at papa dito? Pano mo sila nahanap?"takang tanong ko kay Ren.
YOU ARE READING
Ms. De Guzman turned to Mrs. Cruz
Romance"Aalis lang ako pero gaya nga ng sabi ko noon, hinde kita iiwan. Babalik ako. At sa pag babalik ko, papakasalan kita."